Second Chase

14.5K 190 12
                                    

Second Chase.   

First love. 

Yun unang beses na bumilis yung tibok ng puso mo, yung unang beses na tumigil yung mundo mo dahil sa isang tao, yung unang beses na kinikilig ka nang walang kamatayan. Nakakayanig ng mundo, nakakalito, at para kang nilalagnat.

Pero ang pinakagusto ko sa first love? First loves start with the pure innocence of liking a person for the first time.

A first love will always be magical.

* * *

Grade 5. 

Kabado ako pagkatapos kong magdoorbell sa bahay nina Zeke. Tumingin pa ko may bintana ng bahay nila para tignan kung ayos lang yung hitsura ko. Ilang buwan na rin kaming magkapitbahay pero kahit kelan di pa kami naging close ni Zeke.

"Ano yun?" Nagulat ako nung biglang bumukas yung pintuan nila at si Zeke mismo yung nakatayo sa harap ko.

"U-uhm, birthday kasi ni Papa. Eto yung handa niyang pancit tsaka kaldereta, pinapabigay ni Mama." Inabot ko sa kanya yung mga bitbit kong pagkain.

"Okay. Pakisabi kay Tita, salamat." 

"Teka!" Isasarado na sana ni Zeke yung pinto pero hinarang ko yung paa ko kaya nasaraduhan tuloy yung paa ko. "OW!"

"Aish. Okay ka lang ba? Bakit mo kasi hinarang yung paa mo? Engot ka ba?" Inis na tanong niya sa'kin habang inaalalayan niya ko papasok sa bahay nila at paupo sa sofa.

Hala, kinikilig ako!! Nag-aalala sa'kin yung crush koooo! Huhu, ang gwapo talaga ni Zeke!

"Uhm, yung ano kasi.. uhh, yung lalagyan, tama, yung lalagyan! Kailangan kong iuwi." 

Tinignan lang ako ni Zeke bago siya pumasok dun sa kusina ata nila. Awww, ang sakit nung paa ko. Namumula pa siya.

"Oh." May hinagis sa'kin si Zeke na telang parang may laman sa loob at nasalo ko (yeeess! ganda points!!) Ah, eto yung cold compress ah? "Ilagay mo sa paa mo. Hinuhugasan lang ni Mama yung lalagyan."

Tumango naman ako at ngumiti kay Zeke bago dinampi dampi yung plastik sa paa ko. Bumuntong hininga ng malakas si Zeke bago umupo sa may paanan ko at inagaw yung cold compress sa kamay ko.

"Uhm Zeke, ako na--"

"Mali yung ginagawa mo." Malamig niyang sabi bago niya hinawakan yung paa ko at inilagay yung cold compress dun sa naipit na parte.

Hala hala hala!! Hawak nung crush ko yung binti ko!! Nakaupo pa siya sa tapat ko. Kinikilig ako, kinikilig akoooo!

"Cha, eto na yung lalagyan oh. Pakisabi sa Mama mo salamat ha? At happy birthday na rin sa Papa mo." Sabi ni Tita Ellen nung lumabas siya sa kusina nila dala yung mga lalagyang bitbit ko kanina. "Oh, napano yung paa mo?"

"Inipit po niya sa pinto natin." Sabi ni Zeke. Pssh, ang sungit naman nito! 

Chasing Mr. Right [Complete]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang