CHAPTER SIXTEEN

1.8K 41 3
                                    

AKMANG sasakay na ako ng kotse ko nang may biglang humablot sa 'kin. Nanlalaki ang mga mata kong nag-angat nang tingin sa kaniya.

"Where do you thing your going?!" Tiim bagang niyang tanong.

"P-Pupuntahan ko siya." Nagpumiglas ako. "Let me go, ark!" Inis kong sabi.

"No." Hinila niya ako papasok sa mansiyon atsaka biglang hinagis sa sofa.

Napasigaw ako sa gulat. "Asshole!"

"Patty..." Tiningnan ko si sandy.

"What?" Napahilamos ako nang mukha. "I need to go! Kailangan kong puntahan si Adrian!"

"Alam mo ba kung nasan siya?" Mahinahong tanong ni tyron.

Tinapunan ko siya ng masamang tingin. "Wala ka na don. Ikaw naman ang may kasalanan nito, eh! Ikaw ang dahilan kung bakit siya umalis!"

"Patty!" Awat sa 'kin ni sandy.

Tiningnan ko siya atsaka umiling. "Kailangan kong magpaliwanag sa kaniya sandy...."

"Patty, hindi natin alam kung nasan siya. Baka mamaya nandito lang pala siya sa mansiyon, nagpapahangin."

Umiling ako. "Inikot na natin lahat sandy. Wala siya dito." Sabi ko.

"Hindi rin naman siya makakalayo patty. Hindi siya makalakad diba?"

Napatigil ako. Sh*t! Bakit di ko 'yon naisip?! Hindi nga pala siya makalakad. Tiningnan ko si jake na nakayuko lang sa gilid. May alam kaya siya?

"Jake...." Malamig kong tawag sa kaniya. Tumayo ako at nilapitan siya. "Ayokong may naglilihim sa 'kin." Makahulugang sabi ko.

Umiling siya at di nag-angat nang tingin sa 'kin. "Nangako akong wala akong sasabihin." Halos pabulong niyang sabi.

Napapikit ako. "So...may alam ka nga." Sabi ko. "Nasan siya?"

"Hindi ko po alam." Iling niya.

Suminghap ako 'tsaka siya tinalikuran. "Nakita niyo ba ang wheelchair niya?"

Walang nagsalita sa kanila. Napahilamos na lamang ako ng mukha gamit ang dalawang palad ko bago ako nag-martsa paakyat ng hagdan.

"Patty!" Tawag ni sandy sa 'kin nang halos liparin ko na ang hagdan para lang makarating agad sa kwarto ni adrian. "Patty, what the hell...."

Hindi ko pinansin sila sandy na sumusunod sa 'kin. I'm pissed and confused! Naguguluhan ako at kung ano ano ang pumapasok sa utak ko.

Kapag wala ang wheelchair ni adrian ay baka makahinga pa ako ng maayos. Hindi naman siguro siya pagapang na umalis diba? Paanong wala siya sa buong mansiyon gayong hindi siya makalakad! Hindi rin naman siya siguro nasisiraan ng bait para lumabas ng mansiyon habang minamaneho ang wheelchair niya. Damn!

"Patty!" Sigaw ni sandy atsaka ako hinablot sa braso nang magsimula na akong maghalughog sa buong kwarto ni adrian. "What the hell are your doing?!" Singhal niya na para bang isa akong baliw na tao sa paningin niya.

Hinablot ko ang braso ko mula sa kaniya. "You were right! Hindi siya makalakad at kung wala man dito ang wheelchair niya ay posibleng nandito lang talaga siya at nagtatago. Sandy, i need to see him! So please, hayaan mo muna ako!" Frustrated kong sabi.

Natahimik lang siya at naiiling na humakbang palayo sa 'kin. "Fine." Buntong hininga niya.

Nanghihina lang akong tumango at muling bumalik sa paghahanap. Nasan ka ba adrian?

"Patty...." Rinig kong tawag ni tyron pero hindi ko siya pinansin. "I'm sorry...." Sabi niya pa.

Nagpanggap nalang akong walang naririnig. I still hate him. Kasalanan niya kung bakit hindi ko alam kung nasan si adrian ngayon.

Patricia Laxamana 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon