Chapter Ninety-Two

4.4K 70 7
                                    

Paalis na kami ngayon para sa kasal nila Shawn. Alam nyo ba ang himala, si Blake ang may dala ng gamit naming dalawa.

"Ako na magdadala, assistant naman ako di ba?" Sabi ko.

Nandito na kami sa Airport hinihintay ang aming flight. Nakakapagtaka talaga, ano naman kaya ang nakain nya? Natauhan na ba sya sa mga sinabi ko?

"Ako na." Blake.

"Okay, salamat." Ako.

"Saan ka tutuloy?" Tanong nya.

Tiningnan ko sya.

"Pwede bang doon sa bahay namin ni Ebony?" Ako.

Inirapan nya ako, ano na naman kaya ang problema? Nagtanong sya, e di syempre sinagot ko sya kung saan ako tutuloy.

"Sa bahay na lang." Blake.

"Ha, bakit?" Ako.

Flight na ata namin, hindi na nakapagsalita si Blake dahil aalis na kami. Yan, badtrip na naman sya. Isang magandang rason lang ang kailangan ko para mapapayag nya ako :) Ay, ang arte ko na ba?








Tabi kami ni Blake 💑 Hihi. Doon nya ako pinaupo malapit sa bintana, himala talaga!

"Doon ka sa bahay tutuloy okay ba?" Blake.

"Hmm- okay." Mahina kong sabi.

Nag-cellphone muna ako para malibang naman ako kahit konti. Si Blake kasi may sarili ring mundo, nagpasak ng headset at natulog. Hmp! Nakakainis naman.
































(Ebony's POV)

Dito matutulog si Shawn sa bahay ko, wala kasi akong kasama e. Ilang na lang pati, kasal na namin.

"Simula bukas, hindi na muna tayo magkikita hanggang sa kasal natin ha." Ako.

"Oo na, oo na. Promise ko din sayo na walang mangyayaring kalokohan sa bachelor's party namin." Shawn.

Aww 😒 ang bait naman. Ganyan naman yan talaga, wala naman kaming pinag-aawayan e. Siguro kapag kinasal na kami, hihi joke lang. Nasa sala pa kami at nanonood ng "IT". Katakot yung clown! Napapalingon ako sa bintana, baka kasi nandun na sya. O____O Nakatodo yakap ako kay Shawn, ang creepy ng movie na 'to grabe.

"Matulog na tayo." Sabi ko.

"Hmm, mamaya na." Shawn.

"Tara na, ayoko nang manood! Hindi ko na keri e." Sabi ko.

Niyakap nya ako ng mahigpit at hinalikan sa noo, ang sweet! Pinatay ko na ang TV, tataas na kami para matulog.

Malapit na akong maging MRS.REYES 💍 waaaaaaaaaaah! Excited na ako sobra, hindi ko na mahintay ang moment na magkaroon ng little Shawn and Ebony.

Nasa kwarto na kami, naiilang talaga ako katabi sya .. Pero kailangan kong masanay, hihi.

"Goodnight." Ako.

"Yun lang?" Shawn.

"I love you." Ako.

Ngumiti sya at hinalikan ako sa pisngi, enebyen?!! Hihi, kilig ako sobra!




























(Trisha's POV)

Akalain mo yun, nakatulog pala ako. Paggising ko inabutan agad ako ni Blake ng tubig at carbonara.

"Salamat ha." Ako.

"Ang pangit mo talaga kahit tulog ka." Biro nya.

Tiningnan ko sya ng masama, tawa na naman sya nang tawa. Ayan ka na naman Blake huh?! Itatapon ko sayo 'tong kinakain ko, makikita mo.

"Pa'no yun, tabi na naman tayo sa kama mo?" Tanong ko.

"Anong tabi, kagaya noon sa sofa ka matutulog." Blake.

"Ang sama mo talaga." Ako.

Tumawa ulit sya, sana ganyan ka na lang lagi. Hindi yung maya't maya ang bangayan natin kahit saan.

"Joke lang, syempre tabi tayo. Amo plus aso di ba? Hahahaha. You're so ugly." Blake.

Kinurot nya ang pisngi ko, ouch! Ang sakit na ng mga sinasabi mo ha, hindi ko na gusto yan. Kagatin kita dyan e! 👿👿👿👿👿

"Kung magiging aso man ako, poodle ang pipiliin ko. E ikaw, pitbull! Hahahaha." Sabi ko.

Medyo natawa din naman sya sa mga sinabi ko, bigla nya akong inakbayan at nagselfie. What?! Ang pangit ko dyan, hala sya.

"Hahahaha. What is that face?! Hahahahahahaha." Blake.

Hinayaan ko na lang sya sa trip nya, dyan ka masaya e. Bahala ka sa buhay mo! Basta masaya na ako na ganyan ka na, hindi yung OA kang manlait.

Ang Boss Kong AbuseWhere stories live. Discover now