Chapter Eighty-Eight

4.1K 72 4
                                    

"Kinuhaan ko ng video ang speech mo." Ako.

Nasa plane na kami pabalik sa California! 😊😊😊😊😊😊😊😊
Ang dami naming iuuwing gifts and mga letters, yung ibang fans binugbog pa ang Blake ko .. Erase Trisha! Wag kang feeling.

"Wag mo muna ako kausapin. Maupo ka lang dyan!" Blake.

"Di wag! Ang arte." Sabi ko.

Wala na kaming magandang usapan, puro sigawan at bangayan na lang lagi. Naupo ako sa tabi nya, tinititigan ko lang  sya habang nagbabasa ng mga letters.

"Wag ka nga dito!" Blake.

Binuksan ko yung isang gift, wow! Mukhang mamahalin 'to ah?

"Rubber shoes oh." Ako.

Agad nya yung inagaw sa akin, he rolled his eyes. Ang damot! E di kanya na lahat, bitbitin nya lahat yan pauwi. Wag na wag syang hihingi ng tulong sa 'kin bwisit sya!

"Akin lahat 'to di ba, so don't touch!" Blake.

"Sus! Akala mo naman kung sino na." Ako.

"Ikuha mo ako ng malalagyan ng mga 'to! Bilisan mo." Blake.

Hindi ako umalis sa tabi nya, pinapanood ko lang ang ginagawa nya. Naaasar na yan :) Hahahaha. Subukan nya lang ako saktan, magkakasubukan talaga tayo Blake.

"What did I told you?" Dugtong nya.

"Masakit nga paa ko." Ako.

"Damn." Bulong nya.

Yun, at wala na syang nagawa. Sya na lang ang kumuha ng lalagyan, hahaha. Habang ako kinakalikot ang iba pang mga regalo. Araw-araw birthday nya, iba na talaga kapag sikat na ang isang tao. Naiwan ni Blake ang phone nya at sakto may nagtext.
Uy! Walang password :)














From: Courtney
"Okay, I will wait for you. Thanks! 😍😍😍"














Huh? Akala ko ba iniiwasan nya ang babaeng 'to? Napaisip tuloy ako, anong wait? Saan? Siguradong hindi ako isasama ni Blake kapag nagkita sila.












"Bitch!" Sigaw nya.












O_____O Agad ko namang binitawan ang phone nya at tumayo.

"Uhm- sorry." Sabi ko.

"You bustard! How dare you to read a very private message?! Is that your phone?" Blake.

Hindi ako makatingin ng deretso sa kanya, naiiyak na ba ako? Wag naman oh. Baka saktan nya ako, galit na galit na kasi sya.

"S-sorry na, hindi ko naman sinasadyang mabasa yung text ni Courtney." Explain ko.

"Ah, so yun pala. Are you jealous? Alam mo, sa lahat ng assistant ikaw yung masyadong feeling! Trisha, wala na tayo okay? At hinding hindi ko na nararamdaman pa ang pagmamahal ko sayo noon, kasi alam mo kapag ako nagsawa wala na talaga!" Pasigaw nyang sabi.






Grabe ansakit naman nun. Tumakbo ako sa likurang row, doon ako umiyak nang umiyak. Ano bang sinasabi nya? Wala naman akong nabasang iba kundi yun lang e, may iba pa ba syang tinatago?! Masyado syang masakit magsalita.

Naririnig kong may kausap sya, siguro nga .. Magkikita nga talaga kayo!

"Hoy!" Blake.

Tumingin ako sa kanya.

"Magpahatid ka na sa driver, sabihin mo kay Mommy sa Calabasas ako natulog." Blake.

Kasama nya si Courtney?! Oh no, hindi pwede 'to.

"Magagalit ang Mommy mo." Ako.

"No." Matipid nyang sabi.

Nanahimik na lang ako .. Nang dahil lang sa simpleng text na yun kung anu-ano na lumabas sa bunganga nya.

Ang Boss Kong AbuseWhere stories live. Discover now