CHAPTER THREE

2.4K 70 1
                                    

HINDI AKO manhid para hindi maramdaman ang mga titig niya sa 'kin habang kumakain kami ng hapunan. Nagpapa-salamat nalang talaga ako at kasama ko ngayon si sandy, dahil kung hindi ay baka kanina pa ako nag-walk out sa pesteng dinner na 'to.

Galing sa pagkakayuko ko ay nag-angat ako ng tingin para uminom ng tubig. Ayoko sanang tingnan siya pero hindi ko maiwasan lalo na't nasa harapan ko lang siya.  Ni hindi man lang nga siya nag-iwas ng tingin nang mahuli ko ang mga mata niyang nakatuon lamang sa 'kin imbes na sa kaniyang pagkain.

Napatiim bagang ako. Pinakita ko ang pagkairita ko sa presensiya niya pero wala man lang akong nakuhang kahit na anong reaksiyon mula sa kaniya. At ang kapal pa nang mukha niyang makipag-laban ng titigan sa 'kin pagkatapos ng ginawa niya noon.

Inilihis ko na lamang ang atensiyon ko kay sandy nang kunin nito ang atensiyon ko. "Okay ka lang patty? Bakit parang wala kang ganang kumain? Ayaw mo ba sa mga niluto ni manang rose?" Takang tanong nito.

Bumuntong hininga ako. Sino ba namang hindi mawawalan ng ganang kumain kung kasama mo si ex sa hapagkainan? Kung hindi lang kabastusan ang sumuka sa mismong harapan niya baka ginawa ko na kanina pa. "Wag mo nalang akong pansinin. Just focus on your food and eat." Malamig kong aniya.

"Why the sudden change of mood?" Takang tanong niya sa mahinang tono na kaming dalawa lang ang nakakarinig.

Napapikit ako at huminga nang malalim. Ngayon nagsisisi na ako kung bakit tanging pangalan lamang ang binigay kong impormasyon sa kaniya tungkol sa lalaking kasama naming kumain. My God! He is my Ex sandy!  Makiramdam ka naman! Hindi pa ba siya nakakuha ng ideya sa pangalan pa lang nito O di kaya sa biglaang pagbabago ng mood ko at sa pagtrato ko rito ng masama nang dumating ito.

Hindi ko nalang siya pinansin. Pinilit kong ituon ang atensiyon ko sa pagkain at pilit hinahanap ang lasa nito. Pero wala talaga akong malasahan! Nawalan na talaga ako ng gana! I wonder kung maayos ba ang pagkain nito, kasi kung Oo....Mabulunan siya sana!

"Patty, may problema ba?" Nag-aalalang tanong ni sandy.

Umiling ako. Ayokong magsalita o tumingin man lang sa kaniya. Natatakot kasi ako na baka may mabasa siyang kakaibang expression sa mga mata ko. Kilala ako ni sandy, madali nalang para sa kaniya na basahin ako. At ayokong mabasa niya ako sa harapan ng t*rantad*ng bwisita namin.

Nang matapos na kaming kumain ay kaagad na inilabas ng mga maid ang mga desserts. At sa oras na 'yon ay nagsisimula nang mag-usap ang dalawa samantalang tahimik naman akong nakikinig sa kanila. Mabuti nalang at madaldal itong si sandy.

"Pwede ba naming makita ang disenyo ng mansiyon Architect?" Rinig kong tanong ni sandy.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Kahit na kay sandy na ang atensiyon niya ay parang hindi pa rin nakakaligtaan ng mga mata niya ang tapunan ako ng tingin kahit saglit lang, at parang wala lang sa kaniya kahit nahuhuli ko siyang nagmamasid sa 'kin. Napairap nalang ako sa kawalan.

"Sure. Pero pwede bang sa libruary nalang? Pangit kasi kung dito pa sa hapag." Pormal nitong sagot.

Tumawa si sandy. "Okay."

Umingos ako at tiningnan iyong maid na tinatanggal na iyong pang-huling ulam sa lamesa. Nakasanayan na kasi rito na tanggalin ang mga ulam at kanin tuwing nasa dessert na para wala nang masyadong sagabal, ayon kay lolo. "Si manang rose?" Tanong ko rito.

"Nasa kusina po, Inaayos iyong wine na pinapahanda ninyo. May kailangan pa po ba kayo?" Anito ng nakangiti.

Tumango ako. "Wala na. Salamat nalang." Sabi ko nang hindi sinusuklian ang ngiti nito. Magalang namang nagpaalam ang kasambahay sa 'kin bago ito lumabas ng dining area.

Patricia Laxamana 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon