CHAPTER EIGHTEEN

1.9K 36 1
                                    

NANGINGINIG ang buong katawan ko sa nagbabadyang galit. Halos baliktarin ko na lahat ng gamit ni lolo sa kwarto, makita ko lang ang pesteng susi na 'yon. Alam kong dito niya lang iyon tinatago at hindi ako titigil hanggat hindi ko 'yon nakikita.

Determinado na akong alamin lahat bago matapos ang araw na 'to. At alam kong nasa bodega lang ang lahat ng sagot.

Sigurado akong may tinatago si lolo doon.

"Señorita? Anong ginagawa mo sa gamit ng lolo mo?!"

Napatingin ako kay manang rosa nang gulat ako nitong nilapitan at pilit na pinipigilan sa ginagawang paghahanap.

"Hayaan niyo po muna ako manang..." Pagod kong sabi.

Napatingin ako sa closet ni lolo atsaka iyon binuksan. Tinapon ko lahat ng laman non at wala na akong pakialam kung may masira ako.

Hindi ako pwedeng manatiling walang alam sa mga nangyayari sa buhay ko! Sawang sawa na akong maging tanga!

"Señorita!" Sigaw ni manang atsaka ako hinila palayo sa closet ni lolo. "Ano bang problema mong bata ka?! Hindi mo na ginalang ang lolo mo!" Galit nitong sigaw.

Napailing ako at nangilid ang mga luha sa mata. "Hayaan mo na ako manang..." Iling ko.

Akmang babalik na ako sa ginagawang paghahanap nang muli niya akong pigilan. "Hindi kita pwedeng hayaan! Sinisira mo ang mga gamit ng lolo mo! Gusto mo bang magalit iyon sa'yo pagbalik niya?!" Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat atsaka marahang niyugyog. "Gumising ka nga! Kung may problema ka....pwede mo namang sabihin hindi iyong sisirain mo ang mga gamit ng lolo mo-----"

"---Pinaglalaruan ako ni lolo!" Putol ko sa sinasabi niya.

Napatigil naman siya at napatitig sa'kin. Tumulo na lamang ang mga luha ko at pabagsak na napaupo. Ang sakit kasi...sobrang sikip ng dibdib ko.

Lahat ng ito plano ni lolo......

Pinaglaruan nila ako....

"Señorita....."

Napahikbi ako. "M-May alam ka ba m-manang?" Mahinang tanong ko.

Kita ko kung gaano siya kalapit kay adrian at kung gaano siya ka-loyal kay lolo...posibleng may mga alam din siya.

"Katulad ka rin ng mommy mo noon..." Nag-angat ako ng tingin sa kaniya ng lumuhod siya sa harapan ko. "Kung ano ang nararamdaman mo ngayon ay naramdaman din niya noon sa una niyang pag-ibig...bago ang daddy mo." Malungkot siyang ngumiti atsaka pinunasan ang mga luha sa pisngi ko. "Nasaktan din siya ng lolo mo. At kinamuhian niya ito."

"A-Anong ibig mong sabihin manang?"

"Hindi ako ang dapat mag-kwento nito sa'yo kundi ang mommy mo. Tanungin mo siya minsan tungkol sa ginawa ng lolo mo noon sa kaniya." Hinaplos niya ang pisngi ko. "Basta lagi mo lang tatandaan na ginagawa ng lolo mo ang lahat para mapa-buti ang buhay ng mga mahal niya.." Makahulugang aniya.

Hindi ako nakapag-salita. Hindi ko maintindihan....at ayokong tanggapin na lahat ng mga luhang lumalabas sa mga mata ko ngayon ay dahil sa dalawang lalaking mahal na mahal ko.

"Halika señorita....sasamahan kita sa lugar na magbibigay sa'yo ng linaw sa lahat." Sabi ni manang atsaka ako inilalayang tumayo.

Hindi pa rin ako kumibo. Tahimik at walang imik na lamang akong sumama sa kaniya.

Minsan may mga bagay na kahit ikakasakit mo ay kailangan mong maging matapang para malaman ang katotohanan. 'Yon ang ginagawa ko ngayon.

Napasinghap nalang ako nang huminto kami sa tapat ng pintuan ng bodega. Naluluhang hinarap ko si manang.

"Alam ng lolo mo na darating ang araw na 'to kaya binilin na niya sa'kin ang lahat..." Aniya habang binubuksan ang pinto.

Natulala na lamang ako.

Nanginginig ang buong katawan ko nang tuluyan nang bumukas ang pinto patungo sa katotohanan.

"Maiwan na muna kita rito...." Paalam ni manang. Tango na lamang ang tanging nasagot ko.

Madilim sa loob ng bodega pagpasok ko. Gayunpaman ay alam kong wala pang masyadong alikabok at halatang alagang alaga ito dahil wala pa akong nalalanghap na kahit ano.

Dahan dahan akong humakbang at pilit kinakapa sa dingding ang switch ng ilaw. Siguradong malapit lang 'yon sa pwesto ko. Nang sa wakas ay makapa ko 'yon. Napabuntong hininga nalang ako at kaagad iyong binuksan.

Bumukas ang ilaw at nang magkaroon ng liwanag ang buong silid ay napasinghap na lamang ako sa nakita. Hindi ito mukhang bodega! Isa itong silid....silid na halatang si lolo mismo ang nagmamay-ari.

Umawang ang labi ko habang isa isang tinitingnan ang mga litrato na nakasabit sa kulay puting dingding. May pang-isa-hang kama sa gilid at isang study table. May t.v rin at dvd. Parang ginawa ni lolo ang silid na ito para gawing memorya sa'min.

May mga litrato ni lola at noong magkasama pa sila. Kahit si mommy meron din mula pagkabata niya. Magkatabi naman ang litrato naming dalawa ni kuya na halatang nasusubaybayan pa niya ang paglaki namin. My family picture din kami...maski ang noong mga graduation picture namin ni mommy at kuya meron din!

Lumapit ako sa lagyanan ng mga tape ni lolo. Hindi mga tape ng pelikula ang mga naroon kundi mga tape ng masasayang nangyari sa buhay namin. Naalala ko na mahilig kumuha ng litrato si lolo at mag-record ng video noon, hindi ko lang alam na may mga ganito siya. Hindi ko alam na nilalagay niya pala sa tape lahat ng mga vini-video niya.

Napatigil ako sa pag-tingin sa mga tape nang dumako ang mga mata ko sa dalawang nakahiwalay na tape. Nasa taas iyon ng DVD kaya kung hindi mo talaga iyong pakakatingnan mabuti ay hindi mo 'yon makikita.

Nanginginig ang mga kamay na inabot ko 'yon at binasa ang title.

I'm sorry Patricia -lolo

I'm sorry Patrick -lolo

Nanikip ang dibdib ko nang mapagtantong para saaming dalawa 'yon ni kuya. Gumawa siya nang tig-isang video para sa'min.

Ibig sabihin ay may ginawa rin siya kay kuya?

Tumayo ako at umupo sa kama. Ibinaba ko ang tape na para kay kuya atsaka tinitigan ang akin. This will hurt me...i know.

Bumuntong hininga ako at di maiwasang maluha. Mula noong bata ako, si lolo na ang kakampi namin ni kuya. Kapag umiiyak kami noon ay agad niya kaming patatahanin. Parati niya kaming pino-protektahan noon at alam kong hanggang ngayon.

Hindi ko lang maintindihan ang mga ginawa niya! Niloko niya ako at hindi ko pa man napapanood ang tape ay alam kong magagalit ako ng husto sa kaniya.

Baka nga kamuhian ko pa siya......

"Kamusta? May nakita ka bang makaka-sagot sa mga tanong mo?" Mabilis akong dinaluhan ni manang ng bumalik ako ng mansiyon.

Matamlay ko itong nginitian. "Manang, pwede mo bang papuntahin si adrian rito?" Wala sa sarili kong sabi.

"Oo naman...." hinawakan ako nito sa braso at buong pag-aalala ang mukhang tinitigan ako. "May problema ba?"

Umiling lang ako. "Wala po." Napakagat labi ako at inabot sa kaniya ang maliit na envelope na naglalaman ng tape na para kay kuya. "Ipa-deliver niyo po ito sa manila....nariyan na ho ang address at kung kanino iyan ibibigay." He deserve to know whatever in that tape.

Baka importante rin sa kaniya kung ano ang nilalaman nito. Baka may gusto ring malaman si kuya tulad ko.

At kung tama nga ang hinala ko na may ginawa rin si lolo para paglaruan ang buhay niya.


Siguradong dalawa kaming apo niya ang kamumuhian siya......

Patricia Laxamana 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon