Chapter Sixty-Three

4.5K 73 0
                                    

Nandito na kami sa Mall ni Ebony at una naming pinuntahan ang Arcade. Sakto may card kaming dalawa :) Hala sige!

Laro lang tayo mga beshies, wag tayong KJ.




Isang bucket na yung tickets namin. Grabe! Ang dami na :) Si Ebony hindi pa rin tumitigil sa kakalaro. Naupo muna ako sandali dahil hinihingal na ako kakasunod sa kanya.

"Tara Best, papalitan na natin yan. Nagugutom na ako." Sabi nya.








Barbie Doll na napakalaki :)







Naalala ko tuloy yung .. AH WALA! Nandito kami ngayon sa isang fast food chain. Hmm- sobrang nagutom kami.

"Pagtapos nito, saan naman tayo?" Tanong ko.

"Bibili tayo ng mga damit." Ebony.

"Damit?! Hmm, kung sabagay." Ako.

Itinuloy namin ang pagkain. Sumagi bigla sa isip ko ang nakita ko sa post ni Blake.

"Best, alam mo bang may bago na si Blake?" Say ko.

Natigil sya sa pagkain at tila nabubulunan pa ata. Uminom sya ng softdrinks.

"Talaga?! Hmm- hayaan mo na sya. Kung masaya na sya, e di magpakasaya ka na rin." Ebony.

"M-may selos pa kasi akong nararamdaman." Sabi ko.

Tinitigan nya ako. Hiyang-hiyang ako sa sinabi ko -______- Napaka-desperada ko na ata.

Tinapos na namin ang pagkain at itinuloy ang kwentuhan habang naglalakad.

"Selos?! Naku, tama na. Sobrang tanga mo na Best." Ebony.

"E anong magagawa ko?" Ako.

"Gumising ka nga!" Ebony.

Inalog nya ako. Gising na gising ako sa katotohanang may iba na sya -_____- Pero sa tingin ako pa rin ang mahal ni Blake. Nararamdaman kong ako pa rin ang iniisip nya, namimiss nya rin ako.

"Tara na, mag-shopping na lang tayo!" Ebony.

Nandito na kami sa Women's Boutique. Kailangan kong mag-paganda para naman sa next week .. Alam mo na :)

























Six days before my birthday ..














Nasa restaurant ako ngayon. Maaga akong nagpunta dito para makabawi ako sa mga absent ko. Medyo madami rin ang mga tao, kaya busy kami.

Nasa kitchen ako kasama ni Joseph at inaasikaso ang mga orders. May dumating pang isang pamilyang customers at may ise-celebrate ata sila. As always naman na ginagawa ko, paikot-ikot na naman ako!

"Here's your order ma'am." Ako.

With matching big smile pa. Para ganahan yung mga taong kumain, tapos ang sexy ko pa. Hihi :) Balik na naman ako sa kitchen, prepare na naman then labas tapos serve! Wooooooh. Naka-heels pa man din ako.

"Hi." Si Shawn.

Naupo sya and nilapitan ko sya ng medyo naka-simangot.

"Can I take your order?" Ako.

"I want to talk about Blake's chat. Sorry na." Shawn.

"Sir, your order please?" Ako.

Nagdadabog nyang binuksan ang menu at medyo pabalang ang pagsabi nya ng order nya sa akin. Iniwan ko na sya and pumasok na ako sa kitchen.

Kahit magalit ka pa sa akin, kahit presidente ka pa ng pinapasukan ko .. Wala akong paki!

"Lasagna, iced tea and garden salad Sir." Ako.

Hinawakan nya ang kamay ko at pinaupo sa harap nya.

"Talk to me." Bulong nya.

"Aish. Ano ba yun?" Naiinis kong sabi.

"Sorry sa nabasa mo." Shawn.

"Okay! Excuse me lang ha, kailangan kong mag-trabaho." Ako.

Umalis na ako at iniiwasan ko nang pag-usapan pa ang tungkol doon. Nagpahinga na muna ako at nandito ako sa office ng resto. Sakit ng paa ko :(

"Are you okay?" Joseph.

"Oo, ayos lang ako." Say ko.

"Nasa labas si Shawn ah." Joseph.

"Ah, oo. Nakausap ko na sya kanina." Ako.

Lumabas na sya at bumalik sa ginagawa nya. Ang kirot talaga! Nilagyan ko ng malamig na ointment ang paa ko-

Wooooooooooh :) SARAP!








Bumalik na ako sa kitchen para mag-asikaso.

Ang Boss Kong AbuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon