CHAPTER THIRTEEN

1.9K 46 3
                                    

AN: Hi guys! Any concerns? Please don't hesitate to ask me. Thank you for reading!

NAPAHINTO AKO sa pagbabalat nang mansanas nang makarinig ako nang ingay mula sa labas ng gate. Nasa garden kaming dalawa ni Adrian ngayon malapit mismo sa gate kaya rinig na rinig ko ang pagkalampag nito.

"What's that?" Takang tanong niya.

Napailing ako. "I dont know."

"Patty ano ang ingay na 'yon?" Napatingin ako kay sandy na lumapit ito sa'min dala ang juice na pinakuha ko.

Hindi pa rin tumitigil ang pagkalampog nang gate kaya napatayo na ako. "PATRICIA LAXAMANA! LUMABAS KA RIYAN!!" Kumunot ang noo ko nang makarinig ako ng sigaw mula sa labas.

Tiningnan ko ang guard na pasilip silip lang sa butas nang gate. "Mukhang ako ata ang hinahanap, ah." Sabi ko.

"Bakit may narinig ka bang ibang pangalang sinigaw bukod sa pangalan mo?" Sarkastikong sabi ni sandy.

Tiningnan ko lang ito nang masama. Ngayon pa talaga naisipang mamilosopo nang bruhang 'to. Napapailing na tinawag ko na lamang ang gwardiya.

"Sino iyong sumigaw?" Tanong ko rito.

Napatingin ako sa gate nang kumalampag pa ito. "Anak po ni bert, Señorita. Mukhang lasing po eh." Anito.

"Bert? The one who handle the wages of the farmers?" Kunot noong tanong ni Andrian.

Napabuntong hininga nalang ako at muling umupo sa tabi niya. "Yeah." Sabi ko.

"Ano namang ginagawa nang ng isang 'yon dito?" Tanong naman ni sandy.

Nagkibit balikat ako. "Ewan ko. Siguro galit iyon dahil pinakulong ko ang tatay niya." Sabi ko.

"Is that so..." Napatingin ako kay adrian. Ang seryoso naman nito. Napailing nalang ako at sinabihan ang guard na paalisin na iyong anak ni mang bert na 'yon. Wala ako sa mood para harapin ang galit non sa'kin. "Kumain kana?" Sabi ko sa kaniya.

"Ang dami namang langgam dito.." Ngisi ni sandy habang nakatitig sa'min ni Adrian.

Umirap nalang ako at nangingiting binigay kay Adrian ang mansanas na pinaghiwa-hiwa ko para sa kaniya. Wala namang imik nitong kinain iyon at hindi na ako muling kinibo.

Hinarap ko ulit si sandy na may malawak na ngisi na ngayon sa kaniyang labi. Pabirong inirapan ko nalang ito ulit. Ang lakas talagang mang-asar. Ngumuso siya atsaka nakangiti pa ring kinuha ang kaniyang tablet at may kung anong pinindot roon.

"By the way," Umusog ito sa tabi ko. "In case na gusto mong makita ang design nang wedding gown ko ay sinend na sa'kin kagabi nang designer ko." Masaya nitong sabi atsaka hinarap sa'kin ang kaniyang tablet.

Napangiti ako. "Ang ganda naman." Sabi ko. Ang ganda nang design nang gown niya lalo na iyong likod na parang butterfly ang design. Ang ganda talaga. "Siguradong bagay na bagay iyan sa'yo." Sabi ko.

"Talaga? Maganda?" Nagningning ang mga mata nito sabay tapon nang tingin kay adrian na hindi ko nalang pinagtuunan nang pansin, masyado akong namangha sa disenyo nang gown niya. "Na gustuhan mo ba talaga?" Tanong niya.

Tumango lang ako namamanghang kinuha ang tablet niya atsaka ito pinakita kay adrian. "Tingnan mo 'to...ang ganda no?" Masayang sabi ko.

Tiningnan niya lang naman ito saglit atsaka tumango. Napanguso ako. Wala man lang siyang sinabi, basta tumango lang siya. Kainis naman 'tong lalaking 'to.

Binalik ko nalang ito kay sandy. "Kailan pala ang alis mo?" Tanong ko rito. Naglagay ako nang juice sa baso atsaka ko ito nilapag sa tabi ni Adrian.

Patricia Laxamana 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon