CHAPTER SEVEN

1.9K 39 2
                                    

NANLAKI ANG mga mata ko sa gulat nang may biglang humila sa'kin. Napatigil naman ako sa paglalakad at gulat na tinitigan siya.

"A-Anong ginagawa mo?" Di makapaniwalang tanong ko. Bakit siya nandito? Dapat nasa ka-date niya siya ngayon!

Hindi niya ako sinagot, bagkus ay hinila niya nalang ako sa kotse niya at binuksan ang passenger seat nito bago ako binalingan ng tingin. "Uuwi kana ba? I'll drive you home." Mahinahong tanong niya.

"Kaya kong umuwi mag-isa! And besides, ayokong istorbohin ang date niyo ng soon-to-be-girlfriend mo, kuno." Sabi ko sa sarkastikong tinig.

Nagsalubong naman ang mga kilay niya. "Kaibigan at ka-trabaho ko lang si marie. Kung ano man ang sinabi niya kanina ay hindi iyon totoo, binibiro niya lang kayo." Seryoso niyang sabi.

Napairap ako. "Sinungaling." Matalim ko siyang tinitigan. "Ano pa bang gusto mo, ha?  Kasi kung wala na pwede bang layuan mo na ako!" Sigaw ko atsaka ko Iwinaksi  ang braso ko mula sa paglakahawak niya. "Kaya kong umuwi mag-isa hindi mo na ako kailangang ihatid." Walang emosyon kong sabi.

Akmang aalis na sana ako nang harangan niya ang dadaanan ko. Naiinis ko siyang binalingan ng tingin. "Paraanin mo'ko." Madiin kong sabi.

"Ayoko." Nakahawak ang kaliwang kamay niya sa bukas na pinto ng passenger seat samantalang ikinulong naman ako nang kanang kamay niya. Ngayon mas lalong mahihirapan akong makaalis nito.

"Ano ba talagang problema mo, ha?!" Singhal ko rito. Nang subukan ko siyang itulak ay tila wala lang rito, ang tigas nang dibdib at abs niya. Walangyo! Bakit ba siya ganyan?! Namumulang tinitigan ko ang dibdib niya pababa sa kaniyang mga abs, T-shirt lang na green ang suot niya na fit na fit sa katawan niya kaya naman kitang kita ko ang mga muscle na noon ay hindi pa ganon ka laki.

"Done checking me out?" Rinig kong bulong niya sa mapanuyang tinig.

Napapikit ako at pa-ulit ulit na minura ang sarili ko sa isip. Ang tanga ko! Bakit ngayon ko pa siya pinag-pantasyahan?

Huminga ako nang malalim at muling pina-seryoso ang mukha. "Paraanin mo nga ako!" Singhal ko sa kaniya atsaka buong lakas ko siyang tinulak. Nag-tagumpay naman akong nakawala sa kaniya kaya kagad akong tumakbo palayo.

Haist! Bahala na. Tatawagan ko nalang si leon mamaya at hihingi ng sorry. Sana hindi niya nakita ang pagtatalo namin kanina sa parking park kahit imposible naman dahil nasa harap lang iyon ng coffee shop.

Maglalakad nalang ako pa-uwi. Mas gusto ko pa iyon kesa ang magpahatid sa kaniya.

"Patricia!!" Sa gitna nang pagtakbo ko patawid sa kalsada ay narinig ko ang tawag niya di kalayuan sa'kin. Hanggang ngayon ba naman hinahabol pa rin ako nito?!

Napailing nalang ako. Ngunit, bigla akong napatigil sa pagtakbo at namumutlang tumingin sa truck na bumubusina'ng palapit sa'kin. Pakiwari ko ay hindi na aabot sa'kin ang pag-preno nito sa laki ng truck. Bigla nalang akong natulos sa aking kinatatayuan at nahintakutang napapikit sa takot.

"Patricia! F*ck!"

Ang huling boses ni Adrian ang narinig ko bago ko naramdamang may humila sa'kin at kasabay kong bumagsak. Teka? May humila sakin?

"Argh..." Rinig kong pamilyar na ungol.

Unti unti akong nag-mulat nang mga mata. At nang makita ko siya at ang kalagayan niya sa ibabaw ko ay bigla nalang tumulo ang luha ko. May kaunting dugo sa ulo niya at kitang kita ko ang sakit sa expression nang mukha niya. Alam kong nasaktan talaga siya dahil mga bato'ng malalaki  ang binagsakan niya

"A-Adrian..." Nanginginig kong tawag sa pangalan niya.

Dahan dahan akong umalis sa ibabaw niya atsaka ko nilingon ang truck na muntik nang bumangga sa'kin. Mula doon ay natatarantang bumaba ang driver. "Tulong! Kuya tulungan mo kami!" Naluluha kong sabi rito.

Kaagad naman kaming dinaluhan nang driver. "Mukhang malala po ang lagay ng kasama ninyo." Sabi nito atsaka hinawakan ang kaliwang legs no adrian sanhi para umungol ito sa sakit.

"A-Adrian..." Napahikbi ako. Inabot ko zng pisngi niya atsaka ko ito hinaplos. "D-DDadalhin ka namin sa o-ospital. Konting t-tiis lang."

"Dalhin na po natin siya sa malapit na ospital." Sabi nang driver.

Nanginginig akong tumango. Tulong tulong namin siyang binuhat paakyat sa truck. Medyo nahirapan pa kami dahil mabigat siya mabuti nalang at may ibang tumulong saamin.

"I'm sorry..."Bulong ko sa kaniya habang binabaybay namin ang daan patungo sa ospital. Kasalanan ko talaga ito dapat ay hindi na ako tumakbo. Dapat sumama nalang ako sa kaniya. Kapag may nangyaring masama sa kaniya ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

"Pat..ricia...." Mahinang bulong niya.

"N-Nandito lang ako. Hindi kita iiwan." Hikbi ko.

"KAMUSTA NA po ang lagay niya, doc?" Tanong ko sa doctor na tumingin kay Adrian.

"Maayos na ang lagay niya sa ngayon. Mabuti nalang at kagad niyo siyang naidala rito. I advice na tutukan mo siya sa pag-aalaga lalo na't hindi niya pa mailalakad ang kanang paa niya. May reseta rin akong iaabot sa'yo mamaya at iyon ang ipainom mo sa kaniya. Bukas na bukas rin ay pwede mo na siyang iuwi." Sabi niya. Napilayan ang kanang paa niya at hindi ko alam kung hanggang kailan iyon dahil sabi nang doctor ay medyo malala daw ang fracture sa buto niya.

Napabuntong hininga nalang ako at nagpasalamat sa doctor. Nang magpaalam na ito sa'kin ay sakto namang dumating si sandy dala ang mga gamit na pinakuha ko.

"What happened?" Alalang tanong niya.

"Niligtas niya ako sandy." Kahit pinagtabuyan ko siya niligtas niya pa rin ako.

"Kamusta naman daw siya? Ikaw? Ayos kalang ba?" Tanong niya.

"Maayos na siya ngayon bukod sa pilay niya sa kanang paa. Ako naman ay ayos lang dahil sa kaniya." Malungkot kong sabi.

"Patty..." aniya sa nakikisimpatyang tinig.

"Kasalanan ko 'to sandy. Kasalanan ko." Muli akong napahikbi. "Kapag may nangyari sa kaniyang masama ay baka diko kayanin. Kanina ko lang ulit naramdaman ang sumikip ang dibdib sa sobrang pag aalala sa kaniya.."

"Wala kang kasalanan, patty." Aniya atsaka ako niyakap. "Ginusto niyang iligtas ka kaya wala kang kasalanan." Sabi niya pa.

Napahagulgol lang ako sa bisig niya. Sobra akong natakot kanina. Natakot ako na baka kung ano na ang nangyari sa kaniya. Ang sikip sikip sa dibdin na makita siyang ganon. Ang sakit sakit.

Ayoko mang sisihin ang sarili ko ay diko maiwasan. Kung hindi naman kasi ako tumakbo at kung sumama nalang ako sa kaniya nang tahimik ay hindi naman ito mangyayari sa kaniya, eh. Hindi sana siya mapipilayan.

I'm sorry Adrian......


Hi guys! Sensiya na talaga ngayon lang ako nakapag-update. Naadik ako sa kdrama eh. Hindi lang pala wattpad lalamon sakin pati kdrama din pala hahahahha well, sana magustuhan niyo ito. Godbless!

Patricia Laxamana 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon