Nineteenth Chase

5.9K 94 21
                                    

Nineteenth Chase 

Xavier University Grand Alumni Homecoming 

"Eeeeh! Ang gwapo talaga ni Sir!" Napatingin ako dun sa dalawang babae sa likod ko. Bata pa sila, mukha silang college students pa lang. Base sa uniform na suot nila, kasama sila dun sa mga volunteer students na nagseserve dito sa reunion namin.

"Sino?" Tinuro nung unang babaeng nagsalita sina Jasper at Zeke na nagtatawanan.

"Prof ko 'yan last sem! Ang gwapo, di ba? Ang alam ko bata pa 'yan eh."

"Ugh, 'tong mga batang 'to!" Malakas kong sabi. Tumingin sa'kin si Nicole at tinaasan ako ng kilay. "Hindi mo ba naririnig yung pinag-uusapan nila?"

"Hmm? Yung gwapo nilang prof?"

"Yung asawa ko 'yung pinag-uusapan nila! Ang hirap talaga pag yung gwapo mong asawa napapaligiran ng college students." Ngumuso ako at tumawa si Nicole.

* * *

Third year college. November. 

"Yow." Nakakaloka. Bakit hanggang sa library nandito 'to? Wala ba siyang plano mong patahimikin yung buhay ko kahit konti lang. 

Sinimangutan ko si Jasper nung umupo siya sa katapat kong upuan. 

"Hi, Charm." 

"Bakit ka nandito?!"

"Bakit, ikaw lang ba pwede sa library? Mag-aaral ako." Nginitian niya ko habang naglabas siya ng libro mula sa bag niya at pinatong sa table. 

Kinuha niya yung isa as mga notebook ko at nagsimula siyang magdoodle ng kung anu-ano doon. Hindi ko na lang siya pinansin dahil busy ako sa pag-aayos ng notes ko para sa Stat 101.

"Bigay ba 'yan sa'yo ni Kuya Zeke?" Tinuro ni Jasper yung bracelet ni bigay ni Zeke. Tumango ako. "Itapon mo na 'yan."

Tinignan ko siya ng masama. 

"O 'wag mo nang suutin. Pwede din 'yun." Ngumisi siya.

"No way. Importante 'to sa'min ni Zeke."

"That's the point. Pinanghahawakan mo 'yan tulad ng pagkapit mo sa inyo ni Kuya Zeke. That bracelet is the symbol of what you two had together. Let that gift go, and the next step is to let him go." Tinitigan ko 'yung bracelet na kumikinang sa wrist ko. 

Simula nung binigay sa'kin 'to ni Zeke, araw-araw ko siyang sinusuot. Kasi tuwing titingin ako sa kanya, naaalala ko 'yung pagmamahal sa'kin ni Zeke. Siguro nga, pag nagawa kong itapon yung bracelet na 'to, kaya ko na ring pakawalan si Zeke.

Pero teka nga... "I don't have any plans of moving on."

Chasing Mr. Right [Complete]Where stories live. Discover now