Chapter Ninety

4.2K 71 0
                                    

Ugh! F*ck this feeling, hindi ko namalayang dito na pala ako nakatulog sa pool katabi si Courtney at ang iba pa nyang mga friends. Tumayo agad ako at nagpahimasmas muna ako.







"Blake!"












O_____O Napatayo ako sa nakita ko, naglalakad na sya papalapit sa akin.







Para syang nandidiri sa mga nakikita nya. Nandito na sya sa harapan ko.









"Anong nangyari?" Tanong nya.











"We're having fun last night, pano ka nakapunta dito?" Ako.

"Tinanong ko kay Manong, tara na umuwi na tayo." Trisha.

Hinawakan nya ako sa kamay at hinila palabas, si Manong talaga! Alam na nya tuloy kung saan ako susunduin?!

Nakasakay na kami sa Van, binigyan nya ako ng tubig at bagong t-shirt. Ano 'to? Napaka-plastik naman ata nya.

"Salamat." Bulong ko.

"Kahit nagalit ka sa 'kin, nag-alala pa din ako sayo. Sino ba yung mga nakahiga sa lapag? Kadiri." Trisha.

Isa rin ba ako sa nakakadiri? Nakahiga din ako sa lapag kanina e.

"Mga kaibigan ni Courtney yun, uuwi na ba tayo?" Ako.

"Oo, mamayang 3PM may interview ka." Trisha.

Sumandal na muna ako, Aish! May jetlag ata ako, hindi ko rin akalaing mag-aalala sya ng ganito, mukhang kagigising pa lang din nya.



























(Trisha's POV)

Pasalamat sya at concern pa rin ako kahit ang sama-sama na nya sa akin. May natitira pa naman akong awa e, hindi gaya nya na super duper itim na ng budhi.

Iuuwi ko na sya, hihi. Ipinagluto ko din sya ng special soup para mawala ang hang over nya.

"Sa susunod, siguraduhin mong may mag-aasikaso sayo kapag nalasing ka sa ibang bahay." Ako.

"Who you to told me that thing?! Wala kang paki." Blake.

"At matigas ka pa talaga, alam mo Blake kahit ilang beses mo pa akong gaguhin hinding-hindi kita susukuan. Magbago lang yang ugali mo, ayos na sa akin." Ako.

My Gawd! Ano ba yung mga nasabi ko? Napatingin sya akin at tila seryoso, naku magagalit na naman ata sya. Magsusuper sayan na ata sya .. Kailangan ko nang magtago.

"Nagkaganito ako magmula 'nung nireject mo ang sorry ko. Ano bang gusto mo, sorry tapos magbabalikan tayo?" Blake.

Hala! Nagkaroon na ng sense ang kwentuhan namin, exciting 'to. Nakapag-confess pa sya ng wala sa oras, humarap ako ng maigi sa kanya at tiningnan sya ng eye to eye.

"Hindi naman sa ganun, tatanggapin ko naman dapat yung sorry mo e. Kaso naunahan ako ng takot-" sabi ko.

"Takot? Saan?" Nagtataka nyang tanong.

Nagbuntong-hininga muna ako. Hinawakan ko ang magkabilang kamay nya.

"Takot na baka kapag tinanggap ko na ang sorry mo, baka kalimutan mo na naging parte din ako ng buhay mo." Ako.

Napapikit sya .. Bigla nya akong niyakap.

"For the second time, sorry na ulit." Blake.

My God! Ano bang nasabi ko at bigla ata syang bumait? Napayakap na din ako ng mahigpit sa kanya. Hindi ko alam kung totoo ba ang lahat nang 'to.

"For the second and last time Blake, pinapatawad na kita." Ako.

Nginitian nya ako .. Ibig sabihin ba nito magiging ayos na ang lahat? Hindi na ba kami mag-aaway lagi? Igagalang na ba nya ako bilang babae?

















Nandito na kami sa bahay at dumeretso kami sa dining room para kumain ng niluto kong soup.

"Crab and corn soup with mushroom and toasted chilli and garlic." Sabi ko.

Tumawa sya, sinandukan ko na sya at halatang nasarapan ang demonyo, ay hindi si Blake pala. Hindi ko naman kasi sigurado kung mabait na sya e di ba?

"Ipagluto mo nga ako ng sisig, dadalhin ko sa taping." Blake.

"Bakit naman?" Ako.

"Para maipagmalaki kita, bakit ayaw mo?" Blake.

Hala, nagblush ako bigla. Ano ba yan Blake?! Yan ka na naman sa mga pafall mong salita ha, wag kang ganyan.

Hay naku! Ano ba 'tong nararamdaman ko, halo-halo na. Ang sarap na sana sa feeling e, kaso wala pang kasiguraduhan ang lahat :(

Ang Boss Kong AbuseWhere stories live. Discover now