CHAPTER TWELVE

1.8K 45 0
                                    

NAGULAT SI sandy nang makita niya akong nagluluto nang breakfast kasama si manang. Pawis na pawis pa ito dahil kakabalik lang niya galing sa labas para sa kaniyang morning jog. "Wala kang lakad ngayon? Akala ko ay maaga ka na namang umalis." Takang sabi niya.

Tipid akong ngumiti. "Naisip ko na magpahinga muna ngayon. This past few weeks brings too much stress to me. Buti na nga lang at mukha pa akong tao ngayon." Pabiro kong sabi.

Napangiti naman siya atsaka ako niyakap patagilid. Kaagad naman akong umiwas sa kaniya. "Sandy! Iyong pawis mo." Ngiwi ko.

Nakanguso itong lumayo sa'kin. "Ang arte nito. Parang nanlalambing lang, eh." Aniya.

Umiling nalang ako at binalingan si manang na halatang naaaliw sa aming dalawa. "Ano pong oras bumababa si Adrian, manang?" Tanong ko rito.

Napatingin naman ito sa relong pambisig. Bumalatay ang lungkot sa kaniyang mukha. "Mukhang wala na naman po ata siyang balak na bumaba señorita. Siguradong buong araw iyong magkukulong sa kaniyang kwarto." Malungkot nitong aniya.

Nang tingnan ko naman si sandy ay malungkot lang siyang tumango. "Hindi na rin siya kumakain nang maayos at ayaw niya nang uminom nang gamot. Wala na rin naman daw iyong silbi." Malungkot niyang aniya.

Natahimik ako. Itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa fried rice na ginagawa ko. Kasalanan ko 'to. I shouldn't leave him alone. Dapat ay nasa tabi niya lang ako dahil kung hindi naman sa'kin ay hindi siya magkakaganito.

NANG MAAYOS na namin ang hapag ay ako na mismo ang umakyat at kumatok sa kwarto niya. Si jake ang nagbukas nang pinto, mukhang wala pa itong matinong tulog ayon sa nakikita kong naglalakihang eye bags sa mga mata niya. Kumunot na lamang ang noo ko nang makaamoy ako nang alak sa loob nang kwarto.

"Pasok po kayo, ma'am?" Anito atsaka mas niluwagan ang pagbukas nang pinto.

"Bakit amoy alak rito?" Tanong ko. Nilapitan ko pa ang mga bote nang beer na inipon sa gilid. Naglasing sila o si Adrian lang?

"Si sir po kasi ma'am, eh ayaw magpaawat. Noong isang araw pa ho siya umiinom tuwing gabi. Napupuyat na lang nga ho ako sa kakabantay sa kaniya baka po kasi may gawin siya."

Napabuntong hininga ako at nagtuloy tuloy sa pagpasok. Tiningnan ko ang kama niya pero wala siya roon. Nagtatakang tiningnan ko si jake na nakasunod lamang sa'kin. "Asan siya? Is he awake?" Tanong ko.

"Nasa veranda ho siya. Doon na po siya natutulog. Kapag po kasi pinipilit ko siyang matulog rito sa kama niya ay nagagalit po siya at nagwawala." Paliwanag nito.

Nasapo ko na lamang ang dibdib ko nang sumikip na naman ito. Kumikirot at tila pa may pumupukpok sa aking puso sa mga narinig. So all this time, habang wala ako rito at abala sa pag-iwas sa kaniya ay may malaki na pala siyang pinagdadaanan. Ni hindi ko man lang alam na nahihirapan pala siya rito.

"Bakit hindi mo agad sinabi sa'kin?" Pumiyok ang tinig ko.

Kaagad kong pinuntahan ang veranda nang makita kong bukas ito. Sa may gilid ay may nakita akong maliit na foam na mukhang iyon ang tinulugan ni jake. Sa may gilid naman nang veranda ay nakita ko siyang nakaupo sa kaniyang wheelchair. May hawak na bote nang alak habang natutulog. Sa bilog na mesa sa tabi niya ay nandon ang mga bote nang alak.

"Gusto ko naman pong sabihin sa inyo ma'am kaya lang parati po kayong wala at busy." Rinig ko pang aniya.

Huminga na lamang ako nang malalim atsaka nilapitan si Adrian. "Magdala ka rito nang maaligamgam na tubig. Tapos ay sabihin mo kela manang na hatiran nalang kami rito nang pagkain." Sabi ko sa kaniya.

Kaagad naman itong sumunod at mabilis na lumabas. Dahan dahan kong kinuha ang bote nang alak sa kamay niya atsaka ko ito ibinaba sa maliit na mesa sa kaniyang tabi. Pagkatapos ay tinulak ko ang kaniyang wheelchair papasok sa kaniyang kwarto dahilan para maalimpungatan siya. "What the hell jake! Sabi kong wag mo akong dadalhin rito diba?" Sigaw nito at sinundan pa nang ilang mura.

Napapikit na lamang ako at pumunta sa harap niya. Kita ko naman ang gulat sa kaniyang mukha nang makita ako. Pinagtaasan ko ito nang kilay. "Sinisigawan mo ba ako?" Mataray kong tanong.

Mula sa gulat ay biglang lumambot ang expression nang mukha niya. "I'm sorry...i thought it was jake." Mahinang aniya. "Kanina ka pa rito? Nasan si jake?" Tanong niya kapagluwan.

Napangisi ako. Madali pa rin pala itong tumiklop pagdating sa'kin, eh. "Oo. May inutos lang ako kay jake. Atsaka mula ngayon ako na muna ang mag-aalaga at magbabantay sa'yo." Sabi ko.

Mabilis na bumalatay ang gulat sa mukha niya. "W-What..." Gulat niyang aniya.

"Narinig mo ako diba? Ayoko nang ulitin." Pairap kong sabi.

Umupo ako sa kama niya atsaka pinakilaman ang mga gamot niya. May mga reseta naman ang doctor dito kaya hindi mahirap kung alin ang iinumin niya.

"Pero, paano ang trabaho mo?" Nababahala nitong tanong.

"Ako na bahala roon. That's not your problem." Sabi ko nang hindi nakatingin sa kaniya.

"Iyong--" Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nang dumating si jake dala ang pinapakuha kong maaligamgam na tubig.

"Thanks jake....and," Tumayo na ako at tumabi sa gilid. "Paki-tulungan nalang siyang humiga sa kama kapag pumalag sabihin mo at nang ako mismo ang sasapak sa kaniya, may kukunin lang ako sa C.R." Sabi ko.

"Wait...." Hindi ko na inantay pa ang reklamo niya. Pumasok na ako sa C.R at kinuha ang kakailanganin ko. Nang lumabas ako ay nakita ko siyang inaayos na ni jake sa kama, nakasunod ang mga mata nito sa'kin. Naglakad naman ako patungo sa kaniyang closet at kumuha nang susuotin niya roon. "What are you doing?" Tanong nito.

"Ano sa tingin mo? Edi lilinisan ka." Sabi ko nalang atsaka umupo sa tabi niya.

"Ma'am sa labas lang po ako." Paalam ni jake.

Tumango ako. "Kumain kana muna, sumabay ka kela sandy." Sabi ko.

Nang makalabas na ito ay sinimulan ko nang hubaran si Adrian. Mabilis naman siyang umangal at pumalag. "Ano ba? Ang arte arte mo ah." Inis kong ani rito.

"Bakit ka ba kasi nanghuhubad."

"Lilinisan nga kita."

"Wag na kasi..."

Sinamaan ko siya nang tingin. "Tingnan mo nga iyang itsura mo? Para kang pinagsakluban nang langit at lupa." Irap ko sa kaniya.

Natahimik naman siya atsaka nag-iwas nang tingin sa'kin. Napabuntong hininga nalang ako. "Okay. Ikaw na ang maglinis nang katawan mo tapos magbihis ka na rin." Sabi ko nalang atsaka itinabi sa kaniya ang mga pamalit niya.

Tumalikod nalang ako at hinintay siyang matapos. "Sabihin mo kung may kailangan ka ha?" Sabi ko. Hindi niya ako sinagot pero alam kong nagbibihis na siya kasi gumagalaw ang kama.

"Tapos na..." rinig kong sabi niya makalipas nang ilang sandali.

Tumango ako at humarap na sa kaniya. "Kain na tayo." Yaya ko rito.

Itinabi ko na muna ang marurumi niyang damit at nilagay sa banyo ang palanggana. Nang umupo ako sa tabi niya ay tila hindi pa napo-proseso sa utak niya ang nangyayari ngayon. Di makapaniwalang tiningnan ako nito. "Anong ginagawa mo?" Tanong niya.

Nagkibit balikat ako. "Kain na tayo." Aya ko ulit sa kaniya.

"Patricia..."

Tiningnan ko siya ulit atsaka bumuntong hininga. "Isipin mo nalang na bumabawi ako sa'yo. Afterall, ako rin naman ang may kasalanan kung bakit ka nagka-ganyan." Tipid akong ngumiti.

"You don't have to do this. I'm not your responsibilty. Atsaka wala ka namang kasalanan, ginusto ko 'to. Ginusto kong iligtas ka." Aniya sa malungkot na tinig.

"Adrian..."

"Kulang pa 'tong nangyari sa'kin na kabayaran sa mga ginawa ko noon sa'yo." Sabi niya pa.

Natahimik na lamang ako. Wala rin naman akong masabi. Hindi ko alam kung anong tamang isagot sa sinabi niya.

Kahit nasaktan niya ako noon ay hindi ko naman hiniling na magkaganito siya. At hindi ko ginustong ganito ang kabayaran sa mga ginawa niya sa'kin noon.

Dahil kahit saktan man niya ako nang paulit ulit ay ayoko pa ring may mangyaring masama sa kaniya. Aminin ko man kasi o hindi ay may puwang pa rin siya sa puso ko.

Isang Malaking puwang......

+++
Sabaw it is 😂

Patricia Laxamana 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon