Twelfth Chase

5.3K 92 15
                                    

Twelfth Chase

"Anong nangyari?" Bulong ni Maggie kina Dave at Emma.

Sa gilid ko, nakatulala si Aaron. Kakabreak lang kasi nila ni Nicole nung isang araw. Kaya tumulala na rin ako dahil pareho naman kaming broken hearted. Ginaya ko na lang siya. 

"Ewan. Wala namang nakukwento si Zeke sa'kin." Sagot ni Dave. Tinitigan namin ni Maggie si Emma. Mother hen mode si Maggie simula nung magspace out ako kanina pagkakita ko nung relationship status ni Zeke kaya ayan, iniinterrogate lahat ng tao.

"Wala rin akong alam. Pero, well, hindi naman sila malabong madevelop, di ba? Magkaibigan sila mula first year. Nasa malayong lugar sila at namimiss nila yung pamilya at mga kaibigan nila dito sa Pinas. Pareho pa silang brokenhearted doon dahil sa nangyari kay Tiffany at Brian at kina Zeke at... Cha." Humina yung boses ni Emma sa huling salita pero rinig ko pa rin. 


Alam ko, kasalanan ko. Ako 'tong baliw na nakipaghiwalay kay Zeke eh. Pero bakit ganun? Bakit parang sobrang bilis naman ata niyang nakahanap ng kapalit sa'kin? One year? Sapat na ba yun para mapalitan ako sa puso niya pagkatapos nung matagal naming pinagsamahan?

At sa lahat ng tao, si Tiffany pa talaga? Ironic dahil si Tiffany nga yung dahilan kung bakit kami nagsimulang mag-away noon.

"Welcome to the club." Inakbayan ako ni Aaron at tumango ako. Welcome to the club ng mga wasak.

"Oops." Bigla dumiretso ng tayo si Dave tapos nagtext siya sa phone niya.

"Bakit? Bakit? Anong nangyari? Patingin nga niyan." Sumilip si Maggie sa phone ni Dave. Nakita kong nanlaki yung mata niya at inagaw 'yung phone mula kay Dave. "Ano 'toooo?!" Sigaw ni Maggie. Nanlilisik yung mga mata niya na natakot ako para kay Dave na lumunok na lang.

"E-eh nagtatanong siya kung nasan ako!"

"Bakti mo sinabi? Ha? Ha? HA?" Mukhang mang-ggyera si Maggie kaya hinatak ko siya para hindi siya tumayo mula sa upuan niya at sapukin na lang bigla yung boyfriend niya."

"Hindi ko naman alam na pupunta yun dito kaya nagtatanong." Defensive na sabi ni Dave. Tinignan siya ni Maggie bago sinabunutan. "Aray, aray, aray, Maggieee! Babe, wag ka namang ganyaaaan!"

"Maggie, bakit?" Tumigil si Maggie sa pagsabunot kay Dave at nakakunot pa rin yung noo niya ung tumingin siya sa'kin. 

"Umalis na tayo dito, Cha." Tumayo siya at hinatak ako.

"Bakit naman?"

"May parating na epidemya rito. Tara na." Hinatak niya ko ulit pero hindi pa rin ako tumayo. "

 "Ha?" Ano bang sinasabi nitong si Maggie?

"Ayan na ayan na ayan na." Biglang tinakpan ni Maggie ng panyo yung mukha ko. "Ganito, Cha. Magtago ka dun sa ilalim ng lamesa tapos papagulungin na lang kita palabas ng restaurant, okay?"

Chasing Mr. Right [Complete]Where stories live. Discover now