CHAPTER NINE

1.9K 49 4
                                    

DAHIL MAAGA akong nagising ngayon kaya ako na ang nagluto nang breakfast, si manang naman ay pinamalengke ko nalang. Napansin ko kasing may kulang na sa mga stocks namin.

"Señorita? Kailangan niyo po ba nang tulong?" Magalang na tanong nang isa naming kasambahay.

Umiling lang ako at ngumiti. "Kaya ko na 'to. Ituloy mo nalang iyong paglilinis mo sa sala. Tapos, kapag dumating na ang Señorita sandy mo ay papuntahin mo nalang siya kagad dito." Sabi ko pa.

"Sige po." Tugon nito bago lumabas ng kusina.

Pinusod ko na muna ang buhok ko bago ko tinuloy ang aking pagluluto. Gumawa na rin ako nang salad para sa'min ni sandy. Gagawan ko nalang siguro nang fried rice si Adrian atsaka bacon. Magpi-prito na rin ako nang hotdog at itlog dahil naalala kong paborito niya pala itong almusalin sa umaga.

I still remember noong una ko siyang ipagluto noon nang hotdog at itlog, hindi pa ako marunong noon kaya ang kinalabasan nang niluto ko ay sunog na sunog na hotdog at itlog. Pero, para namang wala lang iyon sa kaniya dahil kinain niya pa rin. Napangiti nalang ako. Ngayon, siguradong hindi na sunog ang ipapakain ko sa kaniya.

Siguro naman wala na siyang masasabi sa'kin. Wala na naman siguro siyang maisusumbat sa'kin. Now that, i literally change. I hope this change is enough.

Nawala ang ngiti sa labi ko nang ma-realize ko kung ano ba ang mga iniisip ko. Umiling iling ako. Hindi ko na dapat iniisip ang bagay na 'to. Ano naman kung maraming nagbago sa'kin? May pakialam ba siya? Haist! Itigil mo nga itong kahibangan mo patty! Baka nakakalimutan mong minsan ka nang winasak nang lalaking iyon.

"Goodmorning."

Napakurapkurap ako at napatingin kay sandy na kararating lang galing sa pagja-jogging. Tinanguan ko siya. "Morning."

"You should join me on a run sometimes." Aniya atsaka umupo sa isang stall.

"Sige. Pag may time." Sabi ko habang naka-focus sa pagluluto.

"Kailan kaya ang 'pag may time' na 'yan? Baka bumalik nalang ako nang manila hindi mo pa ako nasasamahan." May pagtatampo sa tinig na sabi nito.

Napairap nalang ako sa hangin. Here we go again sa pagtataampo niya. "Fine. Sige bukas sasama na ako."

Napapalakpak naman ito sa tuwa. "Yehey! Buti naman at baka tumaba ka na naman." Natatawang aniya.

Sinamaan ko lang siya nang tingin atsaka sinimangutan. "Shut up. Don't say bad words." Matalim kong sabi sa kaniya.

Lalo naman siyang natawa. "Opps...sorry. Nadulas lang." Napahagikhik siya. Kunwari pa niyang tinatakpan ang bibig habang natatawa.

Inirapan ko nalang siya. "Watever sandy." Inis kong sabi.

Hindi ko nalang siya pinansin pagkatapos non kahit na naiirita na ako sa mga tawa niya. Hindi ko nga alam kung anong nakakatawa sa mga  pang-aasar niya. Tsk! Ganito ba talaga kapag ikakasal na?

"Goodmorning po!"

Napatingin ako kay jake na kakapasok lang nang kusina. Tulak tulak nito ang wheelchair nang nakasimangot na si Adrian. Mukhang maaga palang masama na ang mood nito, ah.

"Goodmorning jake! Mukhang masama ang gising niyang alaga mo, ah." Ngisi ni sandy.

Kinunotan ko lang ito nang noo. Pinatay ko na ang stove at inayos sa lagayan ang mga niluto ko. Atsaka ko sila muling hinarap.

"Ayaw po kasi niyang mag-wheelchair, eh." Sabi nang nurse.

"Shut up, jake." Malamig naman niya suway rito.

Patricia Laxamana 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon