Part 20

18.5K 476 31
                                    



"MILO!" tawag ni Bianca sa binata kasabay ng pagkatok sa pinto ng kuwarto nito. Kanina pa siya gising at kanina pa rin nagwewelga ang kanyang mga bituka. Nang araw na iyon lang niya napagtanto na halos beinte oras na pala siyang hindi kumakain. Ayaw naman niyang basta na lang pumasok sa kuwarto ni Milo dahil malinaw pa sa isip ang sinabi nito kani-kanina lang. Mahirap na, baka nga totoong hindi nagdadamit ang binata kapag natutulog.

Itinaas niya ang paningin nang maramdaman ang mga yabag na palapit sa pinto.

Mabuti na iyong sigurado, baka wala ngang saplot ang damuho. At least kapag naka-chin up ako, mukha lang niya ang makikita ko.

Pero para naman siyang kinikiliti na ewan sa isiping makikita niyang nakahubad si Milo.

Itigil mo 'yang iniisip mo, Bianca! Ano ba ang nangyayari sa 'yo? kastigo niya sa sarili.

Bumukas ang pinto at bumulaga sa kanyang mga mata si Milo na magulo ang buhok. Nakapikit pa ang isang mata habang ang kanang mata ay pilit lang iminumulat.

Napapalatak sa isip si Bianca. Talagang pinagpala ang taong 'to... Kahit yata ano ang ayos ay hindi man lang nababawasan ang taglay nitong kaguwapuhan.

"Puwede mo nang ibaba 'yang ulo mo. Ikaw rin, baka magka-stiff neck ka niyan. I was just joking last night, okay? Hindi ako nakahubad matulog," namamalat ang boses na sabi ni Milo.

Jeez, kailan pa naging sexy ang paos na boses? Pero kakaiba talaga ang dating ng boses ng binata.

Ibinaba nga ni Bianca ang tingin, lalo at nangangawit na rin siya. Pero muntik pa rin siyang mapasinghap nang masilayan ang perpektong katawan ni Milo na animo nililok ng isang dalubhasang iskultor. Almusal ba ikamo? Hayun ang anim na pandesal na siguradong magpapadighay sa iyo sa kabusugan sa pagtitig pa lang sa mga iyon. He was so lean that every inch of his body from his arms to his abdomen was well defined. Natawag din ang kanyang pansin ng pinong balahibong iyon mula sa pusod nito pababa sa... sa...

Shit! Bakit may suot kang boxer shorts?


Ipinilig ni Bianca ang kanyang ulo. Hindi siya makapaniwalang pumasok sa isip niya ang bagay na iyon. Nag-iinit na ang kanyang mukha. Kasi naman, nakasuot nga ng boxer shorts si Milo pero hindi naman nakaligtas sa malinaw niyang mga mata ang nakaumbok doon. Kung bakit kasi tila may ginigising na kung ano sa pagkatao niya si Milo. Pakiramdam tuloy niya ay para siyang nagiging makamundo dahil dito; napo-pollute ang utak niya. Gatuldok lang pala ang imahen na binuo niya sa isip. Why, every inch of this man screamed of sexiness.

No, she wasn't that naïve. Sa fashion industry siya nagtrabaho at normal na sa kanyang mga mata ang mga hubad na katawan ng mga modelong lalaki na natatabingan lamang ng maliliit na saplot. Sanay na siya sa mga iyon, pero ang katawan ni Milo ay kakaiba ang epekto sa kanya. Oh, well, kahit ano nga palang bagay na may kinalaman sa binata ay may kakaibang epekto sa kanya.


Autor's note: Nakapost po ang complete story since 2017. Pero dahil nakakontrata na po ito sa Dreame ay kailangan ko nang burahin ang ibang parts. Sa Dreame na po ninyo mababasa ito mababasa nang buo. Salamat. :)

Love On Trial (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon