Chapter Twenty

8K 142 2
                                    

Ang bilis talaga ng mga araw. Ilang months na lang at aalis na kami sa Ateneo.

May seminar ang lahat ng Education students sa AV room. Magkatabi kami ni Ebony.

"Hi girls." si Shawn.

Naupo siya sa likuran namin. Mang-iinis na naman ang taong 'to.

"Hang-out tayo tonight. Isama mo si Blake." saad ni Shawn.

"May pupuntahan kami mamaya, sorry." tugon ko.

Niyugyog niya ang inuupuan ko at talagang gusto niyang masapak.

"Ano ba?!" naiinis kong sabi.

"Sumama ka na kasi." pagmamakaawa ni Shawn.

-----*

Natigil siya sa pangungulit dahil nag-start na ang seminar.

I-aannounce na nila ang may mataas na award.

"Sino kaya sa atin yun no?" excited na saad ni Ebony.

"Baka si Trisha!" sumingit na naman si Shawn sa usapan namin.

Mananagot talaga ako kay Blake sa ginagawa niya. Kung pwede ko lang siya patayin, matagal ko nang ginawa 'yon.

Buti na lang at mabilis na natapos ang seminar at nagtungo na ako sa field.

"Kanina ka pa ba?" tanong ko.

"Hindi naman." tugon ni Blake.

"Ano 'yang dala mo?" muli kong tanong sa kaniya.

Binigay siya sa akin ang envelope na dala niya

CARBY'S BIRTHDAY PARTY

Sumimangot ako at parang nakakaramdam ako ng pangamba.

Tumahimik ako at naupo sa tabi niya.

"What's wrong?" nag-aalalang tanong ni Blake.

"Ikaw na lang ang pumunta sa party ni Carby." mahina kong sabi.

"Trish naman." saad ni Blake.

"Hindi mo ba nababasa? Blake only. Halatang ayaw niyang isama mo ako sa party. Okay lang naman ako e." saad ko.

I rolled my eyes. Naiinis na ako sa babaeng 'yon, sumosobra na siya.

"Wag ka nang magalit please? Saglit lang ako 'dun." pagmamakaawa ni Blake.

Tumayo ako.

"At pupunta ka nga talaga? Gaano ba ka-importante ang party na 'yan?! E di 'dun ka na. Huwag na huwag mo akong iistorbohin." tumaas bigla ang boses ko.

Unti-unting pumapatak ang mga luha ko. Naglakad na ako palayo sa kaniya.

Hays! Bakit ba kasi hindi niya matiis ang event na 'yun? Nandito naman ako e. Alam naman niyang MORTAL ENEMY ko si Carby.

Lumingon ulit ako. Nagbabaka-sakaling nandoon pa siya.

He's gone.

Okay Blake, pataasan tayo ng pride.


*****


(Blake's POV)

Inaway ako ni Trisha for the first time.

No matter what happened, pupunta pa rin ako. Hindi ba niya ako naiintindihan? Sikat ako sa campus at kapag may nag-iinvite sa 'kin, ako ang VIP.

Sorry Trish. Babawi na lang ako sayo promise.

Magpapatahi na ako ng susuotin ko. Dapat VIP ang dating.

"Mr.Hidalgo!" pagbati sa akin ng designer.

"Nice to see you again. Kailangan ko ng magandang tuxedo for black and gold themed party." saad ko.

Naupo ako sa sofa at nagbasa muna ng magazine.

Hindi talaga nagpaparamdam si Trisha.

"Nagpapatahi ka rin ng damit?" si Shawn.

Awkward man pero, makikipag-plastikan na lang ako.

"Yeah. Ikaw?" tugon ko.

"No. Bibili na ako ng ready-to-wear. Pupunta ka rin ba sa birthday party ni Carby?" tanong ni Shawn.

"Of course." matipid kong sagot.

Babalikan ko na lang bukas yung damit. Gagala muna ako at mag-aalis ng stress.

------*

Nangtungo ako sa favorite mall namin ni Trisha.

Wala akong magawa rito lalo pa't hindi ko kasama si Trisha. Mas mabuti pang bilhan ko na lang siya ng regalo or let's say PEACE OFFERING.

"Miss patingin nga ng barbie doll na yun." saad ko.

So cute.

Ganitong-ganito ang itsura ni Trish noong pageant. Nakakatuwa kasi nag-tugma yung ayos ng barbie doll sa kaniya.

"Blake!"

Napalingon ako sa aking likuran.

"Wala ata yung girlfriend mo? Gusto mo samahan na kita? I missed you." yayakapin niya sana ako ngunit mabilis akong nakaiwas.

"Carby wala ako sa mood makipag-laro sa 'yo." inis kong tugon.

Nagmamadali na akong umalis. Palagi na lang siyang sumusulpot kahit saan.

~

🖋author_mj17

Ang Boss Kong AbuseWhere stories live. Discover now