01: "Special A Class" ?

Start from the beginning
                                    

Nang biglang bumukas ang pinto...





Those footsteps....tss!





"NIIIICOOOLLLLEEE!!! Giiiisiiiinnnggg naaaa!!" -Nathan





Dumating narin ang aking human alarm clock at aaminin kong napakabagay niya.





Tinutok ko naman ang daliri ko sa kanya.





"Nathan, subukan mo ulit ako buhosin ng tubig sa mukha ngayon. Hindi ako magdadalawang isip na bugbugin ka ngayon."


"At sino naman nagsabi na may dala akong tubig? Alisin mo nga yang unan sa mukha mo, masusuffocate ka niyan. Bangon na kasi!!" -Nathan





Inalis ko naman ang unan sa mukha ko at napamulat ulit nang nakita ko na may dalang food tray si Nathan. Napabangon agad tuloy ako.





"Ano to?"


"Well, alam kong ayaw mong sumabay mamaya kumain ng breakfast with Kuya so dito ka nalang kakain." -Nathan





Aww, ang caring naman ng kambal ko pero NO.





"Thanks."


"Welcome." -Nathan





Ilang sandali, nakarinig ako ng footsteps tumatakbo at alam ko na sino yan.





"ATE NIIIICOOOOLLLEEEE!! Good mooooorniiiiiinnnngggg!!" -Xiho


"Baby Xiho~ Come here." -Nathan





Tumalon bigla si Xiho sa kama ko at binigyan ako ng morning kiss sa pisngi. Aww, ang sweet talaga ng baby sis ko. Hinalikan ko na rin sya sa pisngi.





"Ate, Ate. Bakit ka ba kumakain dito sa kwarto??" -Xiho


"Masakit kasi paa niya kaya ayaw niyang bumaba." -Nathan





Binatukan ko si Nathan. Kahit kailan kung ano ano ang palusot sinasabi nito.





BUT then,





"NICOLE AND NATHAN!! What are you doing in there?! Bakit diyan na kayo kumakain ng breakfast ha?!" -Mamu





Napabuntong hininga na naman ako nang pumasok si Mamu sa kwarto ko.





"Ano to ha?! Eat your breakfast downstairs!!" -Mamu


Ang aga aga, init naman kaagad ulo ni Mamu or hyper lang yata?


"Sabi ni Kuya Nathan, masakit po ang paa ni Ate Nicole kaya dito na lang po raw siya kakain ng breakfast." -Xiho





Ay nakuu, Xiho talaga...





"Actually, Mamu...."


"Paa mo? O baka may sakit ka naman? You're looking pale, Nicole." -Mamu





Hinawakan agad ng bigla ni Mamu ang noo ko kaya napakunot na rin noo ko.





"Mainit ka. Jusko po, may lagnat ang aking apo!!" -Mamu


"No, Mamu. It's because your hand is cold and I'm warm."





Hinawakan din ni Mamu ang kanyang pisngi at biglang napatawa ng malakas.





Behind Her ColdnessWhere stories live. Discover now