Thirtieth Chase

4.9K 88 22
                                    

Dedicated to: SheenaMarie8. I love your comments! Maraming salamat! :D


Short and quick update! :D


Thirtieth Chase 


"Good, Miss Caballero." Napanganga kami ng mga classmates ko nung bigla akong purihin nung prof ko. Haller? Super terror ng prof kong 'to!! Kahit pagngiti hindi ginagawa niyan. Tapos sinabihan pa niya ko ng 'Good'? Super big deal na yun!


"Er, thank you po." Mahina kong sabi sa kanya bago ako bumalik sa upuan ko kung san ako ngumiti ng malaki. 


Omaygad, nakaraos ako sa presentation ko! Pero nawala yung ngiti ko nung maalala ko si Jasper at yung ginawa niya para sa'kin. It feels so weird na pag-effortan ka ng ganun. It's heartwarming pero nakakahiya at nakakaconscious din. And weirder dahil nahihiya na ko kay Jasper... Goodness, ano na bang nangyayari sa'kin?!


Nung magsimula yung bagong reporter sa harap, tinignan ko yung relo ko, three hours yung klase kong 'to at two and a half na yung nakakalipas. Nakabalik na siguro si Maggie sa apartment namin dahil umuuwi ulit siya pagkatapos ng klase niya dahil may 5-hour break siya bago yung next class niya.


Lumabas ako ng room at tinawagan ko si Maggie.


"Cha?"


"Nasa apartment ka na?"


"Yep. Bakit?"


"Si... uhm.. si Jasper ba gising na? May klase pa siya ng 1, di ba? Umuwi na ba siya sa kanila?" Nagulat ako nung biglang tumawa si Maggie. "Maggie!"


"Oh?"


"Ano na nga?"


Tumawa ulit siya pero this time, sumagot na rin siya sa'kin. "Concerned na concerned ka ah?"


"MAGGIE!" 


"Chill! Eto naman! Nandito pa si Jasper. Kagigising lang niya at kinakain niya ngayon yung niluluto mo."


"Huh? Malelate na siya ah. Sabihin mo, bilisan niyang kumilos!"


"Narinig mo yun Jasper?" Tumawa ulit si Maggie at narinig ko rin yung tawa ni Jasper.


"Nakaloudspeaker ba ko?" Tanong ko sa kanila.


"Kanina, oo, pero ngayon, hindi na." Ayan na naman yung kinakabahan na feeling ngayong si Jasper na yung kausap ko! Ano ba 'to!


"Ah.. ah... uhh..."


"Totoo ba 'to? Speechless ka, Charm? Bago ata 'to." Nakakainis! Bakit ba ko kinakabahan lalo sa tawa ni Jasper?


"Tse! Bilisan mo ah! Malelate ka na sa klase mo, mamaya ako pa sisihin mo pag di ka nakapasok!" Yan, better. This is how I speak to him. Nothing should change just because natatouch ako sa mga ginagawa niya. This weird feeling that I have... this is nothing. Nahihiya lang ako sa efforts na ginagawa niya. Kinakabahan lang ako because I don't know how to say thank you to him. Just that and nothing else.

Chasing Mr. Right [Complete]Where stories live. Discover now