CHAPTER SIX

2.4K 47 6
                                    

ONE WEEK PASSED.

Alam niyo 'yong pakiramdam na parang gusto mo nalang sumigaw dahil sa inis na nararamdaman? 'Yong tipong ang hirap hirap nang magpigil nang galit lalo na't araw araw mong nakikita 'yong taong nagpapa-badtrip sa'yo. Argh!

"Ma'am, dumating na po si Engr. Corpuz." Bumaling ang tingin ko sa matandang forman nang lapitan ako nito.

"Nasan?" Tanong ko. Nandito ako sa pahingaan nang mga trabahador kaya nakakaiwas ako sa init kahit papano. "Sinabi mo bang gusto ko siyang makausap?" Tanong ko pa.

"Kausap niya po si Architect Ma'am." Anito. "Sinabi ko na rin pong gusto mo siyang makausap."

Tumango ako at bumuntong hininga. "Sige. Salamat."

Nang umalis na ito ay muli akong bumaling sa hawak kong cellphone. Kanina ko pa tinatawagan si kuya gilbert pero hindi niya sinasagot. Kahapon lang sila bumalik sa manila kasama ang dalawang Engineer. Ngayon naman ay nalaman kong si Engr. Corpuz lang ang makakabalik muna rito, hindi ko alam kung anong nangyari kay Engr. Victor. Basta ang alam ko lang ay may proyekto ang kumpanya na kailangan ito.

Ang pina-problema ko ay baka mas lalong matagalan ang construction. Ayoko nang makisalamuha kay Adrian. Hindi ko na rin kayang iwasan siya dahil pakiramdam ko naaamoy niya nang umiiwas ako. Humugot ako nang panibagong buntong hininga. Naiinis na talaga ako sa sitwasyon ko ngayon. Si lolo naman ay hindi ko rin ma-contact, Mukhang maski ito ay iniiwasan ako.

Salubong ang mga kilay akong nag-angat nang tingin sa taong kadarating lang. Hindi ito ang taong inaasahan kong darating kaya lalo lang akong nakaramdam nang inis. "Gusto mo raw makausap si Engr. Corpuz?" Mahinahon nitong tanong.

Umismid ako at nag-iwas ng tingin. "Yes, but unfortunately iba ang dumating."

"You can't talk to him. May mga pinapagawa pa ako sa kaniya." Aniya.

Inis ko siyang hinarap. "At sino ka naman para utos utusan siya? Boss ka ba niya?" Singhal ko sa kaniya.

Malamig ang mga matang tiningnan niya ako. "No. But he is under my command. Baka nakakalimutan mong ang disenyo ko ang pinaka-importante dito at sinusunod. Without my design this construction will be turn to nothing." Madiin niyang aniya.

Umawang ang labi ko. "Thank you, ha?" Sarkastiko kong sabi. "Grabe! Ang laki na pala nang utang na loob namin sa'yo. Salamat ulit, ha?"

"You're still childish, as always." Napapailing siyang namulsa.

Napairap ako. "I matured a lot. Thanks to you." Mataray kong sabi.

He chuckle. "I'm glad you did." Bulong niya na narinig ko naman. Nagpanggap na lamang akong walang narinig, ayoko na siyang patulan. Kung ang pinupunto niya ngayon ay tungkol sa nakaraan namin, dapat ko na talaga itong itigil.

PAGOD kong binagsak ang katawan ko sa kama pag-uwi ko ng bahay. Iwinaksi ko muna sa isipin ko ang pagmumukha ni Adrian, naii-stress lang kasi ako kapag iniisip ko siya.

Pinikit ko muna ang mga mata ko pero hindi rin iyon nagtagal nang humiga sa tabi ko si sandy. Ngumuso ito nang tingnan ko siya nang masama. "Ano na naman ba?" Inis kong tanong.

Lalo naman itong napanguso. "Wala pa nga akong sinasabi sa'yo. Nagagalit kana."

Napairap nalang ako sa kawalan. "Alam ko naman kasing tungkol sa kasal niyo na naman ni Ark ang sasabihin mo. Sa totoo lang naririndi na ako sa'yo. Hindi pa ba pumuputok iyang bunganga mo sa kakadaldal tungkol sa kasal niyo?"

Napasimangot siya. "Ang sama mo." Nagtatampong aniya. "Ibabalita ko lang naman sa'yo 'yong tungkol kay kuya Daniel, eh."

Napamulagat ako sa sinabi niya. "Anong balita sa kaniya?" Takang tanong ko.

Patricia Laxamana 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon