Chapter Eighty-Four

4.4K 72 0
                                    

First Day ko sa work.













Maaga akong gumising para maligo, tulungan ang mga maid na magluto ng breakfast.

Ang laki ng mansyon :) Yung kitchen nila parang basta .. Focus muna sa pagluluto.

"Wow! Filipino food." Tito Joey.

"GoodMorning po." Ako.

Inihanda ko na sa dining ang mga pagkain, bumaba na rin sa wakas ang BOSS KONG ABUSE at nagpupunas pa ng towel sa mukha.

"Fried rice and adobo, nice. Ikaw ba nagluto?" Blake.

"Yes." Ako.

Naupo ako sa tabi nya, pano kasi puro ulam ang kinakain nila. Steaks, salmon, aish! Nakakasawa kaya kapag walang kanin. Kanin is life! Hihi.

"Uhm- Blake, nakalagay sa schedule mo mamayang 10:30AM may acting class ka." Sabi ko.

"Okay. Naligo ka na ba?" Blake.

"Oo, kanina pa." Ako.

Kain lang kami nang kain, nagtira sila para sa mga maid, body guards at kay manong driver. Tumayo na si Blake at tumaas na para maligo, inihanda ko naman ang susuotin nya.

"Doon ka na sa baba, hintayin mo na ako." Blake.

"Sige, nandyan na yung mga damit mo." Ako.

Tumango sya at nagpunta na sa CR. Bumaba na ako at doon na naghintay, tinawagan ko muna si Shawn.














"Hey." Shawn.

"Miss ko na kayo!"

"Haha. Guess what?" Shawn.

"Ano na naman ba yan?!"

"May date na ang wedding namin! Planado na rin lahat, nasaan ka?" Shawn.

"Nasa sala, hinihintay ko si Blake naliligo e."

"Ah okay, tawag ka na lang ulit mamaya. Bye!" Shawn.

     -call ended-





















Hmm- hindi naman kasi sabay ang oras dito tsaka sa Pilipinas e. Nakakainis! Mga dalawang oras din akong naghintay, pagbaba nya .. Hinagis nya sa akin ang bag nya.

"Sumakay ka na sa van, susunod na ako." Blake.

Agad naman akong lumabas, kanina pa ako naghihintay sa kanya. Sumakay na ako sa van, nakakatakot yung mga body guards nya.

"Hays! Tagal." Bulong ko.

Sinilip ko sya, ano pa bang ginagawa nya?! Anong oras na e.















"Let's go." Blake.

Byahe na kami papuntang Acting Studio, ang aga namin. Hindi ko pa kabisado ang mga daan dito, nasaan na ba kami?

"Ang aga naman nating magpunta sa class?" Ako.

"Pupunta tayo sa coffee shop na tinatambayan ko." Blake.

Nanlaki ang mga mata ko, dudumugin sya ng mga tao! Napa-kapit ako sa braso nya ng mahigpit, hala! Ano kayang feeling 'nun?

"Manong, sa coffee shop po ha?" Blake.

"E teka, paano kapag dinumog ka?" Tanong ko.

"Trust me." He wink on me.

Ikiss mo 'ko ulit! Aaaaaaahhh :) Ano ba Blake?! Wag ka ngang pafall dyan, ako namang si tanga umaasa pa rin.













   "OMG! He's here."

   "Blake!"

  "BLAKE! I LOVE YOU!"













Gaya ng inaasahan ko, dinumog nga kami ng mga press, fans at mga camera na panay ang flash! Binigyan nya ako ng shades, masakit kasi sa mata e.

Nakaakbay sya akin, dapat ako ang dumedepensa para sa kanya. E kaso hindi ko kaya!

"Take a seat." Blake.

"Ang gulo Blake!" Ako.

Tumayo sya at nagbuntong-hininga .. Ano na naman ang binabalak nya?!

"What did I told you?! Please, make my life peaceful." Blake.

Nagsitabihan ang mga tao at nanahimik, umorder na sya. May lumapit namang girl sa akin, mga 20 years old na siguro sya.

"Are you his girlfriend?" Girl.

"N-no, I'm his P.A." Ako.

Tumango sya, nagmadali na syang umalis nang makitang nyang pabalik na si Blake. Yung ibang customer kunwari kumakain pero they are sneaking a photo from Blake.

"Ganito pala kagulo kapag nakikita ka nila." Ako.

"Sabi naman sayo e, I'am King Blake." Biro nya.

Patingin-tingin ako sa paligid, infairness huh? Lahat sila nakatingin sa amin. Baka nagtataka sila kung sino ako?

I'M HIS EX! Charot.








Dumating naman ang bruhang si Courtney at dinumog din sya ng mga fans. Naupo sya sa tabi ni Blake.

"Hi." Courtney.

Nginitian ko lang sya ng napaka-plastik, nanggigigil na naman ako! Hmmmmm .. Sinasabi ko sayo Courtney, wala akong sinasanto kahit sino ka pa.

"Why are you here?" Blake.

"Nothing, I want to spent my whole day with you." Courtney.

Tiningnan ako ni Blake, ano? Nanghihingi ka ba ng tulong sa akin? Bahala ka sa buhay mo, dumating na ang order namin.

Agad namang sinubuan ni Tisay ang Blake ko :( Hmmp! Nakakaasar na kayo promise. Nagpatay-malisya na lang ako, kunwari wala akong kasama.

Tumayo ako at lumabas na, sumakay na ako sa Van. Nag-cellphone na lang ako para mawala ang pagka-batrip ko.
















To: Ebony
"Best, hindi ko na kaya."





















Baka tulog?














Maya-maya pa ay dumating na ang demonyo, tiningnan nya ako ng masama. May nagawa na naman ba ako? Huwag mo akong madamay-damay dyan sa problema mo, wala akong ginagawa ha. Baka sapakin pa kiya dyan!

"Bakit ka umalis?!" Galit nyang sabi.

"Nakakahiya naman kasi sa inyo e." Ako.

"Nagseselos ka?" Blake.

O__________O Tiningnan ko sya, nagseselos nga ba ako? Hindi ko alam e, ano ba?

"Tara na, 9:50 na." Palusot ko.

Umiling sya, inutusan na nya si Manong na dalhin na kami sa Acting Class nya. Hindi ko nagugustuhan ang mga pangyayari dito! Mukhang hindi magiging maganda ng future ko dito. Sumilip na lang ako sa bintana, nagmasid. Ang daming magagandang babae dito, pero bakit hindi pa rin sya nakahanap ng ipapalit sa akin? Mahal pa kaya nya ako?

Wag kang feeling Trisha, wala ka nang puwang sa puso ng lalaking yan!

Ang Boss Kong AbuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon