Chapter Fourteen

10.5K 191 5
                                    

Today is my day-off as Blake's assistant. Kaya naman naisip kong yayain si Mama na magpunta sa mall.

Kakain muna kami sa Savory Chicken.

"Dalawang bihon guisado, isang crispy buttered chicken, dalawang sweet and sour fish fillet at dalawang lechon kawali. Yung drinks po namin is water na lang."

"Ang dami naman anak." reklamo sa akin ni Mama.

"Ako ang bahala 'Ma. Gusto ko mabusog tayo ng sobra ngayong araw. Let's enjoy this moment." saad ko.

Nginitian niya ako. Sayang nga lang at wala na si Papa. Sumakabilang-bahay na.

Medyo matagal ang arrival ng orders pero worth it dahil masarap.

"Maraming salamat anak." saad ni Mama.

"Naku 'Ma! Kulang pa 'yan sa mga absent ko sa bahay." pabiro kong tugon.

Tumawa si Mama at hinawakan ang kaliwa kong pisngi.

"Ang swerte ko at ikaw ang naging anak ko." nakangiting sabi ni Mama.

"Mama naman! Tama na ang drama." nagpatuloy kami sa aming pag-kain.

"Can I join you?"

Natigil ako sa aking pag-nguya. Marahan kong nilingon yung nagsalita.

"Shawn?" nagtataka kongn saad.

"Walang problema, maupo ka." sabi naman ni Mama.

Patay ako kay Blake kapag nalaman niya 'to!

"Mama si Shawn po, schoolmate ko." sabi ko.

"Nice to meet you po Tita!" nakangiting saad ni Shawn.

"Nice to meet you rin. Unahin nyo muna ang pag-aaral ha? Mahirap ang buhay ngayon." seryosong sabi ni Mama.

Nagkatinginan kami ni Shawn at sabay ngumiti.

"Oo naman po Tita." tugon ni Shawn.

"Shawn, mauuna na kami ni Mama ha?" paalam ko.

"Ah- sasama na ako!" bigla siyang tumayo.

What?! Sana talaga hindi 'to makaabot kay Blake.

"Sige Hijo!" excited na sabi ni Mama.

Dinala kami ni Shawn sa parlor. Paikot-ikot ang tingin ko dahil baka nasa paligid lang namin si Blake. Masyadong gala ang lalaking 'yon kaya may ninety-nine percent chance na nandito rin siya.

"May hinahanap ka?" Shawn asked me.

"W-Wala, wala." utal kong tugon.

Ngumiti siya.

"Meron e!" he teased me.

"Tara na." niyaya na kami ni Mama.

Wow! Ang ganda ng Mama ko.

Nagtungo naman kami sa isang cosmetic boutique.

"Sobra na yung bigay mo kay Mama." saad ko.

"Hindi ah. Nag-eenjoy nga sya e. Para naman mabawasan ang stress nya." nakangiti namang tugon ni Shawn.

"Hays! Thankyou ha." sabi ko.

Inakbayan niya ako.

"Wala yun. Basta para sa ikakasaya ng babaeng mahal ko."

Natahimik ako sa sinabi niya.

"A-Ano?!" nagtataka at gulat kong tanong.

Tumawa lang siya sabay pumasok sa loob ng boutique.

Ang Boss Kong AbuseWhere stories live. Discover now