Chapter Eighty-Three

4.6K 77 1
                                    

(Shawn's POV)

Hays! Nabawasan na naman kami, baka sa susunod lahat kami nasa ibang bansa na. Kahit naging magulo kami noon at ngayon, nananatili pa din ang matibay na friendship kahit na may pagka-ABNORMAL si Blake.

"Babe, nakapili na ako ng motif natin." Ebony.

Nandito kasi kami sa isang Wedding Shop na parang ewan basta, nagpa-plano na kasi kami.

May kasama na din kaming wedding planner para maclear na lahat. Sayang nga e, dapat si Trisha ang wedding planner namin kaso kinuha na sya ng demonyo .. Joke!

"What is it Babe?" Ako.

"Carnation pink!" Ebony.

Maganda naman ang kulay, design na lang ang pipiliin namin. Wala pa nga kaming listahan ng mga abay e, pati ninong at ninang -____- Syempre Maid of Honor si Trisha, and Blake is my Best Man.

"I like it. And the most important Babe, pick the most beautiful and expensive wedding gown okay? I want you to be the Queen of the Queens on our wedding day." Ako.

Napangiti sya, totoo naman e. Minsan lang ang kasal sa buhay ng tao, kaya nilulubos na namin. Pupunta pa kami sa isang sikat na sikat na catering services for our food.

"Alam mo, pangarap talaga namin ni Trisha na magpakasal ng sabay. Pero sinira yun lahat ni Blake." Ebony.

"Ganun ba? Gusto mo hintayin natin sya?" Sabi ko.

"Hindi, hindi! Noon yun, itutuloy na natin 'to. Excited na kaya ako sobra!" Ebony.

Niyakap ko sya ng napaka-higpit. At last! Hindi ko na kasi kayang paabutin ng years ang relasyon namin bilang boyfriends and girlfriends e, kaya nagdecide na ako na pakasalan sya agad. Uuwi din ang parents nya from Italy. Grabe ang saya nun!







































(Trisha's POV)

AAAAAHHHH! AMERICA HERE I COME! :)

Konting kembot na lang ng piloto nasa Air Port na kami ng USA! Ginising ko na si Blake para kumain.

"Thanks." Bulong nya.

"May tanong ako." Sabi ko.

Tiningnan nya ako at itinaas ang dalawang kilay nya, it means "ano".

"Balak mo ba magpakasal?" Ako.

"Tss! I don't like that kind of topic." Blake.

"Di wag!" Ako.

"E ikaw, kung sakaling may manligaw sayo sa States sasagutin mo?" Tanong nya.

Tiningnan ko sya, pinamimigay mo na ba talaga ako? Hmm- ang sama mo talaga.

"E-ewan ko, depende." Ako.

"Subukan mo." Bulong nya.

Ayieeh :) Kunwari pa sya oh, nagseselos din naman. Ikaw talaga Blake ang arte mo! Nekekeleg tuloy ako.

"Pagdating natin sa bahay, doon ka muna matutulog sa kwarto ko. Pinapaayos pa kasi yung magiging kwarto mo." Blake.

Tumango ako, sarap ng food. Namimiss ko tuloy magluto sa bahay, kamusta na kaya yung dalawa? Naku, baka puro padeliver na lang sila, hihi. May talent din naman ang BFF ko sa pagluluto e, kaya nga sya nagtayo ng Pastry Shop e.

"Babayaran ko ba yun?" Ako.

"No." Blake.

"Thanks." Ako.






























Ang Boss Kong AbuseWhere stories live. Discover now