CHAPTER NINETEEN

1.9K 39 0
                                    


"Apo, mahal na mahal kita. Mula nang dumating kayo ng kuya mo sa buhay ko ay kahit papano naibsan ang pangungulila ko sa lola mo. Noong una kitang makita na ngumiti sa'kin noong baby ka pa ay pinangako ko sa sarili ko na po-protektahan kita. Pinangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat mapabuti lang ang buhay mo. Patricia....apo, sana mapatawad mo ako dahil nasaktan kita. Nagsisisi ako nang makita kitang umiiyak at nasasaktan dahil sa kagustuhan kong layuan ka ng lalaking 'yon. Ayoko sa kaniya para sa'yo apo. Mahirap lang siya at walang pamilya, pakiramdam ko wala kang magandang kinabukasan sa kaniya. Iniisip lang kita apo. Iniisip ko lang ang magiging buhay mo lalo na't napaka-bata mo pa, pero tulad ng ginawa ko sa mama mo noon...mukhang napasobra na naman ata ako. Nasaktan lang kita sa ginawa ko, pero wala na akong magagawa apo...ginawa na niya ang gusto ko na saktan ka. Hindi ko na mababawi ang lahat. Umiiyak ka na nang dahil sa ginawa ko.

Ang tanging magagawa ko na lamang ngayon ay ang tuparin ang usapan namin. Oo apo, nakipag-kasundo ako sa kaniya at ang kapalit noon ay ang iwan ka niya. Ako ang may kasalanan ng lahat apo. Ginawa ko lahat para lang layuan ka niya dahil hindi ka bagay sa kaniya. 'Yon ang tingin ko. Isa kang prinsesa patricia at ang pulubing 'yon ay walang maidudulot na maganda sa 'yo.

Apo, alam kong kapag napanuod mo ito ay kamumuhian mo ako. At alam kong kapag napanuod mo ito ay bumalik na siya para tuparin ang usapan naming dalawa, na kukunin ka niya sa'kin sa ayaw at sa gusto ko.

Kung mangyari mang balikan ka niya. Hayaan mo siya apo ko. Hayaan mo siyang maging bahagi ulit ng buhay mo dahil wala naman siyang kasalanan. Ako ang may gawa ng lahat. Ako ang may kasalanan. Mahal na mahal ka niya apo pero mas mahal kita na kaya kong tiisin ang pagluhod at pagmamakaawa niya sa harapan ko para lang wag kitang ilayo sa kaniya.

Napakasama ko apo dahil nasaktan ko kayong mga mahal ko. Sigurado akong maski ang lola mo ay kinamumuhian ako ngayon.

Patawarin mo sana ako apo. Mahal na mahal kita...at mahal ka niya."

Napahagulgol na lamang ako nang matapos ang video ni lolo. He's so ruthless!

Pinaglaruan niya ang buhay ko at ni adrian! At hanggang ngayon ay patuloy niya pa rin kaming pinaglalaruan!

"Señorita! Señorita!"

Kinakabahang napatingin ako sa humahangos naming kasambahay nang walang katok katok itong pumasok sa kwarto ko.

Una kong napansin ang dugo sa damit niya at ang luhaan niyang mukha. Mabilis akong tumayo at lumapit sa kaniya.

"A-Anong nangyayari?" Nanginginig ang boses kong tanong.

"S-Si..S-Si señorito a-adrian ho! M-May tama nang baril!" Nanginginig sa takot niyang sinabi.

Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig at halos liparin ko na ang palabas ng mansiyon.

No! Lord please....wag mong hahayaang may mangyaring masama sa kaniya!

Mahal ko po ang lalaking 'yon...

"Adrian! Adrian!" Natatarantang sigaw ko nang makita ko ito sa gitna ng kalsada habang nasa tabi nito si manang, na umiiyak.

"A-Adrian...." Lumuhod ako sa harap niya. Kinuha ko ang kamay niya atsaka ito nilapit sa bibig ko para halikan. "A-Adrian...i-its me," Mahina at basag ang boses kong sabi.

Dahan dahan naman itong nagmulat ng mata at nahihirapang ngumiti. "P-Patricia...." Nahintakutan ako ng umubo ng dugo. Sh*t! May tama siya ng baril sa tagiliran!

"M-Manang....a-anong nangyari?" Nanginginig kong tanong kay manang.

"S-Sumugod si berto d-dito...at b-binaril siya.." hagulgol ni manang.

Napasinghap ako at basang basa ng luha ang pisnging inabot ang mukha niya. "A-Adrian...wag mo 'kong i-iiwan! H-Hindi ko kakayanin..." Hagulgol ko.

Narinig kong parating na ang mga ambulansiya kaya kahit papano ay nakahinga ako ng maluwag. Ngunit, hindi iyon sapat para mabawasan ang paninikip ng dibdib ko.

I'm scared....baka iwanan niya ako....

"P-Patricia..." Pilit siyang nagsasalita kahit nahihirapan. Hinang hina na siya! Lalo akong natatakot sa posibleng mangyari!

Baka maubusan siya ng dugo!

Napatingin ako sa kakarating lang na ambulansiya. "Hurry up! Ano ba?!" Nanginginig at basag ang boses kong sigaw.

Napahagulgok ako at tiningnan ang hinang hinang si adrian. "Please...d-don't leave m-me again..." Hagulgol ko.

Nagmamakaawa ako adrian. Wag mo na akong iiwan ulit! Not this time...

"Pa..Patricia..." Napasigaw ako sa takot nang muli siyang umubo ng dugo. No....no....

"Excuse me po..."

Hinayaan kong kunin siya ng mga medic. At kahit nanginginig ang mga tuhod ko sa takot ay sinikap ko pa ring sundan sila. He needs me!

"S-Sasama ako!" Sabi ko sa nanginginig na boses.

Mabilis naman silang pumayag at pinasakay na rin ako sa likod ng ambulance truck. Mabilis kong inabot ang kamay ni adrian para iparating sa kaniyang nandito lang ako. Gising pa siya pero alam kong nahihirapan na siyang kumilos.

Kailangan niyang magpakatatag! Kailangan ko siya......

"A-Adrian....lumaban ka p-please..." Bulong ko sa kaniya.

Hindi niya ako sinagot pero tama na sa'kin ang mu-munting luhang lumabas mula sa mga mata niya. Alam kong naririnig at nararamdaman niya ako.

Lalaban siya. Lalaban siya para sa'kin....

TATLONG oras.

Tatlong oras na akong naghihintay at tulala rito sa labas ng Emergency room. Sa bawat minutong lumilipas ay lalo akong kinakabahan at pinanghihinaan ng loob.

Alam kong lalaban siya pero bakit ang tagal lumabas ng doctor? Ano na bang nangyayari sa loob? Kay adrian?

Napatingin ako kay manang ng dumating ito kasama ang tatlong pulis. Mabilis niyang binigay sa'kin ang bag ko atsaka hinawakan ang kamay ko.

Matamlay lang akong ngumiti sa kaniya bago bumaling sa mga pulis. "N-Nahuli niyo ba si mang bert?" Nanghihinang tanong ko.

Napabuntong hininga ang nasa gitnang pulis. "Napatay po siya dahil pinilit niya paring manlaban sa'min kahit nag-iisa lang siya..." paliwanag nito.

Nag-iwas ako ng tingin. "Hindi man lang niya napag-bayaran ang mga kasalanan niya..." Tumulong muli ang mga luha ko. Hanggang sa kamatayan ay napaka-walang kwenta niya.

Hindi ko man lang napapag-bayad sa ginawa niyang ito! Hindi man lang nabulok sa kulingan tulad ng nararapat....

Nang umalis na ang mga pulis ay naiwan na lamang kami ni manang sa labas ng ER.

"T-Tumawag pala si señorita sandy, alam na nila ang nangyari." Rinig kong sabi ni manang.

Tumango lang ako at yumuko. Siguradong nasira ko na naman ang plano nila sandy. Siguradong bukas ay nandito na naman ang dalawang 'yon.

Bumuntong hininga ako at pinunasan ang basang pisngi. He'll be alright.

Siguradong gagaling siya. Hindi niya ako pwedeng iwan ulit dahil kapag ginawa niya, hindi ko na talaga siya mapapatawad.

Sing-bilis ng kidlat ang pagtayo ko nang lumabas na ang doctor mula sa loob ng ER. Mabilis nitong inalis ang mask sa bibig ng makita kami ni manang na nag-aantay sa paglabas niya.

"Doc..kamusta po ang lagay niya?" Medyo nahimasmasan ko nang tanong.

"Mabuti naman ang lagay niya. Success ang operation. Sa ngayon ay ililipat na muna namin siya sa private room pagkatapos non ay hintayin nalang natin na magka-malay siya." Sabi ng doctor.

Nakahinga ako ng maluwag. Salamat naman sa diyos! "Maraming maraming salamat po." Sabi ko. Shocks! Naluluha na naman ako.

"Walang anuman....maiwan ko na muna ako kayo, excuse me." Paalam ng doctor.

Tumango lang ako at nababakasan ng ngiti ang mga labi. I'm happy!

Patricia Laxamana 💯Where stories live. Discover now