Sinamaan lang niya ako ng tingin at ngumiti ako in response kahit hindi nakikita ang mga labi ko, pero mahahalata naman.





"Hindi ba natin tatanggalin ang panyo sa bibig niya? Panigurado, marami siyang itatanong. Sasagutin ba natin?" -Evan





Napa smirk bigla si Spade at ningitian si Evan. Lumapit din sa akin si Spade at tinanggal ang panyo nakapalibot sa bibig ko.





"Magspospoil nalang siguro tayo. May gusto ka bang itatanong?" -Spade





Hindi naman ako nagsalita at pinagmamasdan ko lang sila.





"Ayaw yatang magsalita. Tinitipid mo ba boses mo para sa iba?" -James


"Bakit ka namin kinuha? Ano ang kailangan namin sayo? Yon na ba yon ang mga tanong gusto mong malaman ang sagot, Nyx?" -Spade


"Mabuti at nag-isip ka."





Napangiti lang si Spade.





"Ano bang naaalala mo nung bata ka pa, Nicole?" -Spade





Sh*t. Kilala nila ako?





"Oh? Paano na naman ba namin nalaman ang tunay mong pangalan? Ang katauhan mo? Tss. Ang dali dali lang kaya hanapin." -Spade





Someone must have broke in and took the classified files of our company but that would be too impossible. Napakalakas kaya ng security ni Travis at sobra pa niyang strict pagdating doon so kapag nalalaman niya ito, I'm pretty sure sasabog ang bulkan na hindi pa ako nakapagimpake para magevacuate. Teka, parang OA lang ha?





"So let me repeat again the question, ano bang naaalala mo nung bata ka pa, Nicole? Tell me." -Spade





Kumuha ng isang upuan si Spade at umupo sa harap ko, pinagmamasdan ako.





"Importante ba yon para sayo?"


"Wala kang naaalala. Tama ba ako, Nicole Xyla Chua?" -Spade


"At kailangan pa bang sabihin ang buong pangalan ko?"





Napapangiti ulit si Spade at nagsiupo na rin ang iba pa niyang kamiyembro, habang si James ay tinutulungan pa si Dave sa kanyang sugat.





"Mga sasakyan, mga baril, mga dugo, mga patay, mga buhay...." -Spade





Kumunot ang noo ko sa mga binanggit niya. Sh*t. Naaalala ko naman.





Sumakit bigla ang ulo ko at napayuko ako. Pinikit ko rin ang mga mata ko.





"Masakit pa ba, Nicole?" -Spade


"W-Wag. T-Tama na."


"Ang mommy mo? Naaalala mo pa rin ba? Naaalala mo pa ba ang mukha niya? Sa pagkakaalam ko, kamukhang kamukha mo raw siya." -Spade





Napamulat ako at tiningnan ulit si Spade. Kilala niya si Mommy?





"Namimiss mo ba siya? Nagugusto mo bang makikita siya?" -Spade


"Kilala mo....si Mommy?"


"Sa mga hindi mo naaalala Nicole, hindi ka man lang ba naghahanap ng pagkakataon na hanapin ang mga sagot sa marami mo pang katanungan?" -Spade





Behind Her ColdnessHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin