Chapter 104

4.4K 78 0
                                    

Hindi ko namalayan na sa paggising ko ay kayakap ko na sya. Ang himbing pa ng tulog nya, namumugto ang mga mata nya.

"Good morning my princess, you are so tipsy last night and you cried so hard. But it's okay, I still love you." Bulong ko sabay kiss sa noo nya.

Kinilig ako sa ginawa at sinabi ko, ngayon ko lang naramdaman ang ganitong kilig. Grabe! Para akong kinuryente, haha. Tumayo na ako at niligpit ang mga kalat namin, bababa na din ako para maghanda ng break fast.

Pagbaba ko, naka-empake sina Mom and Dad.

"Where are you going?" Tanong ko.

"Anak, magkikita kami ng mga amiga ko sa France." Mommy.

"Tinago mo sa akin? Hays, ito pera baunin nyo." Sabi ko.

Niyakap ako ni Mommy, sabi nya 3 weeks daw silang mawawala. Okay, mas maganda para walang kakampi si Trisha :) Haha. Dumeretso na ako sa kusina para gumawa ng bacon and ham pancakes, gagawa din ako ng special hot chocolate drinks.

Nagpatulong na ako kay Manong Driver na nagkakape habang kausap ang kanyang asawa sa phone.

"Mang Ambo, ilan ho ang anak nyo?" Curious kong tanong.

"Apat po sir. Yung panganay ho babae, may dalawa na po syang anak. Yung pangalawa naman ay babae pa din, graduating na po ng doctor. Yung pangatlo naman sir lalaki, maagang nagkaanak sir. 18 pa lamang po e, tapos yung bunso babae, grade six na po." Kwento ni Mang Ambo.

Infairness, kahit papaano swerte pa din sya sa mga anak nya. Inabutan ko sya ng sobre, ang ganda ng ngiti nya.

"Dagdag pang-gastos po yan Mang Ambo." Sabi ko.

Bakit ba sobrang bait ko ngayon?! Dahil ba sa kiss kagabi, haha ang weird.

Tumaas na ako para ihatid sa aking prinsesa ang breakfast nya. Pagpasok ko sa kwarto ay naabutan ko syang nag-uunat.




































(Trisha's POV)

Aray!! Ang sakit ng likod ko, may hang-over ako. Nag-unat muna ako.












O________O

















Teka!















Kwarto ni Blake 'to ah?
















"Good Morning." Bati ni Blake.












May dala syang pagkain, ipinatong nya yun sa lamesa malapit sa kama. Naupo naman ako at tinabihan nya ako. Bakit ganyan sya ngayon? Ang bait naman ata.

"Nagwala ba ako?" Tanong ko.

Wala talaga akong naaalala sa nangyari kagabi, aish! Napaka-lasinggera kasi e.

"Hindi naman, ang bait mo nga e." Sabi ni Blake.

"Talaga? E ano lang?" Ako.

"We talk about my album." Sabi ni Blake.

Tumango ako, buti naman. Kinain ko yung dala nya, ang sarap naman! Sinabayan na din ako ni Blake, bakit kaya ang bait nya ngayon no? Tinitingnan ko lang sya .. Ang pogi nya 😻

"B-blake." Bulong ko.

Tumingin sya sa akin habang nakataas ang dalawa nyang kilay. Aaaahhhh! Gusto kitang ikiss, moment ko na 'to.

"Why?" Blake.

"Wala, wala." Sabi ko.

Hindi ko na ipagpipilitan ang sarili ko sayo. Pagtapos kumain ay nagpunta na ako sa kwarto ko para maligo. Pupunta kami ngayon ni Blake sa Studio para i-check kung okay na yung kanta. Tapos imemeet namin yung gagawa ng album, aaaahhh! Ayan na naman sya, madadagdagan na naman ang achievements nya. Sobrang taas na talaga ni Blake, hindi ko na sya maabot.












Inabot ako ng dalawang oras sa pag-aayos.










"Tara na?" Ako.

"Kanina pa!" Blake.

Sumakay na kami sa kotse at mabilis na nagmaneho si Manong. Habang nasa byahe ay nagpa-practice si Blake, nasa phone na nya kasi yung kanta. Sya unang nagkaroon ng copy, tapos ako syempre meron din.

"Nahulog--" Sinasabayan ko yung kanta.

Binangga ako ni Blake. OUCH! Ano na naman ba?! Naging demonyo na naman sya.

"Wag ka ngang sumabay." Blake.

"Ganda e." Sabi ko.

Kinuha nya yung phone ko at tinago, nakakaasar naman! Akala nya sya lang ang may karapatang makinig at kumanta. Nag-cross arms ako sabay sumandal, yan ang hirap sa kanya e pabago-bago sya ng ugali. Akala mo kung sino nang magaling!

Argh! Nanggigigil talaga ako sobra. Punong-puno na ako, punong-puno na talaga sobra! Umaapaw na nga ata e, hmp nakakainis talaga! 😡😡😡😡😡












Maya-maya pa ay nandito na kami sa studio. Nauna akong bumaba at sumunod naman sya, nandito na naman ang mga paparazzi. Umakbay sa akin si Blake, para makasabay ako sa bilis ng lakad nya.







"Salamat!" Inis kong sabi.

"Pabebe." Sabi nya.

Nandito na kami sa loob, pakikinggan na namin yung mga nirecord nya. Kanina pa nya naririnig ang mga 'to e, hindi ba sya nagsasawa?!

"I like that song even if I don't understand it." Producer.

"Thanks Bro." Blake.

Hala, pumapalakpak ang tenga nya oh. Akala mo naman ang ganda ng boses, pero maganda talaga :) Hihi. Nirecord nya rin yung "Grow Old With You" ni Daniel Padilla, ang cute ng boses nya.

"So, how was it?" Blake.

"I think we gonna launch that! Good luck." Producer.

Nagshake hands sila, pupunta naman kami sa gagastos ng paggawa ng mga music videos ng kanta nya. Argh! Kung saan-saan na naman kami pupunta, may jetlag pa kaya ako kung alam nya lang.

Ang Boss Kong AbuseOnde histórias criam vida. Descubra agora