Part 9

19K 555 34
                                    


Agad niyang iniharang ang kanyang kamay. "Diyan ka lang!"

"Jeez, Bianca, relax. I won't bite you, okay? Well, I might someday..." sabi nito at kinindatan siya.

Nagrigodon na naman ang dibdib niya. Kinuha ni Milo ang eyeglasses niya at isinuot uli iyon sa kanya.

"And I will bite you back!"

Humalakhak si Milo, tila aliw na aliw.

Nag-init naman ang mga pisngi niya nang matanto ang maaaring ibang kahulugan ng "bite." Saan ba namasyal ang kukote niya? Mukhang naligaw iyon at hindi mahanap ang daan pabalik dahil kanina pa niya iyon hindi mapakinabangan.

"I like that. I will bite you and you will bite me back. Sige, magkagatan na lang tayo. I could live like that. In fact, why don't we start doing it now? What do you think?"

"Milo!" naeeskandalong bulalas ni Bianca. Hindi niya alam kung bakit nasasagad ang kanyang pasensiya sa lalaking ito. Hindi ba at kaya nga siya gusto ng kanyang mga nakatrabaho ay dahil sa mahaba niyang pasensiya? Hindi siya mainipin, hindi bugnutin, at hindi madaling mainis. Sa pagme-make up pa lang kasi ay mahabang pasensiya na ang kailangan ng isang modelo. Pero pagdating kay Milo ay talagang nasasagad siya.

Humahalakhak na itinaas ni Milo ang mga kamay bilang pagsuko. "Okay, titigil na ako. Mahirap na, baka lalo akong ma-bad shot sa 'yo. Funny, ngayon lang ako naging ganito kasaya. And it's all because of you, Bianca." Ilang saglit na tinitigan pa siya nito nang malagkit, saka ngumiti. "So, paano, Attorney Cusap, I'll see you in court? I believe we'll be facing each other inside the courtroom."

"W-what do you mean? N-no... Don't tell me, abogado ka ng prosecution?" Nanlaki ang mga mata niya nang tumango si Milo bilang kumpirmasyon sa kanyang hinala.

"You can't imagine how surprised I was when I learned that you were also a lawyer. I mean, wow! You're a model and a lawyer at the same time."

Kababakasan ng paghanga ang mga mata ng binata, pero walang oras si Bianca para i-appreciate iyon. Si Milo ang makakaharap niya sa korte! Sapat na iyon para manginig ang kanyang mga tuhod.

Mahabaging Diyos! Ano po ba 'tong napasok ko? One hundred and one percent sure na pakakainin ako ng alikabok ng lalaking 'to! Kung puwede nga lang na tumakbo na siya palayo at agad-agad na sumakay sa eroplano pabalik sa Paris. Sumasakit na nga ang ulo niya sa pag-iisip ng paraan kung paano palalabasin na anak talaga ni Yaya ang mga bata sa kabila ng DNA test results. At ngayon ay madadagdagan pa ng isa. Haharapin niya si Milo sa korte bilang private prosecutor, bukod pa sa abogado ng gobyerno o ng DSWD.

"Don't worry. I know it's your first time in court. Trust me, I'll be gentle."

Taas-noong tiningnan ni Bianca si Milo. "Kung makapagsalita ka, akala mo sigurado ka nang mananalo sa kaso. Attorney Montecillo, this may not be my cup of tea but rest assured that I will do my best to win this case!"

"Against me?" nangingiting tanong nito na tila aliw na aliw sa panggigigil niya. "Against the pieces of evidence?"

"Yes, against you! Tatalunin kita!"

Talaga lang, Bianca? Paano mo gagawin iyon, magma-magic ka? Kailangan mo ng milagro para manalo sa kaso, buska ng isang bahagi ng isip niya.

"Okay, let's make a deal, Bianca. Win this case and I will be your slave for a month. I will do anything you want and definitely, your wish will be my command. Aalilain ng mananalo ang matatalo. Deal?"

"Deal!" agad na pagpayag niya. Kapag nanalo lang daw naman siya. Wala namang sinabi si Milo na aalilain din siya nito kapag natalo siya. Walang mawawala sa kanya bagkus ay may makukuha pa siya. She would have Atty. Montecillo for a slave. What a rare deal!

"We've got a deal then, Bianca. You'd better prepare yourself, darling. Magiging sunod-sunuran ka sa akin for a month. You will do whatever I please. And I mean everything that pleases me," puno na kumpiyansang wika ni Milo.

"A-aalilain mo ako kapag natalo ako? Hindi ba ikaw lang ang kondisyon dito?"

Ngumiti nang nakaloloko si Milo. "Honey, aalilain nga ng mananalo ang matatalo, 'di ba?"

"You can't possibly do that! Hindi mo 'yan nilinaw!" Oh, hell! Kung pakaiisiping mabuti ni Bianca, iyon nga ang ibig sabihin ng sinabi ni Milo. Kasama pa rin siya sa kondisyones.

"Matalino kang tao, Bianca, hindi ko kailangang ipaliwanag ang bawat salita ko. Kaya dapat mag-isip ka muna nang mabuti bago ka makipag-deal," abot-tainga ang ngiting wika ni Milo.

Love On Trial (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang