BM9 - Cheat

26.3K 807 19
                                    

Chapter 9

Jeisen Jee POV

Nagpahatid na ako kay Aicel sa may bangdang highway malapit sa school namin. Nilakad ko nalang ang papuntang apartment ko. Busog na busog talaga ako ngayong araw na to.

Sa totoo lang mas masarap pang kumain sa mga ganoong klaseng lugar, hindi lang dahil sa mura ito ay talagang masasarap pa ang pagkain.

Dalhin ko rin kaya sila sa karenderya nextime o hindi kaya sa probensiya namin? Palagay ko magandang ideya 'yon. Parang na excite tuloy akong ipakilala sa kanila ang alaga ko dun.

Kinabukasan naisipan kong pumunta sa palengke bigla ko kasing na miss ang pagkain gulay at isda. Isa pa mas maraming preskong paninda kasi dun kumpara sa mga binibinta sa supermarket sa mall. Halos stock ko pa naman dito sa apartment puro noodles at dilata. Minsan na te-take out nalang ako ng ulam.

I'm just lucky that I don't get fat easily.

Tiningnan ko ang wrist watch ko, one of our techo invention. Good thing at hindi pa naman oras ng klase ko ng ganitong kaaga.

Sinipat ko ang sarili ko kung maayos naba itsura ko.

Yeah, maayos na nga at ganoon parin walang pinagbago. Bagay nga sa akin ang palengke. Kulang nalang ay malaking bayong.

Sumakay ako ng jeep papuntang palengke. Palingon lingon naman sa 'kin ang mga ibang pasahero. Napapailing nalang ako sa mga mapanuring mata at mumunting tawanan nila.

Just like what I always do?

I acted like I don't care.

Tinuon ko nalang ang atensyon ko sa labasan at inignora ang mga tingin nila sa akin. Agad kong nagpara ng makarating kami ng palengke. Nilakad ko nalang ang papunta dun.

So, ito pala ang palengke nila dito.

Nabasa ko naman ang malaking sign board sa taas na mukhang kinalawang na marahil ay dahil sa init at ulan.

Halos wala rin pala itong ipinagkaiba sa probensiya na pinaglalagian ko.

May dalawang malaking silungan na parang gymnasium.Palagay ko dito ang pwesto ng mga karne at mga isda. Napapagitnaan ito ng mga nakahilirang mga panindang sari saring gulay ay prutas. Ang iba sa kanila ay naglatag lang ng sako sa simento at dun edinisplay ang mga paninda nila. Pagpasok ko pinuntahan ko una ang pwesto ng mga saging na nabungaran ko sa pasukan ng palengke. Bawat isang tumpok ay tig sampung piso lang.

Bumuli ako ng dalawang tumpok nito.

"Ate, may binibenta rin po kaming recycled bags para po lagayan niyo ng pinamil. Patakaran po kasi ngayon dito na bawal na po ang gumamit ng mga plastic bags kung hindi po ay magmulmulta po kayo." Sabi sa akin ng isang dalagita na nagbabantay ng saging.

Lihim akong napangiti.

May patakaran palang ganito ngayon dito. It's a good resolution and a policy of the local government then.

Isinama ko na ring barayan ang bag na binibinta niya. Naramdaman ko namang nag vibrate phone na dala ko.

Si Shasha lang pala nag group message.

From: Shasha

GM:

Ang mga lalaki ay parang bubuyog na kapag tapos ng masipsip ang katas ng isang bulalak ay lilipat na naman sa iba. Yeah, a kind of insect that only knows how to buzz around and can't stay in one place. Pa lipat lipat hanggang sa mabusog at makuha ang gusto nila.

BMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon