CHAPTER ONE

3.5K 78 0
                                    

I'VE NEVER been this hurt before. Ibang klase pala kapag nasaktan ka ng dahil sa pag-ibig. Bakit ba kasi kapag nagmahal ka kailangan masaktan ka rin, hindi ba pwedeng magmahalan nalang nang walang sakitan? Ang sikip sikip kasi sa dibdib.

Napatingala ako sa papadilim nang kalangitan bago ako muling bumaling ng tingin sa kaniya. Nanginginig ang mga labi ko sa pagpipigil na wag humikbi o makagawa ng ingay na lalong magpapa-galit sa kaniya.

"Gusto ko nalang ngayon ay ang lumayo ka na sa 'kin at kalimutan mo na kung ano man ang namagitan sa 'tin." Malamig niyang aniya na lalong dumurog sa puso ko.

"Ganon na lang ba 'yon Adrian? Walang pali-paliwanag? Basta kapag ayaw mo na sa 'kin ay basta basta mo nalang akong tatalikuran?!"  Hindi ko alam kung anong nangyari sa 'ming dalawa. Kahapon naman ay maayos pa kami tapos ngayon gusto niyang makipag-hiwalay sa 'kin! Ano bang tingin niya sa 'kin?! Nakikipag-laro lang!

"Ano bang gusto mong sabihin ko?! Hindi pa ba sapat na sabihin ko sa 'yong ayoko na!" Singhal nito. "Ayoko na patricia! Sawang sawa na ako sa 'yo! Nakakapagod kang makasama. Napaka-selosa mo, lahat nalang nang dumidikit sa 'kin pinag-iisipan mo nang masama! Napaka-clingy mo to the point na nakaka-irita na. Masyado ka ring isip bata! Ni hindi ka nga marunong magluto!"  Singhal pa nito.

Nanghina ako sa mga sinabi niya. Wala na...wasak na wasak na talaga ang puso ko. Durog na durog na. Hindi ko man lang napansin na ayaw niya pala sa mga ginagawa ko. Sana man lang sinabi niya sa 'kin ang mga ayaw niya para naman nakapag-adjust ako, hindi 'yong magugulat nalang ako ngayon na andami niya palang ayaw sa 'kin.

Suminghot ako at mabilis na nagpunas nang mga luha. Kagat labi akong tumitig sa walang emosyon niyang mga mata. I guess...hindi niya talaga ako minahal. Kahit kaunti lang ay wala na akong makita sa mga mata, nagpapanggap lang pala siyang nasisiyahan sa 'kin.

"Hindi ko alam na mapag-panggap ka pala." Napabuga ako ng hangin sa sobrang frustration na nararamdaman. "Sabihin mo sa 'kin adrian....Kapag magkasama ba tayo ay nagpapanggap ka lang na masaya? Lahat ba nang ipinakita mo sa 'kin ay puros kasinungalingan?"  Buong tapang kong tanong.

Matagal siyang hindi nakasagot hanggang sa bumuntong hininga muna siya bago sinabi ang mga salitang ayokong marinig kahit alam ko namang iyon talaga ang isasagot niya.

"Yes. It was all a lie."

Naputol ang pagbabaliktanaw ko sa nakaraan nang maramdaman ko ang mga kamay niyang humawak sa nanlalamig kong mga palad. Doon ko lang naalala na hindi lang pala ako ang nasa kotse. Hindi lang pala ako nag-iisa.

"Are you okay, patty?" Nag-aalalang tanong niya.

Pilit akong ngumiti atsaka tumango. "Oo, may naalala lang ako." Nag-iwas ako nang tingin at bumaling sa labas ng bintana. "Isang alaalang dapat hindi ko na inuungkat pa."

"It was him right?" Bumalik ang tingin ko sa kaniya. "Your first love." Inosente niyang aniya.

Natawa ako. "Pwede bang minsan magpanggap ka namang hindi mo ako lubos na kilala. Wala na akong privacy pagdating sa 'yo, eh." Biro ko.

Humagikhik siya. "I can't. Masyado kang transparent kaya madaling mabasa kung ano man ang iniisip mo." Ngumuso siya.

Napangiti ako. "So? Mind reader kana pala ngayon? Tsk! Tigil-tigilan mo ako sandy, ha?"

Oo, kasama ko siya. Si Sandy Delos reyes. Pareho kami ng kursong natapos, Agri business. Actually noong nagpapa-enrol palang kami sa kurso namin ay napag-usapan na naming dalawa na tutulungan niya ako sa pagpapatakbo sa hacienda at sa mga negosyo namin dito. Akala ko nga ay hindi na matutuloy ang mga plano namin dahil kasalukuyan na itong engage sa pinsan kong si Gabriel, kaya nga laking gulat ko nang payagan itong sumama sa 'kin dito. Syempre, natuwa na rin ako. Atlis may makakasama at makakatulong akong isang taong mapagkakatiwalaan ko.

Patricia Laxamana 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon