Chapter 118

4.4K 62 8
                                    

Nandito kami ni Blake ngayon sa isang concert venue. Wow :) Ang lawak, ang ganda, nakaka-ignorante.

Oo nga pala, magkakaroon kasi sya ng BIG CONCERT daw next month. Wow, petmalu lodi 😂
Kasama din namin ang creative director at producer. Usap-usapan na sasayaw din daw si Blake.

"Marunong ka ba sumayaw?" Bulong ko sa kanya.

"Yeah, I'm a dancer when I was in grade school and high school." Sabi ni Blake.

Okay, ikaw na talaga :) Ayon pa sa narinig ko, madami na daw sikat na singers ang nag-concert dito, isa na doon si Alicia Keys. Woooooow! Amazing.

Naupo na muna kami para pag-usapan ang magiging concept. Gusto ni Blake very masculine, puro lalaki daw ang gusto nyang back-up singers and dancers. Hindi naman ata pwede yun, girl pawer mga Beshies!

"It's balance if we add some girls, atleast 8 girls." Sabi ko.

Mukhang sang-ayon naman sila, tumango na lang si Blake. Hmp! Akala ko hindi ka papayag e, iwanan talaga kita dito.

Binigay na din ni Blake ang mga songs na kakantahin nya.

"I have a surprise so you should add some .. Uhm- we will discuss it tomorrow." Sabi ni Blake.

Huh?! O______O Hindi pa nya sinabi, ang labo nya din e.

















Pauwi na kami .. Hmp, ang bilis naman. Sabagay, next month pa naman. Panigurado ako madami na namang pupunta, maingay na naman ang crowd! Ofcourse nasa VIP kami nila Ebony at Shawn.

"Si Shawn na lang ang isasama ko bukas." Sabi ni Blake.

"Okay, sasamahan ko na lang si Ebony. Siguraduhin mong wala kayong masamang binabalak ha?" Sabi ko.

Ngumiti sya sabay inakbayan ako, baka mabasag ko na naman yang phone mo :) Hahahaha.









Nag-stop muna kami sa isang cake shop, bibilhan ko kasi ng cake si Ebony. Alam nyo namang napaka-special nya sa akin lalo na yung nasa tyan nya.

SUPPORTIVE BFF AT NINANG ako e. Kaya yung magpapabinyag dyan, nandito lang ho ako. Charot!






























"Wow, thanks Best." Ebony.

"Ikaw pa." Sabi ko.







Kumain na kami agad, sarap naman. Hmmm :) Napansin kong nag-uusap ng masinsinan yung dalawa, hmp! Bahala kayo dyan, uubusan namin kayo ng cake. Takaw pa naman ng kasama ko.


















































(Blake's POV)

*the next day 7:30 am*















Nakipagkita kami ni Shawn sa mga girls, joke lang :) Sa director at producer ng concert.








"Okay, this concert is very special for me. Because on that day, I will tell the whole world my biggest announcement." Sabi ko.

Tumango naman sila, sinabi ko sa kanila kung ano yung announcement at agad naman silang nakaisip ng pakulo para doon. Good thing at kasama ko din si Shawn dahil tinutulungan nya din kami.

"So, you will dance?" Director.

"Yes, and like what my girlfriend say that we need 8 girls as my back up singers and dancers." Ako.

Agad naman silang tumango, so ngayon dederetso na din ako sa rehearsal ng kanta muna, tsaka na daw yung sayaw. Haha :)

Sa ngayon hindi ko pa inisip ang guests, dahil bago pa lang ako sa music industry, syempre hindi pa ako sanay makipag-collaborate sa iba pang mga singers.









Pagpasok ng studio ay nakita kong naka-set na ang lahat :) Wow.








Naupo na ako, yung first song or yung introduction ko ay Turn Up The Music by Chris Brown. Grabe ang saya ng kantang 'to, mapapasayaw ka kapag narinig mo na.








Woooh! One down, medyo napagod ako doon ah. Next is Sugar by Maroon5, woah! I like the songs and the singers uh, syempre kami ni Trisha my Queen ang namili, expert kaya yun kahit ganun yun. Haha joke!






Inabot din kami ng 5 hours at sobrang sakit ng lalamunan ko, napabili tuloy ako ng 15 bottled waters habang nasa byahe kami pauwi.







Yung ihi ko nito isang galon na. Haha :) Ano kaya totoo yung ganun no?

Ang Boss Kong AbuseWhere stories live. Discover now