Chapter One Hundred

4.6K 81 1
                                    

Back to normal na naman. Ito rin ang araw ng pagbalik namin sa States, next week pa daw susunod yung mag-asawa. Hays! Bitin ang bakasyon namin dito, nasa airport na kami ngayon at hinihintay ang aming flight pauwi.

"Handa ka na bang dumugin ulit?" Tanong ko.

Tiningnan nya ako at nginitian, hala nababaliw na naman sya.

"Sa totoo lang, nakakasawa na rin yung ganito." Blake.

O____O Ang alin? Yung relasyon ba natin? ASSUMING KA NA MASYADO TRISHA! 😒😒😒

Hmp. Hanggang pangarap na nga lang e, hayaan nyo na ako.

"Nakakainis din kasi yung lagi akong pinagkakaguluhan, talo ko pa ang super star e." Dugtong nya.

"So, titigil ka na?" Sabi ko.

"Ewan ko, basta. Kapag sapat na yung naipon ko, titigil na ako sa pagmomodel." Blake.

Napaisip naman ako .. Hmm, tama naman yung desisyon nya. Buti at nakapag-isip na sya ng maayos at tama.

"E pano yun mawawalan na ako ng trabaho." Sabi ko.

Napatawa sya, tumingin sya sa akin at parang awang-awa pa sya. Mali pala yung desisyon nya, hihi 😉

"Babalik na tayo dito pag nangyari yun." Blake.

Aish! Ang gulo nya. Tumayo na kami dahil flight na namin. Gaya ng dati, sya pa rin ang nagbitbit ng mga gamit. Pagpasok sa eroplano ay agad nya akong pinaupo malapit sa bintana.

"Himala." Bulong ko.

Kinindatan nya ako, kilig na kilig naman ako mga Beshies! Ngayon na lang ulit nangyari 'to, iba na talaga sya ngayon. Isinandal nya ang ulo nya sa balikat ko, hinawakan pa nya ang kamay ko. Ano ba yan?! Sobrang kinikilig na talaga ako, pafall na naman sya e. Bakit kayong mga lalaki ang hilig nyong mag-paasa no? Hihi 😹✌

"Thank you." Bulong nya.

Tumingin ako sa kanya, e di syempre sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa .. Ang bango ng hininga nya, amoy menthol.
Dumilat sya. I saw the sparks on his eyes 🎆🎆

"Para saan?" Bulong ko din.

"For understanding me, kahit ang sama-sama ko na sayo." Blake.

Gusto kita ikiss, naiinis ako sayo Blake! Sa susunod tayo naman ang magpapakasal ha?

Iniangat nya ang nguso nya, POUT sa english. Whaaaaat?! Agad naman akong napa-deretso ng upo, ganun din sya.

"Bakit?" Tanong ni Blake.

"Anong ginagawa mo?" Sabi ko.

"Haha. I wanna kiss you, anong masama?!" Blake.

"Sorry. But this lip is for my future husband!" Sabi ko.

Hinawakan nya ang bewang ko at inilapit nya ako sa kanya, nanlaki ang mga mata ko. Blake ano bang trip mo?! Sobra ka na.
Una nyang hinalikan ang noo ko, napapikit naman ako. Tinitigan naman nya ako, hala anong gagawin nya?!

"Namumula ka na." Sabi nya.

Tumawa sya ng malakas, nakakahiya grabe! Baka isipin nya sobrang asang-asa na ako sa kanya. Baka paraan nya lang 'to para habulin ko ulit sya, hindi na no?! In his dreams!!























Nagsimula nang lumipad ang airplane, nakatingin na lang ako sa bintana ngayon.

Kinukulit ako ni Blake pero hinahawi ko sya, ang gulo grabe! Binigyan ko sya ng libro para hindi na sya mang-istorbo.
Effective naman yung ginawa ko, hays! 😪😪😪😪😪😪😪😪😪😪😪
















































(Ebony's POV)

Nandito pa din kami ni Shawn sa Tagaytay, mga two weeks pa kaming mag-stay dito. Tapos sa States na kami titira :) Ang saya 'nun, makakasama ko na ang best friend ko.

"Babe, nakatulog ka ba ng maayos?" Shawn.

"Oo naman." Sabi ko.

"Sobrang taas pa naman ng lagnat mo, ang lamig kasi e tapos umulan pa." Shawn.

Nasa terrace kami at nag-aalmusal, sya ang nagluto. Haha himala! Kaming dalawa lang naman kasi ang nandito, hindi na sya nagpasama ng maid para wala daw istorbo.

"Pancakes lang ba ang kaya mong lutuin?" Biro ko.

"Hmm- don't worry my wife, I will try to cook all the foods that you want to eat. Pag-aaralan ko yun lahat." Shawn.

Ang sweet naman, hinalikan ko sya sa lips. Hindi namin 'to nagagawa dati, haha. Ang ganda ng view dito sa taas, kitang-kita ang mga fogs.

Bumaba na ako para maghot spring, agad namang sumunod ang asawa ko. Hahaha :) I love this feeling!

"I love you." Bulong ni Shawn.

"I love you too." Sabi ko.

Ang init ng tubig, ang saaarrraap!
Naalala ko si Trisha, kamusta na kaya sila Blake? Baka naman hanggang ngayon nag-iiwasan pa din sila. I try to call her pero wala e, busy talaga. Nag-bonding na lang kaming mag-asawa, keysa naman isipin ko pa sila. Haha ang sama ko naman 😊

Ang Boss Kong AbuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon