CHAPTER FIFTEEN

1.9K 42 0
                                    


"GUSTO ko na pong sabihin kay patricia ang totoo, señior."

Kumunot ang noo ko at napatigil sa paglalakad nang marinig ko ang sinabi ni Adrian, bahagya na namang nakabukas ang pinto nang kwarto niya kaya naririnig ko ng malinaw ang boses niya sa loob.

"Hindi ko na kaya señior...." Sabi niya pa. "Baka hindi niya na talaga ako mapatawad."

Bumilis ang tibok nang puso ko sa kaba. Ayoko mang isipin na may tinatago sila sa 'kin ay di ko naman maiwasan lalo na sa mga naririnig ko ngayon. Lalo lang lumalakas ang hinala ko.

Nang bumukas ang pinto nang kwarto niya ay kapwa nanlaki ang mga mata namin ni jake. Alam niya rin kaya?

"Ma'am patty?" Nagtatakang tanong niya. "Ano pong ginagawa niyo dito sa labas nang kwarto ni sir adrian?" Tanong niya pa.

Huminga lang ako nang malalim. "Wala naman. Napadaan lang ako." Kalmado kong sabi.

Mukhang hindi ito naniniwala nang titigan niya akong mabuti. Magsasalita pa sana siya nang tinawag siya ni Adrian na mukhang tapos nang makipag-usap kay lolo. "Sino 'yan jake?" Tanong niya mula sa loob.

Seryoso naman akong tiningnan ni jake. "Si ma'am patty po." Sagot niya habang nakatingin sa 'kin.

Pilit kong pinakalma ang sarili ko atsaka nag-iwas nang tingin sa kaniya. "N-Napadaan lang ako A-Adrian. Papasok na rin ako sa kwarto ko. G-Goodnight." Sabi ko sa malakas na boses para marinig niya sa loob.

Wala akong narinig na respond kaya kaagad na akong pumunta sa kwarto ko at dumiretso sa kama. Anong gagawin ko? Paano ko malalaman ang totoo? Paano?

NGAYON ang araw nang alis ni sandy. Sobrang bilis nang araw, ni hindi ko man lang namalayang ngayong araw na siya susunduin ni ark.

"Sa kasal ko, ha? Wag kayong mawawala ni Adrian." Nakangiting sabi niya.

"Syempre naman," Sabi ko atsaka Inihilig ang ulo ko sa balikat niya. "Mamimiss kita." Malungkot kong bulong sa kaniya.

"Mamimiss din kita patty. Ingat ka dito, ha? Wag mong pababayaan ang sarili mo." Sabi niya.

Tumango lang ako. Paano na kaya ako ngayon? Dati kahit pino-problema ko sila lolo at adrian ay medyo okay pa kasi nandito siya para pakinggan ako, pero ngayon ang hirap hirap na kasi aalis na siya. Wala na akong makakausap dito.

"Patty?"

"Hmm?"

"Gusto kong maging masaya ka rin kaya sana maayos niyo na ni adrian ang problema ninyo."

Hindi ako nagsalita. Wala naman kaming magiging problema kung sasabihin niya sa 'kin kung ano ang tinatago niya. Gusto ko lang namang maging honest siya sa 'kin.

"Andito na siya." Sabi ni sandy.

Umupo na ako nang maayos. Tiningnan ko si sandy. "Excited?" Tanong ko.

Mabilis siyang tumango. "Sobra." Sabi niya.

Napangiti nalang ako habang nakatitig sa kaniya. Punong puno kasi nang kasiyahan at pagmamahal ang mga mata niya. Kitang kita na masaya na siya ngayon.

Matagal ko na 'tong gustong maramdaman ni sandy kasi mula pagka-bata niya ay puro nalang pasakit ang nararanasan niya. Ito na siguro 'yong kapalit nang lahat nang paghihirap niya noon. And for me, she deserve this.

Kumunot ang noo ko nang makita ko ang isa pang kotseng nasa likod ni ark. May kasama siya? "Sinong kasama niya sandy?" Takang tanong ko.

"Ewan ko nga, eh." Takang sagot din ni sandy atsaka tumayo para salubungin ang fiance niya. "Hi love!"

Patricia Laxamana 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon