Chapter Six

12.2K 244 2
                                    

Himala at walang paramdam si Blake. Medyo malaya ako ngayon ah?

"Uy. Ngayon lang kita makakasama ng matagal." saad ni Ebony.

"Oo nga e. Ilang araw na kasing walang paramdam yung Boss ko. Wala manlang text,chat or tawag." tugon ko sa kaniya.

Umupo kami sa bench.

"Baka naman binangungot na yun." natatawang sabi ni Ebony.

Natawa ako rin ako sa kaniyang sinabi.

"Pero seriously, ano kaya ang nangyari 'dun?" bigla akong nag-alala.

"Sus! Hinahanap mo din? The more you hate, the more you love!" Ebony teased me.

Biglang dumating si Carby at Shawn.

Tumayo agad kami ni Ebony.

"Nasaan si Blake?" Carby approached me with her mad face.

"E-ewan ko. Ilang araw na ngang walang paramdam ang lalaking 'yun. E di puntahan mo sa kanila." sarkastiko kong tugon sa kaniya.

Nilapitan ako ni Carby at hinawakan ang aking damit.

"Talaga!" she shouted.

Then tinulak nya ako. Ay naku! Hindi na kita papatulan at wala akong paki sayo.

"Uhm. Trisha .. Pwede ba kita makausap?" bigla namang nagsalita si Shawn.

Tiningnan ko sya. Tinulak ako ni Ebony at sumenyas na sumama na daw ako kay Shawn.

Nandito kami sa garden ng school.

"Naiilang ka sa 'kin, and I know that." sabi ni Shawn.

"Huh? Hindi ah. Uhm– Hindi ba nagtetext sayo si Blake?" tanong ko sa kaniya.

"Hmp. Ewan ko dun! Bakit namimiss mo sya?" tumingin siya sa akin.

Pabiro ko naman siyang hinampas ng libro.

"Hindi. Sayang kasi yung sahod ko." natatawa kong sabi.

*calling: BOSS*

"HEY DOLL!!!"

"Bakit?! Teka, nasaan ka?!"

  "Puntahan mo ako ngayon sa condo!"

*call ended*

Woah! Himala at bigla syang nagparamdam.

"Alis na ako." nagmadali na ako.

*****


Nagmamadali na akong puntahan si Blake. Nasa condominium lang pala sita. Nag-taxi ako papunta doon.

Dumeretso ako sa kwarto.

Parang pagod na pagod sya. Ang gulo ng kwarto. Teka, bakit may PANTY?!

"Babe.." halata sa mukha ng babae ang pagka-gulat.

Naka-tapis lang ito ng towel.

"S-sino sya?" nagtataka kong tanong kay Blake.

"I'm Katherine Park! Blake's girlfriend. E ikaw?" proud pang sagot ng babae sa akin.

I knew it! Sa Ateneo rin siya nag-aaral. Big booty woman with a lot of boyfriend.

"Assistant nya ako. And- pinapunta niya ako dito." sagot ko.

Nakatayo lang ako at hindi makaalis sa pwesto ko.

Nagbihis na si b*tch, I mean Katherine.

"Bye Babe."

Hahalikan nya dapat sa labi si Blake kaso tinulak na sya palabas nito.

"Uhm. Kaya pala ilang araw kang walang paramdam, ilang araw kayong naglive-in ni Katherine. Tapos tatawagan mo lang ako kapag .. Kailangan mo ng taga-linis." inis kong sermon sa aking amo.

Bakit naiiyak ako? Sumasakit ang dibdib ko. Argh! Nakakainis kasi siya. 'Di bale sana kung wala siyang napipinsalang ibang tao.

"Magligpit ka na lang." Blake told me with his very cold tone.

"E kasi inaabala ako ni Carby! Hinahanap ka nya sa 'kin." muli na naman akong napasigaw.

Binato nya yung damit sa akin. Nagligpit na lang ako. Hindi na kita iintindihin demonyo.

"After mo maglinis, please cook a very delicious soup for me." may follow-up utos agad.

"Nasaan muna ang sahod ko?" taas-kilay kong sabi.

Nakatingin lang siya sa 'kin.

"Yung sahod ko!!" sigaw ko.

"Ayos ka no? Do your job first." inis na saad ni Blake sa akin.

Hays. Pag ako di nakapagpigil, papatayin na talaga kita!

Nagpunta na ako sa kitchen. I will cook a chicken and mushroom soup. Lagyan ko na kaya ng lason 'to!

"Barbie." mahinahon nyang sabi.

Hindi ako sumagot.

"I want an ice cream."

Ang arte naman ng isang 'to.

"Anong gagawin ko? Nagluluto ako e." hindi ko maiwasang mainis sa kaniya.

Pinuntahan nya ako sa kusina at niyakap ako bigla. Hindi ako makagalaw.

"Please."

Aish! Tinulak ko sya.

"Ano ba Blake?!" punong-puno na ako sa kaniya.

Hinila niya ako at hinalikan sa labi.

Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig dahil sa ginawa ni Blake.

Lord, jackpot!

~

🖊author_mj17

Ang Boss Kong AbuseWhere stories live. Discover now