Thirty-fifth Chase

5.1K 98 10
                                    

Thirty-fifth Chase 


"Kinakabahan ka ba?" Nakangising tanong ni Jasper sa'kin. "Kinakabahan ka pala?"


Sinamaan ko siya ng tingin. Syempre, kinakabahan ako. Ipapakilala ba naman niya ko sa parents niya bilang girlfriend niya so panong hindi ako kakabahan?


"Relax. Alam mo na namang gusto ka nung mama ko." Nabawasan yung kaba ko nung maalala ko yung super friendly at over enthusiastic na mama ni Jasper. She won't hate me, right?


"Eh yung papa mo?"


 He shrugged. "Okay naman si Papa sa kahit ano. Kaya relax ka lang diyan." Minasahe niya pa yung balikat ko na para bang sasabak ako sa laban sa boxing. Binatukan ko siya at tumawa siya.


 "Bwisit."


 "Ang sweet talaga ng girlfriend ko kahit kelan." Natatawang sabi ni Jasper.


 Napangiti rin ako. I really love being called his girlfriend.


 "Oh shut up, alam mo namang first time ko 'to eh."


 "First time? Eh nung si Kuya Zeke—-" I gave him a look, reminding him that Zeke and I were childhood friends, na bago pa maging kami ay close na ko sa pamilya ni Zeke. Jasper stopped talking as if he realized these things.


 "Tara na, dali." Namangha ako nung makapasok kami sa bahay nina Jasper. Walang duda, mayaman nga talaga sila. Bukod sa isang exclusive subdivision sila nakatira, sobrang ganda rin nung mismong structure nung bahay nila Jasper. It's a two-storey house. Labas pa lang ng bahay, elegante na. Sa loob naman, moderno pero sopistikado yung ayos at mga muebles ng bahay nila.

  

"CHAAAAA!" Katulad ng una kaming magkita, sinalubong na naman ako ng sigaw at yakap nung mama ni Jasper. Kumindat siya sa'kin pero halatang nagpipigil siya ng tawa. "Buti naman kayo na ng anak ko! Naku, botong boto kaya ako sa inyo! Bagay talaga kayo!" Kinurot pa nung mama ni Jasper yung magkabilang pisngi ko.


 "Ma!" Saway ni Jasper sa mama niya bago niya ito hinatak palayo.


 "Hihi, sorry, Cha! Naexcite lang talaga ako! O sige, dun muna ako sa kusina at itutuloy ko yung binebake kong cake. Enjoy lang kayo dito ah?" Naglakad palayo yung mama ni Jasper pero bigla siyang bumalik sa harapan namin. "Kung pupunta kayo sa kwarto ni Jasper, iwanang nakabukas yung pinto ha? Boto ako pero ayaw ko pa ng apo so behave kayo ha!" Humagikgik siya ulit bago naglakad palayo ng tuluyan.


 Sinilip ko yung mukha ni Jasper at natawa ako nung makitang pulang pula yung buong mukha niya, lalo na yung tenga niya.


 "Si mama talaga..."


 "Aww, nahihiya ka ba Jasper?" Tumawa ako ulit ng malakas.


 "Charm! Di yun nakakatawa ah." He mumbled kaya lalo akong napatawa. Ang cute talaga ng boyfriend ko kahit kelan.

Chasing Mr. Right [Complete]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant