Chapter Twenty-Six

6.3K 108 2
                                    

Sa ngayon, dito muna ako tumutuloy sa condo ni Blake. Bumibisita na lang siya rito kung kailangan.

"Wow! Ang bango naman, what's that?" saad ni Blake.

"Sisig. Naisipan ko lang magluto ng ganito, atsaka matagal ko nang gustong kumain nito." saad ko.

Tinikman niya yung luto ko sabay tumango. Naupo naman ako sa tabi nya.

"Board exam na next week. Kinakabaham ako." sabi ko.

"Oh? Kaya mo yan." inakbayan ako ni Blake.

Tumayo ako at tila 'di mapakali, kaya ko 'to! Makakapasa ako.

-one message-
From: Ebony
"Hey! Meet me today. Dito sa shop ko."

Agad akong nagbihis.

"Pupuntahan ko lang si Ebony ha. Hatid mo 'ko." nagpaalam ako kay Blake.

"Hatid lang?" tugon niya dahilan upang magtaka ako.

*****

Nasa byahe na kami. Tiningnan ko si Blake, walang kupas ang ka-gwapuhan ng boyfriend ko.

"I love you." paglalambing ko.

"Ano na namang ka-cornihan yan? I hate that side of you Barbie." natatawang sabi ni Blake.

"Bakit? Buti nga nilalambing kita, kaysa naman–" napatigil ako sa pagsasalita.

Biglang kong naalala ang nakaraan namin. Yung lagi niya akong sinisigawan, binabato at kung anu-ano pa.

Napangiti na lang ako.

"We are here."

Nandito na kami sa Pastry Shop ng kaibigan ko.

"Hi Guys!" sinalubong kami ni Ebony.

"Bakit ka naman biglang nagtext?" tanong ko.

Niyaya niya kami sa loob at naupo.

Nandito rin si Shawn? Nagkatitigan sila ni Blake, ano ba kasi 'to?! Set-up na naman ba 'to?

"Ebony– Ano ba?!" bulong ko kay Ebony.

"Guys! Kaya ko kayo pinatawag kasi, gusto raw tayo iinvite ni Carby sa despedida nya!" excited na saad ni Ebony.

Nag-clear throat si Shawn. Napatingin kaming tatlo sa kaniya.

"Aalis na kasi siya Blake, isa na siyang model ngayon sa France." saad ni Shawn habang nakatingin sa boyfriend ko.

"So what's the point?! Walang Blake at Trisha na pupunta sa party! I don't care about her, e 'di pumunta kayo." galit namang tugon ni Blake.

Hinawakan ko sa braso si Blake, baka mag-away sila. Kinakabahan ako.

"You are part of her past." Shawn smirked.

Nanlaki ang mga mata ni Blake at inambahan ng suntok si Shawn.

"Guys stop!" I shouted.

Nagtinginan tuloy yung crowd sa amin.

"So ano, pupunta kayo?" tila nang-aasar pa si Shawn.

"Oo!" galit na sagot ni Blake.

Lumabas bigla si Blake dahil sa sobrang inis. Tatayo na dapat ako pero pinigilan ako ni Shawn.

"Magsasawa ka rin sa kaniya." sabi nya.

Pumiglas ako at sinundan si Blake sa kotse. That man is so mean! Never akong magsasawa kay Blake.

"Ayos ka lang?" tanong ko.

"Pupunta tayo sa party, understand?!" saad ni Blake.

Pati ako nadadamay sa init ng ulo niya.

"Okay." matipid kong tugon.

Sumakay na ako sa kotse. Hays! Heto na naman ang kaba ko, sobrang lakas.

"Ibibili na kita ng sobrang gandang gown! Sigurado akong may masama na namang binabalak ang babaeng 'yon." ani ni Blake.

"I don't need that." tugon ko.

Nagsalubong na naman ang kaniyang mga kilay.

"Kailangan mo yun!" saad ni Blake.

"Nahahalatang affected ka sa mga sinabi ni Shawn! Nakakainis ka." pasigaw kong sabi.

Sa sobrang galit niya ay binilisan niya ang pagpapatakbo ng kotse.

Huminto kami sa isang Gown Shop.

Hinila niya ako papasok sa loob.

"Make her a very elegant and beautiful gown!" agad namang kumilos ang mga empleyado.

Sinukatan agad nila ako. Nakatingin ako kay Demonyo. Grabe! Tinutubuan na siya ng sungay.

"Babalikan namin ang gown bukas!"

Ako ang nahihiya sa ginagawa niya.

Hinila na naman niya ako. Kanina pa ako nasasaktan.

"Ano ba'ng problema mo?!" inis kong tanong.

"Wala." matipid nyang sagot.

Nanahimik na lang ako. Nakakaasar na siya, daig pa niya ang bata.


*****

Nandito na kami sa condo.

"Uuwi ka?" nagtataka kong tanong kay Blake.

"Oo. Ayaw kong madamay ka sa init ng ulo ko." tugon niya.

Wow! Ngayon niya lang naisip 'yon, halos ako na nga ang sumalo sa lahat ng galit at inis niya kay Shawn.

Hinalikan ko siya sa pisngi.

"I love you." I whispered.

"Bye."

I wanna die this time!

~

🖋author_mj17

Ang Boss Kong AbuseWhere stories live. Discover now