CHAPTER TWENTY

2.1K 39 0
                                    

HINDI NA ako nagulat nang dumating si sandy at ark kinabukasan, pagkatapos ng operasyon ni adrian.

He was stable now pero hindi pa rin siya nagigising. Ang sabi ng doctor ay kailangan lang ng katawan niya ng sapat na pahinga para mabilis siyang maka-recover.

Mula nang ilabas si adrian sa ER at ilipat sa private room ay hindi na ako umalis sa tabi niya. I was scared as hell na baka mawala siya sa'kin. Natatakot ako na baka kapag umalis ako sa tabi niya ay wala na siya sa pagbabalik ko.

I realize that i can't leave without him anymore. Hindi ko na kakayanin kung mawawala ulit siya sa'kin. Wala na rin naman akong pakialam sa mga nangyari sa'min noon dahil ang importante nalang sa'kin ngayon ay ligtas na siya.

"Patty..." Nag-angat ako ng tingin kay sandy nang tapikin nito ang braso ko. "Nasa labas si kuya patrick kausap si gabriel. He look so wasted and worried..." Nag-aalangang aniya. "Kausapin mo muna siya. Ako na muna ang bahala dito..."

Napabuntong hininga nalang ako at tumango. By now, siguradong napanood na ni kuya ang Tape na pinadala ko sa kaniya. Hindi ko man alam ang laman non, paniguradong katulad ko ay mawawasak rin non ang buhay ni kuya.

Nang lumabas ako ng silid ay nakita ko sila ark at kuya sa gilid at seryosong nag-uusap. Habang pinagmamasdan ko si kuya ay napagtanto kong tama si sandy. He's wasted and so lost....

Tinapik ko ang braso ni ark nang lapitan ko sila. Hindi siya nag-salita bagkus ay saglit niya lang akong niyakap at tinapik sa braso si kuya patrick bago kami iniwang dalawa.

Sinundan ko siya nang tingin hanggang sa isarado niyang muli ang pinto ng kwarto kung nasan si adrian.

Napabuntong hininga ako atsaka nag-angat ng tingin kay kuya. "Galit ka ba sa kaniya?" Tukoy ko kay lolo at sa ginawa nito sa buhay namin.

Napatiim bagang siya. "Galit na galit patty." Kumuyom ang kamao niya. "He ruined my supposed to be life. He ruined us! He broke our hearts!" Mariin niyang wika.

Nangilid ang mga luha ko. Sa nakikita kung galit sa kaniya ngayon ay nasisigurado kong malaki talaga ang kasalanan ni lolo sa kaniya, baka nga mas malaki pa sa kasalanang nagawa nito sa'kin.

"A-Anong gagawin natin kuya?" Hikbi ko.

Tiningnan niya ako. Nang makita niyang umiiyak ako ay biglang nanlambot ang expression ng mukha niya. Hinila niya ako palapit sa kaniya atsaka niyakap. Yakap na kailangang na kailangan ko ngayon.

"Wala kang ibang gagawin kundi ang maging masaya sa kaniya. You had enough patty. Let me take care of everything. Mula ngayon, ako naman ang haharap sa lahat ng ginawa ni lolo..." Sabi niya.

Napakagat ako ng ibabang labi at tanging hikbi lamang ang tangi kong nasagot. Kung ano man ang haharapin niya ay siguradong sobra siyang masasaktan. Ngayon palang ay naaawa na ako sa kaniya. Nasasaktan na ako sa hinagpis na nakikita ko sa kaniyang mga mata.

Suminghap ako nang pumasok bigla ang mukha ni lolo sa utak ko. Anong ginawa niya kay kuya? Anong klaseng paninira sa buhay ang ginawa nito sa kaniya? Mas malala ba ito sa ginawa niya sa'kin?

"Kapag gumaling na siya ay umuwi na muna kayo sa manila. Alam na nila mommy ang nangyari at sila mismo ang may gustong doon muna kayo." Sabi niya nang i-angat niya ang mukha ko para punasan ang mga luha sa pisngi ko. "Ako na muna ang bahala rito, okay? Ang gusto ko bago ka bumalik rito ay ayos kana at masaya. Gusto kong ito na ang huling beses na makikita kita iiyak."

Tumango ako at muli siyang niyakap. "P-Paano ka? Ayokong iwan ka rito..." Mahinang sabi ko.

"Don't worry, i can handle myself. Basta lumayo ka lang muna rito, kampante na ako." Aniya.

Mapait akong napangiti. Bahagya akong humiwalay sa kaniya atsaka siya muling tinitigan. Inabot ko ang buhok niya saka ito inayos. Pinigilan ko ang humikbi para ipakitang ayos na ako. Gusto ko na wag niya na akong alalahanin pa.

Kaya ko na ang sarili ko lalo na't na sa'kin si adrian.

"Wag mong hayaang mapuno ng galit ang puso mo, ha? Ayoko kasi na magbago ka. Gusto ko na palagi kang masaya. Mahal na mahal kita kuya...." Nakayukong sabi ko.

"Mahal ka rin ni kuya. Basta maging masaya ka lang, okay?" Aniya. Tumango lang ako at ngumiti ng hindi pilit.

I will kuya. I will.....

"Patty! Gising na siya!"

Nanlalaki ang mga matang napatingin ako kay sandy nang dungawin niya kami sa pintuan. "W-What?" Hindi pa napo-proseso sa utak ko ang nangyayari....

"Gising na si adrian! Hinahanap ka niya!" Masayang balita nito.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Agad kong hinarap si kuya para magpaalam.

Ngumiti siya atsaka marahang hinaplos ang pisngi ko. "Be happy little sis..." Aniya. And with that, patakbo akong pumasok muli sa silid.

"Tatawag lang kami ng nurse at doctor!" Masaya at natatarantang sabi ni sandy bago hinila si ark palabas.

Natawa ako. Lumapit ako sa kaniya atsaka inabot ang kamay niyang nag-aantay sa'kin. Mahigpit ko itong hinawakan at marahang hinalik-halikan. "You're awake..." Masayang sabi ko.

"Patricia... " Mahinang bulong niya habang mataman akong tinitingnan. Saglit siyang napapikit at nang magmulat siya ng mga mata ay may dumaang takot roon. "H-How are you? Nasaktan ka ba? Sinaktan ka ba ni berto?" Sunod sunod niyang tanong.

Mabilis akong umiling. "Hindi...." Tumulo ang mga luha ko. "H-Hindi niya ako nasaktan ng dahil sa'yo. Salamat adrian..." Hikbi ko. "Wag mo nang uulitin ito ha? Sobra mo akong tinakot!"

"Patricia...patawarin mo na ako," Mahina aniya sa nakikiusap na tono.

Lumunok ako at tumango. Linapit ko ang mukha ko sa kaniya atsaka iyon hinalikan. "Okay na. Alam ko na lahat..." Sabi ko.

May sasabihin pa sana siya nang dumating na ang doctor at ang kasama niyang dalawang nurse. Tumayo ako sa gilid niya habang chine-check siya ng mga ito. Nginitian ko siya ng makitang hindi nito inaalis ang tingin sa 'kin.

Muli niyang tinaas ang kamay niya, kaagad ko namang nakuha ang ibig sabihin non. Malawak ang ngiting hinawakan ko ang kamay niya. This time, hindi ko na siya bibitawan. Wala nang bibitaw sa'min nasisigurado ko 'yon.

Minsan na kaming nagkahiwalay na dalawa, ayoko nang mangyari iyon ulit. Wala nang makikialam sa relasyon namin...kahit ang lolo ko.

Sisiguraduhin ko na mananatili na siya ngayon sa buhay ko at ganon din ako sa kaniya. Wala nang makakasira sa 'min.

Napatingin ako kela sandy at ark. Bakas sa mukha nila ang kaligayahan para sa'min. Nagpapa-salamat ako dahil hindi nila kami iniwan at palagi silang nasa tabi namin.

Nai-imagine ko na ang buhay namin ni adrian nang magkasama. This time, tutuparin na namin ang mga pangako namin sa isa't isa. Tutuparin na namin lahat ng pangarap namin noon pa man.


Next is epilogue.

Patricia Laxamana 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon