CHAPTER TEN

2K 43 1
                                    

TAHIMIK LANG akong nakikinig sa mga reklamo nang mga magsasaka. Nang mabalitaan ko kasing nagkaka-problema sa sakahan namin ay kaagad akong pumunta dito. And then i find out na hindi naman pala ang mga palay ang may problema kundi ang mga magsasaka mismo. Nagrereklamo ang mga ito tungkol sa kakulangan nang kanilang sahod. At kung minsan pa raw ay hindi sila nasasahuran.

"Salamat po at pinakinggan ninyo ang aming mga hinaing." Sabi nila.

Ngumiti ako. "Makakaasa kayong sa susunod ninyong sahod ay maayos na. Ako na rin mismo ang magbibigay nang mga sahod ninyo." Seryoso kong sabi sa kanila. Natahimik naman sila atsaka umaliwalas na ang mga mukha. "Gustong kong makausap ang nakakatanda sa inyo atsaka ang taong nagbibigay sa inyo nang sahod." Sabi ko.

Nagkatinginan naman sila. "Wala po rito ang tatay ko, señorita." Napatingin ako sa isang dalaga. Hindi ito mukhang magsasaka. Morena ang kutis niya at may maamong mukha. Mukhang bulag pa ito dahil diretso lang ang kaniyang tingin.

Nilapitan ko ito. "Nasan naman ang tatay mo?" Tanong ko sa kaniya. Diretso pa rin ang tingin niya. Totoo ngang may kapansanan ito sa mata.

"Hinahabol niya po si mang bert, iyong nagpapa-sweldo po sa mga magsasaka ninyo kasama niya po ang ibang binata. Tumakbo po daw kasi si mang bert nang makita niya po kayong parating kanina." Inosente nitong sagot.

Naaawang tinitigan ko ang walang buhay na mga mata nito. "Kailan ka pa nawalan nang paningin?" Tanong ko sa kaniya. Maski ang impormasyong sinasabi niya ay hindi ko nabigyan pa nang pansin. Para kasing may tumutulak sa'king alamin ang nangyari sa mga mata niya.

Tumikom ang bibig nito at hindi ako sinagot. Para bang may mali akong itinanong sa kaniya. May mali nga ba sa tinanong ko?

"A-Ahmm señorita," Napatingin ako sa medyo may katandaan nang ginang. Hinawakan nito ang dalagang kausap ko atsaka pilit na ngumiti sa'kin. "Nabulag po siya limang taon na ang nakararaan. May hinahabol po kasi siya noon at hindi niya alam na may tumatakbong truck na palang palapit sa kaniya. Nahagip po siya at pumasok ang ilang bubog sa mga mata niya kaya po siya nabulag." Paliwanag nang ginang.

"Ganon po ba?" Lumiit ang boses ko. "Bakit hindi niyo po pina-opera?" Tanong ko.

Sasagot na sana ang ginang nang pigilan ito nang dalaga. "Tama na po, nay." Nakangiti nitong sabi sa ina. "Pasensiya na po kayo sa kadaldalan nang nanay ko, Señorita. Ang totoo po niyan ay ako ang may ayaw magpa-opera. Bukod po kasi sa gastos ay may inaantay pa po akong importanteng tao sa buhay ko." Malungkot nitong sagot.

Importanteng tao? Napaka-swerte naman nang taong iyon para paghintayin ang napaka-gandang dalagang ito. Nagtitiis siyang walang makita para lang sa taong inaantay niya. Sino kaya ang maswerteng taong 'yon?

"Anong pangalan mo?" Nakangiti kong tanong. Gusto kong maging kaibigan ang dalagang ito. Para bang may parte sa kaniya na nagpapagaan nang loob ko.

"Althea." Ngumiti na rin ito.

"Nice to meet you althea." Sabi ko.

Bumaling naman ako sa mama niya atsaka ko ito nginitian. "Masaya rin po akong makilala kayong lahat. Asahan niyo po babalik po ako rito." Nakangiting sabi ko rito.

Tumango naman ito. "Salamat po, Señorita." Magiliw niyang sagot.

Ngumiti lang ako at bumaling kay mang pedro. Kanina ay pinakuha ko rito ang listahan ni mang bert para makita ko kung gaano kalaki ang nakurakot nito. Hayop na 'yon. Porket alam niyang matanda na ang lolo ko, ang tapang na niyang gumawa nang kalokohan.

"Iyan na ba lahat?" Tanong ko sa kaniya.

"Opo. Na-compute ko na rin po iyan." Seryosong aniya. Buti nalang talaga at nandito si mang pedro. Magaling talagang pumili si lolo nang mapagkakatiwalaang tao.

Patricia Laxamana 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon