Chapter Twenty-Eight

6.2K 104 2
                                    

I'am currently reviewing and preparing for the board exam. Nakakapagtaka lang na hindi bumibisita si Blake sa akin. Mukhang busy siya sa ibang bagay.

I sent him a message.

To: Blake
"Nasaan ka?"

Wala pang ilang minuto ay may kumatok sa pintuan. Excited ko itong binuksan.

"Hi."

Isang hindi inaasahang bisita.

"So, nagre-review ka pala. Naistorbo ba kita?" Shawn asked me.

"No, it's okay." tugon ko.

Ngumiti naman siya.

"Can I help you?" he asked me again.

"S-sure." matipid kong sabi.

Tinitingnan ko siya habang nagsusulat. Bigla kong naisip na malaki pa rin ang kasalanan ko kay Shawn, aminado ako 'dun.

"Shawn, pwede bang itigil nyo na ni Blake ang pag-aaway?" napatingin siya bigla sa akin.

"Hindi ko lang talaga maitago ang selos na nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko kayo ni Blake na magkasama. You know how much I love you." ani ni Shawn.

Hinawakan ko ang kaniyang mga kamay.

"I'm sorry Shawn. Mahal ko si Blake. Bago ka pa dumating sa buhay ko, unti-unti na akong nahuhulog sa kaniya. Shawn kung pwede lang na dalawa kayo ang mahalin ko gagawin ko." paliwanag ko.

Hays. Ano ba 'tong mga sinasabi ko?! Binitawan ko ang kamay niya at tumayo.

"I respect your decision Trisha, wala na akong magagawa. Basta kapag may problema ka, nandito lang ako." kalmadong tugon ni Shawn.

Parang ang sakit naman ata 'nun para sa side ni Shawn. Kaya naman napilitan akong yakapin siya ng mahigpit.

"I'm really sorry." naiiyak kong sabi.

"You don't have to." tugon niya.

Pumiglas na siya mula sa pagkakayakap sa akin at umalis. Susundan ko dapat siya, pero hindi ko alam na kung bakit tila ayaw akong paalisin ng aking mga paa sa kinauupuan ko.

I checked my phone to see kung may reply na si Blake. Ngunit wala pa rin. Masyado na akong nag-aalala.

Hindi ako mapakali, nasaan siya? Anong ginagawa niya? Sino'ng kasama nya?

Imposible namang hindi niya ako maalalang itext or tawagan? Napakalaking IMPOSIBLE 'nun!

Saan ko siya hahagilapin?

Nagmadali akong nagbihis upang magtungo sa kanilang mansyon.

*****

Kabado akong pumasok sa loob ng mansyon ng mga Hidalgo. Tila nakikipag-karera ang puso ko sa bilis ng tibok nito. Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa paglalakad.

"Trisha. Right?"

Marahan akong nilingon ni Blake. Hindi niya inaasahan na pupunta ako rito. At mas lalong hindi ko rin inaasahan na ganitong set-up ang maaabutan ko.

"Blake told me so many things about you. And I'm so happy na napunta siya sa matinong babae!" pabirong sabi ni Camille.

Ngumiti lang ako. Anong meron?

"I'm waiting for your f*cking reply." inis kong bulong kay Blake.

"I will explain later." saad niya.

Hays! Ano na naman ba 'to? Mawawala ka na ba sa akin Blake?! May arranged marriage bang nagaganap?

"So Blake, sasama ka ba?" Camille asked him.

Sasama?

Saan?

Bakit?

Parang nagunaw ang mundo ko. Hindi nga ako umalis kasi ayaw kong iwan si Blake. Tapos magtatanong ng ganun si Camille sa harapan ko.

"Mag-uusap muna kami ni Trish."

Isinama ako ni Blake sa garden.

Naiiyak na agad ako. Alam ko na ang sasabihin nya.

"Trish, I'm really sorry. Alam kong malaki ang sakripisyo na ginawa mo dahil mahal mo ako. Sorry talaga!" naiiyak na sabi ni Blake.

Hahawakan niya dapat ang kamay ko pero mabilis ko itong iniwas at sinampal siya ng malakas sa kaliwang pisngi.

"This f*cking relationship is so unfair! Kung gusto mong umalis, maghiwalay na lang tayo. Unti-unti nang nauubos yung tiwala ko sayo." ani ko.

"Trish sorry talaga." saad niya.

"Oo na, naiintindihan ko na. Magmula ngayon ayaw ko nang makita ang pagmumukha mo! Aalis na rin ako sa condo mo. Putulin mo na ang ano mang koneksyon na mayroon tayong dalawa. Nakakasawa nang magparaya. Umalis ka na sa buhay ko." tuluyan na akong nag-hysterical.

Tumakbo na ako palabas ng mansyon at tumawag agad ng masasakyan upang magtungo sa shop ni Ebony.

Noon pa man ako na lang ang palaging nagpaparaya sa aming dalawa.

Tama nga si Shawn.

~

🖋 author_mj17

Ang Boss Kong AbuseМесто, где живут истории. Откройте их для себя