CHAPTER TWO

2.6K 76 0
                                    

KUMUNOT ang noo ko nang makita ko si lolo na prenteng nakaupo sa sofa sa sala habang nagbabasa ng dyaryo. Tiningnan ko ang dalawang maleta sa tabi niya atsaka sinundan ng tingin ang mga bodyguards niyang may binubuhat na mga kahon.

"What's going oh here, lolo?" Takang tanong ko.

Nag-angat naman ito kagad ng tingin sa'kin 'tsaka ibinaba ang diyaryong binabasa. "Goodmorning apo!" Masayang bati nito. "Mabuti naman at gising kana. Hinihintay talaga kasi kitang magising bago ako umalis."

"Aalis ka?" Napatingin ako sa dalawang maletang binuhat ng dalawa niyang bodyguards palabas ng mansiyon. "I thought you're sick?" Pinapayagan pa ba ito ng doctor niyang bumiyahe?

"I am." Ngumiti ito. "Kaya nga ako aalis para mag-pagamot at para makapag-relax na rin." Aniya.

Lumapit ako sa kaniya atsaka umupo sa tabi niya. Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Alam ba ito ng doctor mo? Atsaka wala akong natatandaang may usapan tayo na aalis ka at iiwan mo 'ko rito."

Natawa siya. "Syempre alam ito ng doctor ko. Atsaka malaki kana apo hindi mo na ako kailangan rito. And besides kasama mo naman dito si sandy kaya hindi ka naman masyadong mahihirapan."

Sumimangot ako. "Saan ka naman pupunta? At gaano ka katagal mawawala rito?"

"Nasa states ang mommy't daddy mo at gusto nila akong pumunta doon para matingnan nang mga doctor." Umakbay siya sa 'kin atsaka masuyong hinaplos ang off-shoulder kong buhok. "Habang wala ako dito, ikaw muna ang bahala sa lahat. You're my heir apo, alam kong hindi mo ako bibiguin." Malambing niyang aniya.

Napabuntong hininga ako at yumakap sa kaniyang baywang. "You'll be fine, right? Pagbalik mo iikutin ulit natin ang buong hacienda tulad noong dati. Tapos mangangabayo ulit tayo ng magkasama." Huminga ako ng malalim. "I miss the old days, lolo."

"I miss it too, apo." Naramdaman ko ang paghalik niya sa buhok ko bago siya humiwalay sa yakap ko at tumayo. "I promise, kapag magaling na ako ikaw kagad ang yayayain kong makipag-bonding sa 'kin." Ngumiti siya kaya napangiti na rin ako.

Hindi ko alam kung ano ang sakit niya. Basta ang alam ko lang ay konektado ito sa kaniyang puso. Kung hindi pa nga ito muntik nang atakihin sa puso ay baka hindi pa namin malalaman na may sakit na pala siya. Masyado kasing malihim ang lolo ko lalo na kapag alam niyang lubos kaming mag-aalala.

"Please be fine, Lo." Hinatid ko ito hanggang sa kotseng sasakyan niya sa byahe. "Wag mo nang isipin ang mga maiiwan mo rito. I'll take care of it." Sabi ko.

Tumango naman ito atsaka matamis akong nginitian. "I know." Bago ito pumasok ng kotse ay lumingon muna ito sa 'kin. "Nga pala 'yong architect na sinasabi ko sa 'yong gumawa sa disenyo ng mansiyon ko ay dadating ngayong hapon. Ikaw nalang ang bahala sa kaniya. And I hope bago ako bumalik rito ay tapos na ang mansiyon ko." Nakangiti niyang aniya.

"Sure." Sabi ko. Wala naman siguro akong po-problemahin sa architect niya.

Kumaway nalang ako nang magpaalam na siya sa 'kin. Nanatili ako sa kinatatayuan ko hanggang sa makalabas na sila ng gate. Huminga ako ng malalim atsaka bumalik sa loob.

"Manang rose!" Tawag ko sa mayordoma.

"May kailangan kayo, Señorita?" Nakangiting tanong nito.

"Nakapag-luto na po ba kayo ng breakfast?"

"Ah, Oo. Ihahain ko nalang." Aniya.

Tumango ako. "Sige po. Bumaba na ba si sandy?"

"Iyong kasama mo ba? Kanina ay nakita ko itong lumabas mukhang magjo-jogging ata."

Patricia Laxamana 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon