Thirty-eighth Chase

4.5K 85 13
                                    

Thirty-eighth Chase 

"Baka naman nahihiya lang?" Tanong ni Maggie habang naglalagay siya ng nail polish sa kamay niya. Nagsusumigaw yung red niyang nail polish.

Sumimangot ako. "Nahihiya? Kilala mo naman yung si Jasper. Kailan pa siya nahiya?"

"But still, paranoid ka pa rin, Cha. Ayaw lang ipakita yung planner niya, may tinatago na agad na masama? Baka gusto lang ng privacy nung tao."

I sighed. "Ewan ko talaga. Iba yung pakiramdam ko dito eh."

"Hay nako, Cha. Tigilan mo nga 'yan. Remember kung anong nangyari sa inyo ni Zeke? Dahil sa pagkaparanoid mo kaya kayo nag-away at later, nagkahiwalay. Gusto mo bang maulit yun kay Jasper?"

Nung binanggit yun ni Maggie, natauhan ako. She's right. I don't want to lose Jasper like I lost Zeke. Not now when I'm already in love with Jasper. Jasper naver gave me any reason to doubt him kaya dapat kong suklian yun. I should have more trust in him.

"You know what? You're right. Kakalimutan ko na lang 'to."

"Nako. Tama 'yan, Cha." Hinipan niya yung kuko niya tapos tumingin siya sa'kin. "Anyway, moving on to another topic, anong plano mo para sa birthday mo? Next week na yun ah."

I groaned tapos humiga ako sa kama. "Ugh, wag mo na ngang ipaalala yun." Ilang linggo ko na kayang pilit kinakalimutan na malapit na yung birthday ko!

"O, bakit naman? Dati-rati naman, lagi kang excited sa birthday mo."

"Ugh." I groaned again.

Binato ako ng unan ni Maggie. "Tigilan mo nga 'yan. Spill. Ano bang problema?"

"Magiging twenty na ko." Sumimangot ako.

"Oh, so? Akala ko pagdating pa ng forties bago naiinis ang mga babae na tatanda na naman sila?"

"No! Hindi mo ba nagegets? Magtutwenty na ko! Ni hindi na ko teenager!"

Kumunot yung noo ni Maggie. "E ano nga? Noon naman gustong gusto mong hindi ka na maging teenager, di ba?" Oo, gusto ko yun noon. Kasi, gusto kong makahabol kay Zeke. Kasi nung mga panahong yun, college na siya at highschool pa lang ako kaya't atat na atat akong tumanda para makasama ko na siya sa Maynila. Pero iba na ngayon. Ngayon, hinihiling ko na mas bumata pa ko.

"Noon yun." I sighed. "Bago ko makilala si Jasper."

"Oh." Tumango tango si Maggie. Mukhang nakuha na rin niya sa wakas yung pinupunto ko.

"Magiging twenty years old na ko tapos si Jasper ano? Seventeen pa lang! He's not even legal yet! Tapos ako hindi na teenager!"

"Hay nako, Cha. Ang dami mong pinoproblemang walang kwentang bagay. Magiging 18 na rin naman sa June si Jasper eh. Tsaka two years lang yung pagitan ng edad niyo. Hindi naman yun big deal."

Chasing Mr. Right [Complete]Where stories live. Discover now