Twenty-seventh Chase

5K 113 22
                                    

 Twenty-seventh Chase 

"Cha! Kakain na!" Pumasok ako sa loob ng bahay namin kung saan nakaupo na yung buong pamilya ko sa dining table at ako na lang yung hinihintay nila. Sa bahay kasi namin, kapag nasa bahay kaming lahat, hindi pwedeng hindi kami sabay sabay kakain. 

Umupo ako sa dining table. Nagdasal kami bago kami kumain.

"Ate, si Kuya Jasper?" Tanong ni Kael sa'kin.

"Nandun sa bahay nina Zeke."

"Papuntahin mo siya ulit dito mamaya ah!"

"Bakit?"

"Sabi niya may ipapakita daw siya sa'king dance moves eh. Totoo ba yun, Ate, magaling magsayaw si Kuya Jasper?"

"Err, yeah."

Pagkatapos na pagkatapos naming kumain, agad akong tumayo.

"Charmaine! San ka pupunta?" Tawag sa'kin nina Mama.

Kailangan kong makausap si Jasper. Ewan ko ba pero hindi ako mapalagay hangga't hindi kami naaayos. Nakokonsensya kasi ako. "Kina Zeke po---"

"Nako! Pabayaan mo na nga 'yung si Zeke! Kasama na niya yung gerlpren niya dun, wag ka nang makigulo pa dun. Magbebake ka pa ng cookies at apple pie para mamayang gabi, di ba? Hindi ka pwedeng lumabas ng bahay hangga't hindi mo natatapos yun."

"Ma, hindi po. Saglit lang---"

"Hindi pwede, Charmaine!"

Tapos umalis si Mama papunta sa kusina, habang dala-dala niya yung mga pinagkainan namin.

Ano ba 'yan! Hindi ko naman pwedeng suwayin si Mama. Nakakatakot kaya 'yan pag nagalit! Mamaya habulin pa niya ko ng tsinelas pag lumabas ako ng bahay.

Pumunta ako sa kwarto ko at kinuha ko yung apron ko. Paglabas ko, nakasalubong ko si Kael na papunta naman ng kwarto niya. May saksak na earphones sa tenga niya. Nilagpasan lang niya ko ng hindi ako tinitignan o binabati.

Psh, suplado nito kahit kelan! Hindi ko ba alam dito kung anong nangyari nung mga nakalipas na taon at biglang ang suplado na. Pano pa kaya 'to sa school nila? May kaibigan pa ba 'to? Pero sabagay, gwapo yung kapatid ko... kaya hindi naman siguro yan loner. Lahing Caballero yata 'yan!

"Ate."

Lumingon ako kay Kael.

"Gusto ko si Kuya Jasper."

Napataas yung kilay ko dun. Sa pagkakaalam ko, close sila ni Zeke ah? Si Zeke nga halos yung idol niya noon. "Kaysa kay Zeke?"

"Oo, ate. Ayoko na kay Kuya Zeke para sa'yo. Kasi ilang beses ka nang umiyak dahil sa kanya. Syempre kahit masungit ka, ate pa rin kita at ayokong pinapaiyak ka ng ibang tao. Si Kuya Jasper siguro hindi ka papaiyakin no?"

Chasing Mr. Right [Complete]Where stories live. Discover now