Chapter Fifteen

9.5K 176 3
                                    

Second semester has came.

Malapit na akong grumaduate! Nagpapasalamat ako kay Blake dahil kahit roller coaster ang samahan namin, atleast malapit ko nang maabot ang pangarap ko dahil sa kaniya.

"Magkano ang tuition mo?" tanong ni Blake.

And yes, si Blake ang magbabayad ng tuition ko.

Kulang pa nga yun sa mga pang-aabuso niya sa 'kin e.

"It's Php.50,549." tugon ko.

Binigay niya agad ang cheque. Nauna na ako sa kanya. Mag-eenroll pa kasi ako.

"Trisha!" lumapit si Ebony sa akin.

"Grabe namiss kita! Sorry ha. Minsan na lang tayo magkasama." saad ko.

"Okay lang. Alam ko namang strict ang boss mo e." tugon ni Ebony.

Ang sweet naman ng best friend ko.

"Mag-eenroll ka ba?" I asked her.

"Yeah. Sabay na tayo?" saad ni Ebony.

Nagpunta na kami sa counter kung saan kami magpapa-enroll for the new semester.

"Kamusta naman kayo ni Blake? Pinagbibitbit ka pa din ba ng mga walang kwentang shopping items?" galit na tanong ni Ebony sa akin.

"Hays! Oo. Wala nang bago dun!" inayos ko muna ang mga documents na dala ko.

Umiling si Ebony.

"Hi girls." si Shawn.

Tumayo ako upang batiin siya.

"Sino siya?" nagtatakang tanong ni Ebony.

"Si Shawn nga pala." saad ko.

Nilapitan ni Ebony si Shawn at tila iniimbestigahan niya ito.

"Pogi ka. Ano'ng meron sa inyo ng best friend ko?" sabi ni Ebony.

Ngumiti Shawn at tumingin sa akin.

"Manliligaw." matipid na sagot ni Shawn.

Tumili ng malakas si Ebony at nagtinginan sa amin ang mga tao.

Syempre mahihiya ako. Ito kasing si Ebony masyadong maingay.

"Maupo na tayo." nahihiya ako.

"Nasaan na si Blake?" Shawn asked me.

"Hindi ko alam." tugon ko.

Tumango siya. Naiilang na naman ako. Baka makita kami ni Blake, nandito lang yun sa paligid.

"Bakit parang kinakabahan ka?" tanong ulit ni Shawn sa akin.

"W-Wala." matipid kong tugon.

Buti na lang at turn ko na, pagkatapos ko magpa-enroll ay tumakbo na ako pabalik sa bench.

I saw Blake and Katherine kissing and making a scandal.

Nagtago ako sa isang malaking puno upang tingnan sila. Bakit parang naiiyak ako? Sumasakit na naman ang dibdib ko. Bakit? Masyado akong affected!

Napilitan akong lapitan sila at napatayo si Blake.

"T-Trisha?!" gulat niyang sabi.

"Katherine." mahina kong sabi.

Itinaas niya ang kwelyo niya at tumayo.

"Hindi ba't last month you told me that you want to break up with him? Kasi may kasama kang guy noon. Sa accesories shop?" saad ko.

Nanlaki ang kaniyang mga mata at napatingin si Blake sa kaniya.

"No. She is fooling you Babe! Huwag kang maniwala sa kanya."

Tiningnan ako ng masama ni Blake. Mukhang naniniwala siya kay Katherine.

Tumalikod na ako lumakad palayo nang biglang–

"Traitor!"

Isang galit na boses.

Hindi ko na sila nilingon. Babalikan ko si Ebony dahil hindi pa ata siya tapos magpa-enroll.

"Okay ka lang?" bigla namang sumulpot si Carby.

Bakit bigla siyang bumait?

"Namumutla ka." dugtong nya.

Nilagpasan ko siya. Wala na sila dito. Saan ako pupunta? Uwi na lang kaya ako? Mas mainam 'yon para makapagpahinga na rin ako.

"Trisha." si Shawn.

Lumapit siya sa akin.

"Bakit nawala ka kanina?" tanong niya.

Niyakap ko siya. Naiiyak na ako. Bakit ba ako sobrang naapektuhan kay Blake at sa malanding 'yun?

"Is there anything wrong? Trisha anong problema?" Shawn asked me.

Humagulgol na ako ng iyak, hindi ko na napigilan.

"Bakit ba ako nagkakaganito Shawn?!" saad ko.

Naramdaman kong niyakap na niya rin ako.

"Si Blake na naman ba?" tanong niya.

Tumango ako. Pinunasan niya ang luha sa aking mga mata. Hinawakan niya ako sa pisngi.

"Sabi sayo e–  Ako na lang kasi Trisha." saad ni Shawn.

"Shawn mahirap! Hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo sa 'kin." saad ko.

Sumimangot sya. Halatang nasaktan sya sa sinabi ko.

"Kaysa naman ipagsiksikan mo yang sarili mo kay Blake! You think he can love you? No Trisha!" galit nyang sabi.

Tumayo ako, feeling ko iniinsulto niya na lang ako. Bakit ba ang judgemental ng mundo?!

Bakit ninyo ba ako ginaganito?

Lumakad na ako palayo kay Shawn.

"And if he loves you– Then congrats!" malakas na saad ni Shawn.

Humarap ako sa kaniya.

"Shawn, thank you for making me strong. Thank you for that words." nakangiti kong sabi.

Nag-uunahan sa pagpatak ang kaniyang mga luha.

Tumakbo na ako palayo, yung malayong-malayo sa kanilang lahat.


*****

(Blake's POV)

Inaway ko na naman si Trish. Bakit ba kasi napaka-babaero ko?

"Babe, anong iniisip mo?" tanong ni Katherine.

Kumakain kami ngayon dito sa cafeteria. Nakatulala ako at walang bawas ang pagkain.

"W-wala. Masakit lang ulo ko."

Laging nasa isip ko si Trish. Baka umiiyak yun? Or nagsumbong kay mommy and daddy.

"Mauuna na ako." paalam ko.

"But– Ngayon na lang ulit tayo nagkasama." saad ni Katherine.

Hindi ko na sya inintindi. Ang dami ko nang kasalanan kay Trish.

~

🖋author_mj17

Ang Boss Kong AbuseWhere stories live. Discover now