Twenty-ninth Chase

5.2K 110 28
                                    

Hello! Nagpost ako kaninang madaling araw ng 28th Chase, baka nalagpasan niyo :)

Dedicated to: girlloveboy30. Naloka ako iniisi-isa mo yung stories ko at lagi kitang nakikita sa notifs ko so thank you ng bonggang bongga :D Di ako makapagdedicate sa'yo dati kasi ang plano kong idedicate na chapter sa'yo ay may Cha-Zeke scenes pero dahil maka-ChaSper ka na naman ngayon, eto na. Hahaha. 

 Twenty-ninth Chase 

Xavier University Alumni Homecoming 

"Wait, nalilito ako. Kailan nga ulit kinasal sina Cha?" Nalilitong tanong ni Michelle.

"Seriously, Mitch?" Natatawang sabi ni Nicole.

"What? Basta alam ko the day before ng isang holiday yun eh. December 31 ba? Oh wait! Hindi pala, December 24? Ay hindi... 31? Or 24 nga ba? Ewan ko na. Kailan ba? 24 or 31?"

Natawa kami ng asawa ko habang sabay sabay na sinigaw ng mga kaibigan namin yung araw ng kasal namin.

"Sorry na nga eh! Kayo naman, alam niyo naman tayo, tumatanda na, nagiging makalimutin na!" 

"Mitch, wala ka pang trenta. Wag kang OA." Sabi ni Maggie.

Tumango si Emma. "Wala pang thirty, may memory loss agad?"

"I hate you, guys."

* * *

3rd year college. January. 

Dahil may more or less two hours kaming byahe mula Garay pabalik ng Maynila, ginamit ko yung oras na yun para magmuni-muni sa mga bagay-bagay. Well, nahihirapan kasi akong makatulog sa bus kasi hindi kumportable yung upuan at panay pa yung sipa sa upuan ko nung bata sa likod. Hindi katulad ng katabi kong si Maggie na tulog na tulog na. At ang boring naman nung palabas sa TV ng bus na isang FPJ movie ata.

I looked at the seat across us, kung saan natutulog rin sina Zeke, Dave at Aaron. Seriously, natutulog silang lahat at ako lang yung gising. Pano kung may biglang mawala sa mga gamit namin? Pano kung makalagpas kami sa babaan? Di ba? Di ba?

I can't help thinking kung gano na nagbago yung sitwasyon ngayon from four years ago. I remember that Christmas Eve nung third year highschool ako at first year college si Zeke. He was gone for months at nalulungkot pa ko nun kasi akala ko hindi siya uuwi para sa pasko. But he came, and he showed me how much he loved him through that gift of his na pinagtabahuhan niya. I remembered that that night, I believed na kami na ni Zeke hanggang huli. But now, four years later, I'm wearing a different bracelet given to me by another guy. At nung kakatapos lang na New Year's Eve, I decided to let go of Zeke completely at kalimutan na yung mga pag-asang magkakabalikan pa kami and give Jasper a chance. Pakiramdam ko, isang chapter ng buhay ko yung nagtapos at isa pang panibago yung nagsimula nung  New Year's eve.

A chapter of my life without Zeke. Akalain mong darating yung pagkakataon na yun?

Chasing Mr. Right [Complete]Where stories live. Discover now