Sa hapit na hapit nitong silver tuxedo at hindi ko parin mapigilan ang matulala sa kakisigan nito dahil mukhang ginawa talaga ang damit na ito upang ma-emphasize ang built ng katawan nito nakakapanglaway na. Paano pa kaya ang eight packs pandesal nito.

Sarap kurutin kasi. Nakakagigil.

Hanggang sa Silver slacks nito. Hapit na hapit talaga sa malalaki nitong biyas at bes' sarap kurutin ng puwet.

Dahil sa makasalanang katawan nito ay nagiging makasalan na rin ang isip ko. Huhubels.

Bakit ba ako nakakapag-isip ng mga ganun. Ngayon nga lang ako naka-appreciate ng lalake.

"Done?"

Napakurap-kurap ako ng ilang beses. "Ha?" Ngumisi ito sa sagot ko.

Ngisi pa lang nakakapanlambot na ng mga tuhod buti na lang at nakaupo pa ako.

"Are you done appreciating my handsomeness, wife?" Sagot pa nito na ikinapula ng mukha ko.

Nanlaki naman ang mga mata ko. Waaaah! Nahuli niya akong nakatitig sa kanya! Akala ko kasi nakatitig lang siya sa labas. Huhubels.

Napakurap ulit ako ng hawakan nito ang ilalalim ng baba ko bahagya ito isinara ang nakanganga kong bibig. Waaaah! Oh, lupa lamunin mo na ako.

Mas lumaki pa ang ngisi sa mga labi nito. "Laway, baka tumulo."

Sigurado na ako na ang pula-pula na ng mukha ko ngayon. Nakakahiya!

Agad kong sinapo ang mukha ko dahil sa kahihiyan.

"Hey, I'm just teasing you."

Dahan-dahan naman niyang pinaghiwalay ang magkadaop kong mga kamay sa mukha upang makita niya ang namumula kong mukha. Hindi lang mukha feeling ko pati tenga ko namumula.

Tapos I'm just teasing you daw pero kung makangiti kasi wagas. Sarap bigwasan ni pogi.

Ngumuso ako upang pigilan ang bahagyang pag-angat ng mga labi kk upang ngumiti.

Sheeet na malagkit. Bakit ang gwapo talaga nito pagnakangiti. Makalaglag panty mga bes'.

Napasinghap naman ako at parang nabalik sa katinuan ang isip ko ng magdaop ang aming mga labi. Kahit light smack lang iyon parang milyon-milyong boltahe ang nalalaytay sa kaibuturan ko.

"Sweet," napamulagat ako ng magsalita sa ngayon ay nasa ilalim namin ni Dark si Apollo na ang lawak ng ngiti nitong nakatingala sa amin. Hindi iniinda ang pagkaipit nito sa pagitan naming dalawa ni Dark imbes ay tumawa pa ito na parang kinikilig. "My Papa and Mama is so sweet." Sabi pa nito at nakatakip pa ang maliliit na kamay sa bibig.

Waaah, pati bata alam na kiligin. Napaangat naman ang tingin ko sa harap ko ngayon ay ang lawak rin ng pagkakangiti.

Ay, kalami sumbagon, ba. [Sarap suntukin.]

Mabili kong iniwas ang tingin at bumaling sa labas ng bintana ng sasakyan.

Napansin kong halos post lights palang ang nakikita ko sa paligid at mga ingrave na mga halaman papasok. Sa tansya ko mga tatlumpong segundo bago kami nakarating sa mismong Mansyon.

At ang masasabi ko lang ay nganga. Nakakapanlula sa laki ng Mansyon na ito. Kung gaano kaganda ang mansyon ni Dark ay mas domoble pa rito.

Napakaliwanag ng paligid nito dahil sa mga ilaw nito sa paligid. At may angel fountain sa gitna o sabihin ko ng sa harapan ng Mansyon.

Sa tingin ko ay spanish style ang theme ng Mansyon na ito pero kalahati nito ay modern style. Katulad ng sout namin ay kulay silver din ang kabahayan.

MAFIA 3: DARK The Mafia Boss (Completed)Where stories live. Discover now