Twenty-second Chase

5.6K 100 17
                                    

Twenty-second Chase        

Xavier Univesity Alumni Homecoming 

"Maggie, kausapin mo naman ako oh. Bakit ka ba galit na galit sa'kin?" Nasa may buffet table kami ni Maggie nung hindi na nakatiis si Dave at nilapitan niya ulit si Maggie. "Ano bang nagawa ko? Sabihin mo naman sa'kin kahit yun lang."

Sinamaan siya ng tingin ni Maggie. "You wanna know? Fine! Remember a while ago, when I asked you if you want a baby?"

Tumango si Dave. "Sinabi kong ayaw ko pa. At ayoko pa ng mga tatlong taon dahil wala 'yun sa mga plano ko. Yun ba 'yung kinakagalit mo? Akala ko okay sa'yo---"

"No, you idiot! Kung wala pala sa mga plano mo, dapat nag-ingat ka. Because now I'm freaking pregnant!"

Nanlaki yung mga mata ni Dave at namutla siya. "H-ha? Ano? Panong--ha? S-seryoso ka ba?"

Mukha nang naluluha si Maggie. Hindi ko alam kung dapat ko bang icomfort si Maggie o umalis na lang ako dito para mag mabigyan ko sila ng privacy at makapag-usap sila ng mas maayos o ano.

"Sabi ko na nga ba eh. Ayaw mo dito sa baby."

* * *

3rd year college. December. 

"Hello, Dave. Nasa park na kami. Ilalagay na namin yung decorations?" Bumaba ako sa sasakyan ni Jasper at tinignan yung park sa harap namin.

Twentieth birthday ni Maggie bukas. Pero dahil may weekday pa, hindi siya makakauwi sa Garay. Kaya kinuntsaba kaming lahat ni Dave para maghanda ng surprise party para kay Maggie. Gusto niya daw kasing maging special yung birthday na ito dahil simula next week, hindi na teenager si Maggie.

Nirent ni Dave yung isang part ng park malapit sa'min buong gabi. Sa parteng 'to may malaking gazebo. Tumulong kaming lahat sa preparation para dito sa surprise ni Dave. Kami ni Jasper yung bahala sa decorations na mga kandila para sa pathway na lalakaran ni Maggie at balloons na ikakalat sa gazebo. Si Emma at Aaron yung bahala sa projector, screen, at ibang pang items para sa surprise video chat sa pamilya ni Maggie. At ang nakatoka naman sa pagkain ay... sina Zeke at Tiffany.

Alam kong awkward pa yung lahat sa pagitan naming apat pero para to kay Maggie at hindi ako papayag na masira yung araw ng bestfriend ko dahil sa personal issues ko.

"Sorry, Cha. May problema pa sina Aaron sa projector. I-usog na lang natin ng 8 pm yung surprise."

"Ganon ba? Alright. Yung flowers?"

"Nasabihan ko na yung shop."

"Okay. Keep her distracted, okay? Baka magduda si Maggie, malakas pa naman pang-amoy nung babaeng 'yan."

Tumawa si Dave. "Sure. See you later, Cha." Inend ko yung call. Sooo, 6 pm pa lang dahil 6:30 dapat yung surprise party ni Maggie.

Chasing Mr. Right [Complete]Where stories live. Discover now