Chapter Twenty-Seven

6.3K 113 5
                                    

It's party time!

Nandito ako sa labas ng condo at hinihintay si Blake.
Infairness, ang ganda ng gown na pinagawa niya. Rushed pero bongga.

Maya-maya pa ay dumating na ang boyfriend ko.

"Wow! You look like– Ayaw ko nang mag-comment. Basta maganda ka!" nagsimula na naman siyang mang-asar.

"Thank you ha?! May favor lang ako Blake, ayaw ko sanang magkaroon ng gulo." saad ko.

Ngumiti siya at hinawakan ang aking kamay.

"Don't worry, I'll be a good guy tonight. Basta ang mahalaga ay magkasama tayong dalawa." saad ni Blake.

Sana lang Blake, sana lang.

*****

Malapit na kami sa bahay ni Carby. Kinakabahan ako alam naman kasi ng lahat na bruha ang babaeng 'yun.

"Hi Blake! Oh, so she is your date tonight? As usual nga naman, Hi Trisha!" halata ang pagkukunwari ni Carby.

Nginitian ko siya ng napaka-plastik, ang sarap niyang sabunutan. Pumasok na kami sa loob at heto pa, nakahawak ang bruha sa braso ng BOYFRIEND ko!

"Best!" si Ebony.

Kasama nya si Shawn.

"Wow. What a gorgeous look!" nakangiting saad ni Shawn.

"Thank you." ani ko.

Nilingon ko si Blake, he is enjoying chatting with the flirts. Hindi maganda 'tong mga nangyayari ngayon.

Hindi naman ako selosang babae. Alam ko namang mahal ako ng lalaking 'yan. Tiwala lang mga Bes, tiwala lang. Hindi siya magpapalandi sa iba.

"Hinahayaan mo lang na makipaglandian ang boyfriend mo?" tanong ni Shawn.

"Huh? Mukha namang hindi siya nakikipag-landian." kampante kong tugon sa kaniya.

"Look!" dagdag pa ni Shawn.

"May tiwala naman ako kay Blake." depensa ko.

Ngumiti siya, he offers me some drinks. Binigyan niya ako ng red wine.

"Enjoying?!" tila naiinis na saad ni Blake.

Inakbayan niya ako at kinuha ang iniinom ko.

"Blake, please lang." bulong ko sa nag-iinit kong boyfriend.

Hinalikan niya ako sa pisngi. Nakita ko sa mata ni Shawn ang inis at– Selos nga ba?

"Uhm. Excuse lang ha?" ani ko.

Inaya ko muna si Ebony at lumayo muna ako sa dalawang mokong.




*****





(Blake's POV)

Iniwan kami ni Trish. Medyo naiilang rin ako kasi this guy standing infront of me is a SNAKE!

"Bro, mahal mo ba talaga si Trisha?" nakakaasar na tanong ni Shawn.

"Oo, sobra. Why?" saad ko.

Tumawa siya.

"Oh, I see. Balang araw, maiisip mo rin na hindi si Trisha ang tipo mong babae." natatawang sabi ni Shawn.

Gusto ko siyang sapakin, pero nag-promise ako kay Trish.

"Ano bang gusto mong sabihin? Are you jealous? Sorry ha, ako kasi ang mahal niya at hindi ikaw." saad ko.

Ngumiti lang siya at tiningnan ang girlfriend ko.

"Oo." matipid nyang sagot.

Aaminin ko, nainis din ako sa sagot nya. Gustong-gusto ko na siyang sapakin.

"What?!" naguguluhan kong tanong.

"Oo nagseselos ako! Dahil ako ang naunang na-inlove sa kaniya pero ikaw ang pinili nya. Ako ang unang nag-confess pero ikaw ang minahal nya, Blake you have it all. Ano ba'ng meron ka na wala ako? Sex appeal?! E putcha naman! I know she loves you because she just want to take care of you dahil alam niyang sutil kang anak!!" saad ni Shawn.

Sinapak ko na siya dahilan ng pagkahiga niya sa sahig. Natapon sa mukha niya yung alak na iniinom niya.










*****





(Trisha's POV)

Nagulat ako nang makita kong nakahiga si Shawn sa sahig. Tumakbo agad ako papalapit sa kanila.

"Blake stop!" I shouted.

Pinalibutan na kami ng mga tao. Itinayo ko si Shawn, nagdudugo yung labi nya.

"Hindi mo alam kung anong sinasabi mo Shawn!" galit na saad ni Blake.

"Tama na, ano ba?!" inis kong sabi sa kanilang dalawa.

Pilit kong tinutulak si Blake palabas pero talagang palaban siya.

"Trisha is mine! At wala ka nang magagawa." sigaw ni Blake.

Ako pala ang pinag-aawayan nila?! Kumunot na naman ang noo ni Carby.

Nakisali na din siya sa gulo.

"Tutal ginulo ninyo na ang last party ko with you guys, lulubusin ko na. Hanggang dito ba naman Trisha ikaw pa rin ang center of attraction? Wow naman, you're so beautiful. At ikaw Shawn, sumuko na ako sa kakahabol kay Blake pero ikaw– Argh!! You ruined everything! Lalo ka na Trisha." galit na galit na sabi ni Carby.

Naiiyak na ako sa sobrang hiya.

"Tara na Blake." bulong ko.

Inakbayan niya ako at lumabas na kami. Nakakahiya. Hindi ko akalain na mangyayari 'yun.

Pagsakay namin sa kotse–

"Sorry, I broke my promise. Nadamay ka pa." saad ni Blake.

Lalo tuloy ako naiyak. Na-touch ako!

"Umuwi na lang tayo." matipid kong sabi.

~

🖋author_mj17

Ang Boss Kong AbuseWhere stories live. Discover now