CHAPTER SEVENTEEN

1.9K 36 1
                                    

WALA SA sariling tumingin ako sa labas ng bintana ng kotse. Isang linggo na rin buhat ng huli kong makita si adrian. Aaminin ko na sa loob ng isang linggo na 'yon ay hindi pa rin ako okay. Sobrang bigat pa rin ng pakiramdam ko at sobrang hapdi pa rin ng puso ko.

Hindi ko nga alam kung paano ko pa nagawang ma-survive ang isang linggo na 'yon. Sa sobrang sakit na nararanasan ko ngayon parang gusto ko nalang maging manhid. 'Yong tipong kahit kagat ng lamok ay hindi ko na maramdaman.

Napakurap ako nang marinig kong mag-ring ang cellphone ko. Nang tingnan ko kung sino ang tumatawag ay napairap nalang ako. Ang kulit talaga ng lalaking 'to.

"Oh?" Tamad kong bungad nang sagutin ko ang tawag niya. "Siguraduhin mong importante ang dahilan kung bakit ka tumawag---"

"---I miss you." Natahimik ako. "Is that enough reason?"

"Wala pang isang oras ang lumipas nang umalis kayo ng mansiyon! For goodness sake tyron!" I hissed.

"Ang sungit naman." Tawa niya sa kabilang linya. "Nakakainip kasi sa byahe, mag-isa lang ako at sobrang tahimik." Sabi pa nito.

Napailing nalang ako. Ngayon kasi umuwi sila sandy sa manila para ayusin ang wedding nila, sumabay naman si tyron sa kanila kasi may problema daw sa kumpanya niya. "Mag-focus ka na nga lang sa pagmamaneho mo! Baka mamaya ma-disgrasya ka pa." Sermon ko sa kaniya. Hindi na rin ako galit sa kaniya dahil maski papano ay nakatulong din 'yon para malaman ko ang mga panloloko ni adrian.

"Hindi 'yan. By the way, nasan ka pala ngayon?"

"Pauwi na 'ko ngayon sa mansiyon," Sabi ko.

"Umalis ka?"

Tumango ako na para bang nakikita niya. "Yup. Dinalaw ko lang 'yong mga taniman ng mangga at tubo ni lolo."

"So? Kamusta naman?" Tanong niya pa.

Sumandal ako sa upuan atsaka pumikit. "Okay lang, masisipag ang mga trabahador at mababait." Napabuntong hininga ako. "Kaya lang parang mas gusto ko pang umuwi diyan sa manila kesa ang nag-iisa ako dito." Lalo lang kasi akong nalulungkot sa nangyari sa'min ni adrian.

Nakakainis pa kasi ilang araw ko na ring tinatawagan si lolo para itanong kung may kinalaman ba siya sa mga panloloko ni adrian. Ofcourse! For sure may kinalaman siya at kung hindi ako nagkakamali ay baka siya pa ang mastermind ng lahat! Hindi niya pa sinasagot ang mga tawag ko kaya lalong lumalakas ang kutob ko na iniiwasan niya talaga ako. Naiinis na ako!

"Pwede akong bumalik diyan kung gusto mo. Sabihin mo lang patty at ngayon palang iuuwi na kita sa manila." Seryosong sabi niya.

Napamulat ako ng mga mata. "Kung pwede lang sana...." muli akong tumingin sa labas ng bintana. Nasa palayan na kami.

"Patty, kung nahihirapan kana pwede kong pakiusapan si patrick na palitan ka diyan." Suhestiyon niya.

Napangiwi ako. "Alam mo namang mula nang huling punta ni kuya rito ay isinumpa niya na ang lugar na 'to. Ayaw niya nang bumalik rito ty." Sabi ko. Bigla naman siyang natahimik. Mukhang may alam ang isang 'to..."Ty? Bakit nga ba ayaw ni kuya na bumalik rito? May nangyari ba sa kaniya noong huling punta niya rito?" Tanong ko.

"E-Ewan ko..." Mahinang sagot niya.

Nangunot ang noo ko. "Bestfriend ka niya, impossibleng 'di mo alam."

"H-Hindi ko talaga alam, patty." Napanguso ako. Ang damot talaga nito! Pagdating sa kanila ni kuya ayaw mag-share ng kahit ano.

"Lie hard ty," irap ko. "By the way, i need to hang up na. Ingat ka sa pag-drive." Sabi ko bago pinutol ang tawag.

Napabuntong hininga ako atsaka muling ibinalik ang tingin sa labas ng bintana. Malapit na kami sa mansiyon. "Daan po muna tayo sa bagong mansiyon." Hindi ko pa kasi 'yon nakikita. Ang sabi sa'kin ay mga gamit nalang naman ang kailangan doon at malinis na rin. Siguro, maghahanap na rin ako ng interior designer.

"Sige po, señorita."

Nang makarating kami sa bagong mansiyon ni lolo ay kaagad kumunot ang noo ko. Ibinaba ko ang bintana ng kotse atsaka ito pinagmasdang maigi. "Pamilyar ang disenyong ito...." bulong ko. Hindi rin ito ang disenyong pinakita ni adrian noon. Bakit? Pati ba naman ito adrian?

Malakas ang kabog ng dibdib ko nang bumaba ako ng kotse. Parang pinipiga ang puso ko habang titig na titig sa mansiyong nasa harapan ko. Napapikit ako at inalala ang araw na makita ko ang disenyo nito.

"Ano 'yang ginagawa mo, adrian?" Tanong ko.

"Mansiyon." Tipid niyang sagot ng hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.

"Project mo?" Curious ko pang tanong.

Umiling siya atsaka ako tinignan. "Matutuwa ka ba kung isang araw mabigyan kita ng sariling mansiyon?" Seryosong tanong niya.

Natawa ako. "Seryoso?"

"I'm serious." Aniya.

Napanguso ako at nagkunwaring nag-iisip. Pilit kong pinipigilan ang pag-ngiti dahil sa kaseryosohan niya. Ang cute niya kasi, lalo na't pasensyado siyang nag-aantay ng sagot ko.

"Patricia?" Kumunot na ang noo niya, marahil sa inip.

"Hmmm..." Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya atsaka siya masuyong hinalikan sa labi. Napangiti ako. "Hindi ko na kailangan ng mansiyon basta kasama kita, kahit sa barong barong mo pa ako itira, ayos lang sa'kin." Ngiti ko.

Napangiti na rin siya, "Itong ginagawa ko," Itinaas niya ang sketch na ginuguhit, malapit na itong matapos. "Para sa'yo 'to. Pangako itatayo ko ito balang araw para sa'yo."

"Gusto ko 'yan." Ngisi ko. Hindi na naman ako humihiling pa nang mansiyon, basta nga kasama ko siya ay ayos lang kahit saan niya ako itira. "Basta ba, mukhang palasyo 'yan." Tudyo ko.

Ngumisi lang siya atsaka nag-patuloy muli sa pag-guhit. Masuyo ko lang siyang tinitigan sa ginagawa. Gustong gusto kong makita ang kinang sa mga mata niya tuwing gumuguhit siya. Gusto kong makita ang kagustuhan niyang baguhin ang takbo ng buhay niya. Gusto kong makitang magtagumpay siya, gusto kong makitang tinitingala siya ng mga tao sa larangang napili.

Gusto kong mag-tagumpay siya.

"I love you adrian....." My prince.

Naramdaman ko ang panginginig ng labi't kalamnan ko. Hindi ako makapaniwalang nakikita ko ngayon ang mansiyong pinangako niya sa 'kin noon. Isang mala-palasyong mansiyon na ginawa niya noon para sa'kin, para sa amin.

Napapikit nalang ako. This is so painful adrian. Paano mo nagagawang saktan ako ng ganito? Bakit kailangang ibalik mo pa sa'kin lahat ng sakit na binigay mo sa 'kin noon?

Natulala nalang ako at naisip si lolo. Alam kong alam niya 'to. All this time, kasama siya sa mga panloloko ni adrian. Hindi ako makapaniwalang pinagkaisahan nila ako.

"Señorita? Mukhang bubuhos na po ang ulan, kailangan na ho nating umalis." Rinig kong sabi ng driver ni lolo.

Pinagdikit ko na lamang ang mga labi ko atsaka ito tinanguan.

Sisiguraduhin ko na hindi matatapos ang araw na ito ng hindi ko nalalaman ang totoo. Aalamin ko lahat lahat at mukhang may ideya na ako kung saan sisimulan.


Patricia Laxamana 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon