CHAPTER EIGHT

2K 36 1
                                    

NANG ma-discharge si Adrian sa ospital ay agad ko na siyang binyahe pauwi sa mansiyon. Doon ko muna siya patutuluyuin hanggang sa gumaling siya para matutukan ko. Noong una pa nga ay ayaw niya pero wala na rin siyang nagawa kundi ang sundin ako, isa pa'y wala namang mag-aalaga sa kaniya dahil ulila na ito.

"Okay ka lang ba diyan?" Tanong ko sa kaniya habang sinisilip ko siya sa backseat gamit ang rear mirror ng sasakyan.

Tumango lang siya at nag-iwas nang tingin sa'kin. Napabuntong hininga nalang ako. Kanina pa siya tahimik at hindi ako pinapansin. Naiisip ko tuloy na baka galit siya sa'kin at sinisisi ako sa nangyari sa kaniya.

Itinabi ko muna ang sasakyan ko sa tabi ng daan nang marinig kong tumunog ang aking cellphone. Isinaksak ko muna ang headset ko dito bago ko sinagot ang tawag.

"Hello," Tamad kong bungad rito. Sinimulan ko na uli'ng patakbuhin ang sasakyan habang may kausap ako sa cellphone. Safe naman kasi naka-headset naman ako.

"Patty." Seryoso ang boses nito sa kabilang linya. Rinig ko pa ang sunod sunod na paghinga nito dahilan para kabahan ako. Is he mad? "Kailan mo balak sabihin sa'kin?" Malamig niyang tanong.

Kumabog nang malakas ang puso ko. "W-What?" Kabado kong bulalas.

Sumulyap ako sa rear mirror nang maramdaman ko ang titig ni Adrian. Gusto ko mang pumikit ay hindi ko magawa dahil nagmamaneho ako, kaya pinilit ko nalang na mag-focus sa daan.

"Alam mo kung ano ang sinasabi ko patricia!" Medyo tumaas ang boses nito sa kabilang linya dahilan para mamutla ako. Tuwing seryoso talaga siya at nagagalit sa'kin ay natatakot ako. Lalo na't alam kong may kasalanan ako. "Hindi ka pa ba nadadala? Huh? Bakit nakikipagkita ka pa rin sa gag*ng iyon?! Baka nakakalimutan mo ang ginawa niya sa'yo noon!" Inis na sabi nito sa kabilang linya.

Huminga ako nang malalim. "S-Sorry." Sabi ko. "G-Gusto ko namang sabihin sa'yo, eh. Natatakot lang ako na baka pauwiin mo ako diyan. Kailangan ako rito, kuya." Paliwanag ko.

"At kailangan mo ring makipagkita sa tarant*dong iyon?" Aniya pa.

"Kailangan kuya. Alam mo naman siguro kung bakit, diba? I promise kapag natapos na ang contract, ako na mismo ang lalayo sa kaniya." Sabi ko pa. Iyon naman talaga ang plano ko. At wala akong pakialam kahit marinig niya. Maganda na rin iyon para hindi ako mahirapan.

"Patty," Nakahinga ako nang maluwag nang mawala na ang galit sa tono ng boses niya. "Alam mong minsan lang ako magalit, hindi ba? At kapag nagalit ako ay nagiging demonyo ako kaya binabalaan kita patricia. Kapag nalaman ko na sinaktan ka ulit ng gag*ng 'yon ay papatayin ko siya." Banta nito.

Muli akong napabuntong hininga. "Don't worry, kuya. I matured enough. And i know my worth. Hindi na niya ako masasaktan o kahit sino pa man. Kaya wag ka nang mag-alala. Okay?"

"Just make sure patty. Make sure." Seryoso niyang aniya bago na nagpaalam sa'kin.

Nang matapos na ang tawag niya ay nanghihinang itinabi ko na ang cellphone ko. Pinilit ko na lang ang sarili ko na mag-focus sa pagmamaneho. Hindi ko na rin sinubukang tingnan si adrian sa likod dahil natatakot ako na baka may makita siyang kakaibang emosyon sa mga mata ko. Sabi ko nga kanina, hindi na niya ako muling masasaktan dahil ako na mismo ang iiwas.

Binagalan ko muna ang takbo ko nang madaanan na namin ang malapit nang matapos na mansiyon ni lolo. Ilang buwan nalang tapos na iyan. Siguradong pagkatapos nang proyektong ito ay mawawalan na naman kami ng koneksiyon ni adrian. At kahit iyon naman talaga ang gusto ko ay hindi ko pa rin maiwasan ang hindi malungkot. Inaamin ko naman kasi na may nararamdaman pa ako para rito.

"You can check them, if you want. I can wait here." Dama ko ang kalamigan sa tono ng boses nito kaya di 'ko maiwasan ang hindi salubungin ang walang buhay nitong mga mata.

"Hindi na. I trust leon." Sabi ko nalang atsaka muling nagiwas ng tingin. Bakit ba hindi ako makatingin ng matagal sa mga mata niya? Bakit hanggang ngayon siya pa rin? Bakit patty? Dahil ba hindi mo sinubukan?

Tahimik lang kaming dalawa at walang kibuan hanggang sa makapasok na kami sa gate nang mansiyon. Sa garahe naman ay nandon si sandy pati ang private nurse na pinakuha ko sa kaniya para kay Adrian. Mas maganda kasing bukod sa'kin ay may professional na mag-aalaga din sa kaniya.

Bumaba na ako ng kotse para kausapin si sandy at ang kasama niya. "Siya nga pala, patty. Si jake nga pala, ang private nurse na nakuha ko." Sabi ni sandy. "Jake, this is patty. Fiance niya iyong aalagaan mo." Dagdag niya pa na ikinalaki ng mga mata ko. What the f*ck?

"Sandy!" Sinamaan ko ito ng tingin pero ang gaga nginisian lang ako.

"Nice to meet you po, maam patty. Nandyan na po ba si sir?" Sabi ni jake dahilan para muli akong bumaling sa kaniya. Sumusulyap ito sa loob ng kotse ko.

Tumango ako. "Oo. Halika, ipapakilala kita sa kaniya." Sabi ko.

Binuksan ko na ang pinto ng backseat at naglahad ng kamay kay Adrian. "Halika na? Pasok na tayo sa loob para makapag-pahinga kana." Mahinahon kong sabi.

Tumango lang ito at inabot ang nakalahad kong kamay. Inabot ko muna ang saklay niya atsaka ko ito pinahawak kay sandy. Tinulungan naman ako ni jake na alalayan si Adrian na bumaba.

"Dahan dahan lang." Sabi ko sa kaniya.

Nang maibaba na namin siya ay muli kong kinuha kay sandy ang kaniyang saklay para ipagamit sa kaniya. "Kamusta, Architect?" Masayang tanong ni sandy rito.

"I'm good." Bored nitong sagot. "Adrian nalang ang itawag mo sa'kin." Aniya pa.

"Okay, adrian."

Huminga ako nang malalim atsaka dahan dahan siyang pinaupo sa sofa. "Adrian." Sabi ko. Nag-angat naman siya nang tingin sa'kin. "This is jake. Siya ang magiging private nurse mo kaya kapag may problema o may nararamdaman kang sakit ay sakaniya mo sabihin, okay?" Nakangiti kong sabi.

"Okay." Tumango lang ito at hindi na ako muling nilingon pa.

Napabuntong hininga ako. Kanina pa siya parang wala sa mood. Ano bang problema adrian? Why won't you tell me?

Hinarap ko na lamang si jake at ibinilin si Adrian sa kaniya. Pagkatapos ay hinila ko na si sandy paakyat sa kwarto ko. We need to talk.

"What?" Takang tanong niya nang tingnan ko siya nang masama pagkatapos kong isama siya rito sa kwarto ko.

Nameywang ako sa harapan niya. "Si ark ang nagsabi kay kuya na nagta-trabaho si adrian rito, no?" Sabi ko.

Napakagat labi naman ito at napakamot ng batok. "Eh, nadulas daw kasi siya, eh." Aniya.

Sumimangot ako. "Lagot talaga sa'kin ang ark na 'yon." Nanggigigil kong sabi. "Pinahamak niya ako."

"Bakit? Nagalit ba kuya mo?"

"Di lang galit. Galit na galit." Inis kong sabi.

"Nako." Mahinang utal ni sandy. "Siguro, hindi ko na muna papupuntahin si Gabriel dito." Aniya.

Sinamaan ko siya nang tingin. "Sige. Itago mo sa'kin iyang fiance mo. Lagot talaga siya sa'kin kapag nakita ko siya."

"Wag naman patty. Kawawa naman ang Gabriel ko. Baka hindi pa kami ikinakasal ay mabyuda na ako." Nakasimangot niyang aniya.

Inirapan ko siya. "Mula nang naging fiance mo iyang si Ark parati mo nalang siyang kinakampihan. Wag mo namang ipahalatang patay na patay ka sa tao."

"Patty naman!" Pinanlakihan niya ako nang mga mata. "Wag mong sasabihin iyan kapag nandiyan si Gabriel, ha? Baka maniwala iyon."

"Na ano? Na parati mo siyang kinakampihan?" Ismid ko.

Umiling siya. "Hindi." Ngumuso siya. "Iyong patay na patay ako sa kaniya."

"Bakit diba totoo?"

"Ewan ko sayo." Namumula niyang aniya. Pagkatapos non ay natameme na siya.

Mula nang maging maayos na lahat sa buhay ni sandy ay ang bilis bilis na niyang patahimikin. Nagpapasalamat nalang nga ako minsan dahil hindi siya napipikon sa'kin.


Hi guys!

Short update po muna tayo hahaxD.

Patricia Laxamana 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon