CHAPTER FOUR

2.4K 56 0
                                    

TININGNAN KO lang si sandy na walang imik na pumasok sa kwarto ko. Umupo siya sa kama ko atsaka tumingin sa 'kin na parang sinusuri ako.

Bumuntong hininga ako. "Wag mo 'kong simulan sandy." Madiin kong sabi.

"O, ano namang ginawa ko sa 'yo?" Inosente niyang tanong.

Napairap ako. "Alam ko 'yang iniisip mo. Kung tatanungin mo ako kung anong sinabi ko sa Architect na 'yon kaya biglang umalis ay wag mo nang alamin. Basta nag-away kami, period."

Sumimangot siya. "Ay...ang damot."

Sinamaan ko lang siya ng tingin. Kinuha ko nalang ang laptop ko para nagbasa ng mga emails. Si sandy naman ay nanatili sa tabi ko at busy na sa kaniyang facebook. Nagpapa-salamat nalang ako at hindi niya ako kinulit ngayon.

Halos sampong minuto na ata kaming tahimik ni sandy at may kaniya kaniyang ginagawa. Maya maya lang rin ay naramdaman ko ang pagkaabit nito. "Patty..." Aniya.

Bumuga ako nang hangin at di siya binalingan ng tingin. "Hmmm?" Tamad kong aniya nang hindi nakatingin sa kaniya.

"I think kuya Daniel found his the one. May dine-date na daw kasi ito sabi ni kuya Gilbert." Ani nito.

"Good to him." Matanda na rin kasi si kuya. Dapat lang talaga na magtino na siya at maghanap ng babaeng seseryosohin niya. Aba! Sa edad niya ngayon dapat naghahanda na siya para sa pag-aasawa.

"Oo nga, eh. Sana matanggap ng daddy niya iyong babae." Aniya pa.

Napatingin ako sa kaniya. Kunot ang noo. "Bakit naman hindi matatanggap ni tito 'yong babae." Takang tanong ko.

"Sabi kasi ni kuya Gilbert walang tiwala si tito sa napiling babae ni kuya. Hindi ko lang alam kung bakit." Sabi niya pa.

Napaisip naman ako. Ano namang dahilan ni tito para ayawan niya ang babaeng gusto ni kuya daniel? Sa pagkakaalam ko pa nga ay atat na atat na itong magpakasal si kuya at bigyan siya ng apo. At ngayon ngang may nagugustuhan na si kuya dapat ay una siya sa magiging masaya para sa nag iisang anak.

KINABUKASAN ay nagising ako sa ingay ng alarm clock ko. Tumayo na ako kagad at nilabanan ang tuksong bumalik sa pagtulog. This day will be busy for me and sandy.

Mabilis lang akong naligo at nag-ayos ng sarili. Bago ako bumaba ay kinatok ko muna ang kwarto ni sandy at tiningnan kung gising na ba ito. Nang sumilip ako sa loob at nakitang wala na siya sa kama at malinis na ang kaniyang higaan ay kaagad na rin akong bumaba. Baka bumaba na naman ito para mag-jogging. Siguro bukas na bukas ay kailangan ko na ring sumabay kay sandy mag-jogging, wala na rin kasi akong oras para maghanap pa nang gym dito.

"Manang Rose!" Tawag ko kay manang nang pumasok ako ng dining area. Wala pang tao doon pero nakahanda na ang mga breakfast.

"Magandang umaga Señorita." Nakangiting bati nito nang makita ako.

"Goodmorning po." Bati ko pabalik atsaka umupo sa usual seat ko. "Si sandy po ba lumabas na naman para mag-jogging?" Tanong ko rito.

"Oho señorita."

Tumango ako at nagpasalamat sa kaniya. Kaagad na rin naman siyang bumalik sa kusina nang mapagtanto niyang wala na naman akong kailangan sa kaniya. Ako naman ay inabala na lamang ang sarili sa pagbabasa ng dyaryo habang nag-aantay kay sandy.

Siguro maya maya lang rin ay nandito na 'yon. Tumigil ang mga mata ko sa isang article na tungkol kay kuya Daniel. Kumunot ang noo ko at binasa ang mga naka-italize na letra.

Totoo nga kaya na ang isang DANIEL LAXAMANA DELA CRUZ na galing sa angkan ng mga laxamana at kilala bilang matinik sa mga babae ay umiibig na? Patunay lamang nito ay ang nakuha naming litrato nila kumakailan lang sa isang mamahaling restaurant. Tunay nga bang nagbago na ang isang katulad niya para sa isang babae lamang?

Patricia Laxamana 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon