Chapter Eighty-One

4.5K 79 0
                                    

Nandito na kami ni Shawn sa Shop. Wala pa ang mga ka-meeting namin, naupo muna kami at doon itinuloy ang kwentuhan.

"So, mamaya pupunta ka sa bahay?" Shawn.

"Kahit kinakabahan ako, pupunta ako! Hays .. Sa wakas matatapos na din ang problema namin ni Papa." Sabi ko.

Lumapit sa amin si Ebony at naupo.

"Mamimiss kita Best." Sabi nya.

"Ikaw naman, wag kang mag-alala present ako sa kasal nyo okay?" Ako.

Nagtawanan kami .. Naiiyak tuloy ako, ilan kaya magiging babies nila? Haha. Kamukha ko kaya, ni Ebony or ni Shawn?!

Maya-maya ay dumating sina Mr.Gonzales at Ms.Andres. wooh! This is it, pancit. Kalma tayo mga Beshies, kalma! Inhale, exhale, wooooooooh .. I'M READY LET'S DO THIS!











Sinimulan na namin ang meeting.

"May-ari kami ng isang Shoe Company, gusto sana naming mai-feature sa magazine nyo ang mga products namin." Ms.Andres.

Woooooow :) Mukhang exciting 'to ah. Agad naman akong nagpipipindot sa laptop ko, sayang aalis na kami e. Hindi tuloy ako makakasama sa project na 'to :(

"Looks exciting huh, sino ba ang gusto nyong maging model ng products nyo?" Shawn.

Binigyan nila kami ng photo. Nagkatinginan kami ni Shawn, hindi pwede 'to!

"Uhm- I'm sorry to say this pero busy po kasi si Blake ngayon e." Palusot ko.

Baka kasi maudlot na naman ang pag-alis nya gaya ng dati, mabuti na yung sigurado no? Excited na nga akong makasama at ma-solo sya e :) Hihi, kilig ako!

"If you have any suggestions, you're free to give it." Mr.Gonzales.

"How if celebrity teens na lang po?" Ako.

Tumango sila at tila final answer na nila 'yun .. Malupit talaga ako mag-isip.

"E sino naman?" Sabi ni Shawn sa akin.

Naghanap ako sa laptop ko .. Sino nga ba?

YLONA GARCIA √

ANDREA BRILLIANTES √

MARIS RACAL √

LOISA ANDALIO √

JANELLA SALVADOR √






Sa dami nila hindi ako makapili. E isa lang naman kasi ang kailangan namin mga Beshies! Help naman oh. Pinili ko na lang si Janella Salvador dahil bukod sa may kikay attitude sya, and I like that .. Cute sya at sexy! Baby face din sya.

Ipinakita ko sa kanila ang picture ng artistang napili ko.

"Oh, she is pretty." Ms.Andres.

"She is Janella Salvador from ABS-CBN Kapamilya Network. I think she is the right person for your product." Ako.

Tumango sila, si Shawn tuwang-tuwa naman .. Hahahaha! Malaking kita rin 'to, sayang talaga hindi ako aabot.

Nag-shakehands kami at nagkabigayan na nga .. NG PAPERS :) HIHI.

Umalis na ang mga clients at sa wakas, nakahinga na ako ng maluwerg.

"Galing mo ah." Shawn.

"Last ko na kasi 'yun. Teka, anong oras tayo pupunta sa inyo?' Tanong ko.

"Hintayin muna natin si Ebony my Baby." Shawn.

Hahaha. Eiw! Charot. Ang sweet talaga nila sa totoo lang. Maya-maya ay nag-vibrate ang phone ko.













"Bullsh*t! Hindi ka manlang nagluto bago ka umalis, nagkasya lang sa breakfast ko yung niluto mo!" Blake (shouting/mad)

"Oh, kasalanan ko pa? Dapat kasi tinipid mo, ako pa sisisihin mo. Kapal nito!"

"You're dead Trisha!" Blake.

"Hindi kami dyan kakain, lalabas kami nila Ebony. Hahahahah sama ka?"

"Pag hindi ka kumain dito .. Argh! I will kill you." Blake.

    -call ended-













HAHAHAHAHA. Ang sarap nyang asarin, grabe nakakatawa sya. Para syang gutom na lion, hahahaha.

"Inasar mo na naman." Shawn.

"Hayaan mo sya, kulang pa nga yan sa mga ginawa nya sa akin noon." Ako.

Lumapit sa amin si Ebony at may dalang cake and iced tea. Hmm- sarap!

"May mga pagkain naman doong ihi-heat na lang sa oven, tamad lang talaga sya." Ako.

"Naku Best! Hindi mo rin matitiis yang alaga mo." Ebony.

Noon oo, ngayon .. Nag-iba na. Kumain na lang ako, mamaya kasi maghaharap kami ni Papa. Kinakabahan talaga ako promise, hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko.

"Why are you sad?" Shawn.

"W-wala, iniisip ko lang kung anong mangyayari mamaya." Ako.










Maya-maya pa ay nagsara na si Ebony .. Pupunta na kami kina Shawn -_______- Tahimik lang ako mula kanina hanggang sa pag-alis namin, hays! Inhale, exhale kalma Trisha. Papa mo yun di ba, kadugo mo pa rin sya wag kang ano.

Habang nasa byahe, nag-cellphone muna ako para bawas nerbyos. Facebook, twitter, instagram, youtube, mobile legends, wattpad :) Hahaha. Tingnan natin kung ma-stress pa ako nito! Malapit na ata kami, pumasok na kasi kami sa isang exclusive na subdivision, ang ganda! Daming light decors sa labas tapos ang kalsada maayos tapos may street lights na maaayos .. Hindi sya puro damo gaya ng ibang subdivision, ang mga bahay kundi 3rd floor, kundi sobrang laki .. Puro mansyon na. Gaaaaaandaaaaa!

Tumigil sa harap ng isang brown na gate .. Binuksan yun ng katulong, pagpasok namin sa loob .. WOOOOW! Laki ng bahay.

Pumasok na kami sa loob, sala pa lang pinagsamang kwart ko, kwarto ni Ebony at sala namin na pinaghalo ang space.

Naupo muna kami.

"Tatawagin ko si Mommy and Daddy." Shawn.

Nag-serve ang katulong ng fresh juice. Ang mga yaya naka-uniform pa.








Bumaba na sila .. Yan na!











"Trisha, Ebony .. Si Mommy Pola and Daddy Conrad." Shawn.

Nakatulala lang ako, habang si Ebony ay humalik sa mga future in laws nya. Naupo na kami.

"Ikaw ba si Trisha?" Tita Pola.

"O-opo." Nauutal kong sabi.

"Conrad, this is it." Tita Pola.

Nanginginig ako grabe, hindi ko sila matingnan ng deretso. Kaya natin 'to.

"And ikaw naman si Ebony, magaling pumili ang anak ko ha." Biro ni Tita Pola.

Nagtawanan sila, hindi ko kaya!

"Anak .. B-bakit ka namang biglaang nagpunta?" Papa.

Tiningnan ko muna sila, lumunok at talagang kinakabahan ako :( Hindi ko na kaya, natatae na ako!

"Aalis na po ako .. P-punta na ho ako sa States, pabisi-bisita na lang po ako dito." Sabi ko.

"Tapos?" Papa.

Nag-start na akong maiyak, tumayo ako at niyakap ko ng mahigpit si Papa.

"Pinapatawad na kita 'Pa. Sorry po talaga sorry!" Naiiyak kong sabi.

Hindi ko na alam ang ginagawa ko pero .. Habang niyayakap ko sya, gumagaan ang kalooban ko. Naiyak na rin si Papa.

"Wala yun anak." Papa.

Niyakap din ako ng asawa nya, ang babait naman nila :(

Sana lahat no. Sana ganito na kaayos lahat.

Ang Boss Kong AbuseWhere stories live. Discover now