Seventeenth Chase

5K 101 16
                                    

Seventeenth Chase 

"Ihahatid na kita pauwi." Sabi sa'kin ni Jasper pagkatapos ng halos kalahating oras na pagtitig ko sa mga pagkaing pang-apat na tao na malamig na ngayon at hindi man lang nagalaw.

Natauhan ako bigla. Kailangan kong puntahan si Zeke... kailangan kong magsorry sa kanya. Ayokong galit siya sa'kin.

Tumayo ako at naglakad palabas ng resto. "Hey, san ka pupunta?" Bakit hinahabol na naman ako nung isang 'to?

"None of your business."

"Ano, pupuntahan mo na naman 'yung lalaking lagi mong iniiyakan? Si Kuya Zeke?"

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ko siya. Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit mo nga pala kilala si Zeke? Akala ko ba, ang sabi mo, hindi mo sila kilala ni Tiffany?"

"Sabi ko hindi ko kilala yung... y-yung girlfriend niya. Kaklase ko last sem sa Geol 1 si Kuya Zeke." Inirapan ko na lang siya at naglakad ako palayo. E ang kulit talaga ng lahi ng isang 'to, at ayun, sinundan na naman ako.

"Alam mo, ang weird nito. Ikaw, lagi mong hinahabol si Kuya Zeke. Samantalang ako naman, panay 'yung habol sa'yo. Bakit hindi ka na lang tumigil sa kakahabol kay Kuya Zeke at sa'kin ka na lang pumunta para masaya tayong lahat?" 

"Yeah, right. You're nothing compared to Zeke."

"Ouch." Dinedma ko siya. 

Teka nga, pano kung umuwi na sina Zeke at Tiffany? Wala nang saysay kahit pa ikutin ko pa 'yung buong mall. Pupuntahan ko na nga lang si Zeke dun apartment nila nina Aaron at Dave.

Dumiretso na ko sa labasan nung mall.

"O, san ka pupunta? Uuwi ka na? Ihahatid na kita. May dala akong kotse---"

"Do you even have a driver's license?"

"Syempre naman! 17 na kaya ako."

"Good for you." I told him sarcastically.

"Nandun nakapark yung kotse ko---"

"E di pumunta ka dun at umuwi ka na. Lubayan mo nga ako." Dumiretso ako ng lakad papunta sa Ortigas Station ng MRT, yung pinakamalapit na station dito sa Megamall. At syempre, sumunod na naman si Jasper. "Why the heck are you following me?"

"Sabi ko naman sa'yo, ihahatid kita." He grinned at me. 

"At yung kotse mo?"

"Babalikan ko na lang. O kaya ipapasundo ko na lang sa driver namin." They have a driver? He's that rich? E di siya na!

"Bahala ka nga sa buhay mo." Pumila ako sa bilihan ng ticket at pumila siya sa likod ko.

Chasing Mr. Right [Complete]Where stories live. Discover now